Mga lungsod ng Pilipinas
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang lungsod ay isang yunit ng pamahalaang lokal sa Pilipinas. Nakasaad sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 ang istrukturang administratibo at kapangyarihan ng mga lungsod.
Binigbigyan ang mga lungsod ng mas malaking bahagi sa internal revenue allotment (IRA) kaysa sa mga munisipalidad. Mas nabibigyan din ng awtonomiya ang mga lungsod kaysa sa mga munisipalidad.
Ang lungsod ay pinamumunuan ng isang alkalde na hinahalal sa eleksyon. Ang bise alkalde naman ang umuupong pinuno ng Sangguniang Panlungsod. Mayroon ding iba't ibang departamento ang lungsod upang mas mapaglinkuran nila ang kanilang nasasakupan.
Gaya ng mga munisipalidad, nahahati rin ang mga lungsod sa mga barangay. May ibang lungsod naman na nahahati rin sa mga distrito.
Mga lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lahat ng mga lungsod sa Pilipinas ay mga nakakartang lungsod (Ingles: chartered city). Ayon sa legal na klasipikasyon, inuuri ang mga lungsod sa tatlo, nakapaloob na lungsod, malayang nakapaloob na lungsod at lubos na urbanisadong lungsod.
Ayon sa pinakahuling senso, ang Lungsod Quezon sa Kalakhang Maynila ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas na may mahigit sa 2,000,000 residente. Ang Lungsod ng Palayan naman sa Nueva Ecija ang may pinakamaliit na populasyon. Kung lawak ang pagbabatayan, ang Lungsod ng Davao ang pinakamalaking lungsod habang ang pinakamaliit ay ang Lungsod ng San Juan sa Kalakhang Maynila.
Mayroong tatlong mga malalaking kalakhang lugar ang Pilipinas. Kalakhang Maynila ang pinakamalaking konurbasyon sa bansa. Binubuo ito ng lungsod ng Maynila at 16 na karatig lungsod at bayan. Ang pangalawa ay ang Kalakhang Cebu sa lalawigan ng Cebu. Nakasentro ito sa Lungsod ng Cebu, ang kabisera at walong karatig na lungsod at bayan. Pangatlo naman ang Kalakhang Davao. Nakasentro ito sa Lungsod ng Davao at kabilang ang mga karatig na lungsod at bayan.
Klasipikasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Klasipikasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inuuri ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 ang mga lungsod sa isa sa tatlong klasipikasyon.
- Lubos na Urbanisadong Lungsod (Highly Urbanized City): Mga lungsod na may populasyong hindi bababa sa 200,000 katao, na pinatotohanan ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas, at may taunang kita na hindi bababa sa 50 milyong piso, sertipikado ng tagaingat-yaman ng lungsod. Sa kasalukuyan, may 33 mataas na urbanisadong lungsod sa Pilipinas, 16 rito ay bahagi ng Kalakhang Maynila.
- Malayang Nakapaloob na Lungsod (Independent Component City): Mga lungsod na may kartang nagbabawal sa kanilang mga nasasakupan na humalal sa mga panlalawigang katungkulan. Limang lungsod sa Pilipinas ang nauuri dito at lahat sila ay may awtonomiya mula sa lalawigan kung saan sila matatagpuan. Ang mga ito ay ang mga lungsod ng Dagupan, Santiago, Naga, Ormoc at Cotabato.
- Nakapaloob na Lungsod (Component City): Ang mga lungsod na hindi makasapat sa mga pangangailangang nabanggit ay pinapalagay na bahagi ng lalawigan kung saan ito matatagpuan. Kung ang isang nakapaloob na lungsod ay nasa pagitan ng dalawa o higit pang lalawigan, ito ay tinuturing na bahagi ng lalawigan kung saan ito nabibilang nang ito ay isang munisipalidad pa. Maliban sa limang malayang nakapaloob na lungsod, lahat ng iba pang lungsod ay mga nakapaloob na lungsod.
Klasipikasyon ng kita
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga lungsod ay naka-uri bilang sa karaniwang taun-taong kita na naka-base sa nakaraang tatlong kalendaryong taon. [1] Naka-arkibo 2013-04-30 sa Wayback Machine.
- Unang klase - P250 milyon o pataas
- Ikalawang klase - P155 milyon o pataas pero mas mababa kay sa P250 milyon
- Ikatlong klase - P100 milyon o pataas pero mas mababa kay sa P155 milyon
- Ika-apat na klase - P70 milyon o pataas pero mas mababa kay sa P100 milyon
- Ikalimang klase - P35 milyon o pataas pero mas mababa kay sa P70 milyon
- Ika-anim na klase - P35 milyon o pababa
Malalaking lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lungsod | Populasyon | Imahe | Rehiyon |
---|---|---|---|
1. Quezon City | 2,960,048 | Kalakhang Maynila | |
2. Maynila | 1,846,513 | ||
3. Davao City | 1,776,949 | Rehiyon ng Davao | |
4. Caloocan | 1,661,584 | Kalakhang Maynila | |
5. Zamboanga City | 977,234 | Tangway ng Zamboanga | |
6. Cebu City | 964,169 | Gitnang Kabisayaan | |
7. Antipolo | 887,399 | Calabarzon | |
8. Taguig | 886,722 | Kalakhang Maynila | |
9. Pasig | 803,159 | ||
10. Cagayan de Oro | 728,402 | Hilagang Mindanao |
Color coding ng bawat lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ‡ Mga mataas, urbanisadong lungsod
- ‡ Mga malayang lungsod
- * Mga nakapaloob na lungsod
Tala ng mga lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Noong Nobyembre 25, 2009, mayroong mga 121 lungsod sa Pilipinas
Tandaan: Nakatala ang mga malayang lungsod dito kasama ang mga lalawigan na dating kinabibilangan nila, katulad ng Lungsod ng Baguio in Benguet, Lungsod ng Zamboanga sa Zamboanga del Sur, Lungsod ng Angeles sa Pampanga, Lungsod ng Davao sa Davao del Sur, at Lungsod ng Naga sa Camarines Sur.
Malalaking mga lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sumusunod ang tala ng sampung malalaking mga lungsod sa bansa sang-ayon sa populasyon noong sensus ng taong 2007.
Hanay | Lungsod | Populasyon noong 2000 |
---|---|---|
1. | Lungsod Quezon | 2,679,450 |
2. | Maynila | 1,660,714 |
3. | Lungsod ng Kalookan | 1,378,856 |
4. | Lungsod ng Davao | 1,363,337 |
5. | Lungsod ng Cebu | 798,809 |
6. | Lungsod ng Zamboanga | 774,407 |
7. | Lungsod ng Antipolo | 663,971 |
8. | Lungsod ng Pasig | 617,301 |
9. | Lungsod ng Taguig | 613,343 |
10. | Lungsod ng Valenzuela | 568,928 |
11. | Lungsod ng Dasmariñas | 556,000 |
<td valign="top" style="padding-right: 1em;"
Ayon sa alpabeto
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lungsod ng Alaminos , Pangasinan
- Lungsod ng Angeles , Pampanga
- Lungsod ng Antipolo , Rizal
- Lungsod ng Bacolod , Negros Occidental
- Lungsod ng Bago , Negros Occidental
- Lungsod ng Baguio , Benguet
- Lungsod ng Bais , Negros Oriental
- Lungsod ng Balanga , Bataan
- Lungsod ng Batangas , Batangas
- Lungsod ng Bayawan , Negros Oriental
- Lungsod ng Baybay, Leyte
- Lungsod ng Biñan, Laguna
- Lungsod ng Bislig , Surigao del Sur
- Lungsod ng Bogo,Cebu
- Lungsod ng Butuan , Agusan del Norte
- Lungsod ng Cabanatuan , Nueva Ecija
- Lungsod ng Cabuyao, Laguna
- Lungsod ng Cadiz , Negros Occidental
- Lungsod ng Cagayan de Oro , Misamis Oriental
- Lungsod ng Calaca, Batangas
- Lungsod ng Calamba , Laguna
- Lungsod ng Calapan , Oriental Mindoro
- Lungsod ng Calbayog , Samar
- Lungsod ng Candon , Ilocos Sur
- Lungsod ng Canlaon , Negros Oriental
- Lungsod ng Cauayan , Isabela
- Lungsod ng Cavite , Cavite
- Lungsod ng Cebu , Cebu
- Lungsod ng Cotabato , Maguindanao
- Lungsod ng Dagupan , Pangasinan
- Lungsod ng Danao , Cebu
- Lungsod ng Dapitan , Zamboanga del Norte
- Lungsod ng Dasmariñas, Kabite
- Lungsod ng Davao , Davao del Sur
- Lungsod ng Digos , Davao del Sur
- Lungsod ng Dipolog , Zamboanga del Norte
- Lungsod ng Dumaguete , Negros Oriental
- Lungsod ng Escalante , Negros Occidental
- Lungsod ng Gapan , Nueva Ecija
- Lungsod ng General Santos , South Cotabato
- Lungsod ng Gingoog , Misamis Oriental
- Lungsod ng Guihulngan, Negros Oriental
- Lungsod ng Himamaylan , Negros Occidental
- Lungsod ng Iligan , Lanao del Norte
- Lungsod ng Imus , Cavite
- Lungsod ng Iloilo , Iloilo
- Lungsod ng Iriga , Camarines Sur
- Lungsod ng Isabela , Basilan
- Lungsod ng Kabankalan , Negros Occidental
- Lungsod ng Kalookan , Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Kidapawan , Cotabato
- Lungsod ng Koronadal , South Cotabato
- Lungsod ng La Carlota , Negros Occidental
- Lungsod ng Laoag , Ilocos Norte
- Lungsod ng Lapu-Lapu , Cebu
- Lungsod ng Las Piñas , Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Legazpi , Albay
- Lungsod ng Ligao , Albay
- Lungsod ng Lipa , Batangas
- Lungsod ng Lucena , Quezon
- Lungsod ng Maasin , Southern Leyte
- Lungsod ng Makati , Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Malabon , Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Malaybalay , Bukidnon
- Lungsod ng Malolos , Bulacan
- Lungsod ng Mandaluyong , Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Mandaue , Cebu
- Lungsod ng Maynila, Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Marawi , Lanao del Sur
- Lungsod ng Marikina , Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Masbate , Masbate
- Lungsod Agham ng Muñoz, Nueva Ecija
- Lungsod ng Muntinlupa , Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Naga in Camarines Sur
- Lungsod ng Olongapo , Zambales
- Lungsod ng Ormoc , Leyte
- Lungsod ng Oroquieta , Misamis Occidental
- Lungsod ng Ozamis , Misamis Occidental
- Lungsod ng Pagadian , Zamboanga del Sur
- Lungsod ng Palayan , Nueva Ecija
- Lungsod ng Panabo , Davao del Norte
- Lungsod ng Parañaque , Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Pasay , Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Pasig , Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Passi , Iloilo
- Lungsod ng Puerto Princesa , Palawan
- Lungsod Quezon , Kalakhang Maynila
- Lungsod Roxas , Capiz
- Lungsod ng Sagay , Negros Occidental
- Pulong Harding Lungsod ng Samal, Davao del Norte
- Lungsod ng San Carlos , Negros Occidental
- Lungsod ng San Carlos , Pangasinan
- Lungsod ng San Fernando, La Union
- Lungsod ng San Fernando, Pampanga
- Lungsod ng San Jose , Nueva Ecija
- Lungsod ng San Jose del Monte , Bulacan
- Lungsod ng San Pablo , Laguna
- Lungsod ng San Pedro , Laguna
- Lungsod ng Santa Rosa , Laguna
- Lungsod ng Santo Tomas, Batangas
- Lungsod ng Santiago , Isabela
- Lungsod ng Silay , Negros Occidental
- Lungsod ng Sipalay , Negros Occidental
- Lungsod ng Sorsogon , Sorsogon
- Lungsod ng Surigao , Surigao del Norte
- Lungsod ng Tabaco , Albay
- Lungsod ng Tacloban , Leyte
- Lungsod ng Tacurong , Sultan Kudarat
- Lungsod ng Tagaytay , Cavite
- Lungsod ng Tagbilaran , Bohol
- Lungsod ng Taguig , Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Tagum , Davao del Norte
- Lungsod ng Talisay , Cebu
- Lungsod ng Talisay , Negros Occidental
- Lungsod ng Tanauan , Batangas
- Lungsod ng Tangub , Misamis Occidental
- Lungsod ng Tanjay , Negros Oriental
- Lungsod ng Tarlac , Tarlac
- Lungsod ng Toledo , Cebu
- Lungsod ng Trece Martires , Cavite
- Lungsod ng Tuguegarao , Cagayan
- Lungsod ng Urdaneta , Pangasinan
- Lungsod ng Valencia , Bukidnon
- Lungsod ng Valenzuela , Kalakhang Maynila
- Lungsod ng Victorias , Negros Occidental
- Lungsod ng Vigan , Ilocos Sur
- Lungsod ng Zamboanga , Zamboanga del Sur
Mga Kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Liga ng mga Lungsod ng Pilipinas
- Proyetong Philippine Clean Cities Naka-arkibo 2007-02-03 sa Wayback Machine.
- Artikulo sa CityMayors.com