Pumunta sa nilalaman

Pagadian

Mga koordinado: 7°49′38″N 123°26′11″E / 7.8272°N 123.4364°E / 7.8272; 123.4364
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Pagadian)
Pagadian

Lungsod ng Pagadian
Mapa of Zamboanga del Sur na nagpapakita ng lokasyon ng Pagadian
Mapa of Zamboanga del Sur na nagpapakita ng lokasyon ng Pagadian
Map
Pagadian is located in Pilipinas
Pagadian
Pagadian
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 7°49′38″N 123°26′11″E / 7.8272°N 123.4364°E / 7.8272; 123.4364
Bansa Pilipinas
RehiyonTangway ng Zamboanga (Rehiyong IX)
LalawiganZamboanga del Sur (kabisera)
Mga barangay54 (alamin)
Pagkatatag23 Marso 1937
Ganap na LungsodHunyo 21, 1969
Pamahalaan
 • Manghalalal137,303 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan378.80 km2 (146.26 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan210,452
 • Kapal560/km2 (1,400/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
45,633
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-2 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan13.36% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
7016
PSGC
097322000
Kodigong pantawag62
Uri ng klimaklimang tropiko
Mga wikaWikang Subanon
Sebwano
Wikang Chavacano
wikang Tagalog
Websaytpagadian.gov.ph

Matatagpuan sa lalawigan ng Zamboanga del Sur, ang lungsod ng Pagadian ay isang "2nd class city." Ito ang kabisera ng nasabing lalawigan at tinatayong sentro rehiyonal ng Tangway ng Zamboanga (Zamboanga Peninsula). Ang Pagadian ay binansagang "Munting Hong Kong ng Katimugan." Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 210,452 sa may 45,633 na kabahayan.

Ang lungsod ng Pagadian ay hinahati sa 54 na barangay. Maaaring bumisita sa artikulong Pagadian City sa Wikipedia sa Ingles para sa mga pangalan ng mga barangay.

Isang dating barrio ng Labangan sa lumang lalawigan ng Zamboanga, ang Pagadian ay naging isang bayan noong Marso 23, 1937 sa pamamagitan ng E.O. 77 ng Pangulong Manuel L. Quezon. Si Hon. Jose Sanson ang unang alkalde ng Pagadian.

Hinati sa dalawa ang lalawigan ng Zamboanga noong Hunyo 6, 1952 sa pamamagitan ng R.A. 711 na pagmamay-aari ni Kongresista Roseller T. Lim. Naging kabisera ang Pagadian noong Setyembre 17, 1952. Hinirang ang Pagadian bilang isang Lungsod noong Hunyo 21, 1969 sa pamamagitan ng R.A. 5478. Noong 2004 ay pinangalanan ang Pagadian bilang Sentro Rehiyonal para sa Tangway ng Zamboanga, bagamat planado ang paglipat nito mula sa Zamboanga noong 1990 sa administasyon ng Pangulong Corazon C. Aquino.

Matatagpuan sa hilaga-silangang bahagi ng rehiyon, ang Lungsod ng Pagadian ay ang pasukan ng Zamboanga del Sur. Nagiging pasukan rin ng mga lungsod ng Ozamiz, Iligan at Cotabato. Ang Pagadian ay may kabuuan ng 331.6 sq. km. at may 54 na barangay.

Mga Pangunahing Tanawin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Salvation and Praise Fellowship ( Happy Church )Vencedores Network
  • Isla ng Dao Dao
  • White Beach
  • Pulacan Falls
  • Dagat ng Muricay
  • Dagat ng Bomba
  • Dagat ng Poloyogan
  • Lourdes Hot and Cold Springs
  • Lambak ng Lizon
  • Manga Falls
  • Mt. Susong Dalaga
  • Mt. Pinokis
  • Kapatagan ng Bulatoc
  • Ditoray Waterfalls
  • Mga kuweba ng Kendis at Manga
  • Rotonda ng Pagadian mula sa Rizal Avenue
  • Katedral ng Santo Nino

Mga Kaganapan at Kapistahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ang Kapistahan ng Santo Nino, kilala bilang "Pasalamat Festival," ay ginanap tuwing ikatlong linggo ng Enero.

Paano Makaabot sa Pagadian?

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Makaabot ang Pagadian sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Eroplano- sa kasalukuyan ay patuloy na lumilipad mula Pagadian, Cebu hanggang Manila (at vise versa) sa Cebu Pacific at Airphil Express.
  • Bus- may mga sakayan ng bus mula Pagadian hanggang Zamboanga, Dipolog, Davao at Cagayan de Oro

Sa pangkalahatan ay mayroong 13 mga paaralang tertiary, kabilang ang kampus ng Western Mindanao State University-annex.

Kalusugan at Serbisyong Medikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Lungsod ng Pagadian ay mayroong 12 na ospital at klinika.

Kabilang sa Unang Distrito Kongresyonal ng lalawigan ang Pagadian City. Si Mayor Romeo "Tata" Pulmones ang alkalde ng lungsod sa unang termino. Bilang kabisera ng Zamboanga del Sur, ang mga tanggapang panlalawigan at ang kapitolyo ay matatagpuan din sa Pagadian.

  • GMA 3
  • RPN DXKP TeleRadyo (Channel 5)
  • MIT-RTVN 9
  • RMN DXPR 603
  • DXBZ Radyo Bagting 756
  • RPN DXKP Radyo Ronda 1377
  • DXID Radyo Islam 1566
  • 91.1 Voice Radio
  • 91.9 Radyo Natin
  • 94.1 Radio One FM
  • 96.7 iFM
  • 98.3 Energy FM
  • 99.1 Muews Radio
  • CMN 99.9 Radyo Totoo
  • 105.7 Brigada News FM
  • 106.3 Bell FM
Senso ng populasyon ng
Pagadian
TaonPop.±% p.a.
1939 46,262—    
1948 57,913+2.53%
1960 41,810−2.68%
1970 57,615+3.25%
1975 66,062+2.78%
1980 80,861+4.12%
1990 106,307+2.77%
1995 125,182+3.11%
2000 142,585+2.83%
2007 161,312+1.72%
2010 186,852+5.49%
2015 199,060+1.21%
2020 210,452+1.10%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Zamboanga del Sur". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region IX (Zamboanga Peninsula)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Zamboanga del Sur". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]