Kodigo ng Pamahalaang Lokal (Pilipinas)
Itsura
Ang Kodigo ng Pamahalaang Lokál ng 1991 ng Pilipinas ay ang batas na nagbigay-daan sa paglilipat ng kapangyarihan, awtoridad, at responsabilidad sa ilang gampaning pampamahalaan mula sa pambansa (sentral) tungo sa mga lokál na yunit ng pamahalaan. Tinutupad nito ang takda ng Konstitusyong 1987 (Artikulo 2, Seksiyon 25) na “sisiguruhin ng Estado ang awtonomiya ng mga pamahalaang lokál.”