Likas-kaya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Diyagramang Venn na nagpapakita ng tatlong haligi ng likas-kaya.

Ang likas-kaya (Ingles: sustainability) ay layuning panlipunan na may kinalaman sa kakayahan ng mga tao na ligtas na mamuhay nang magkasama sa mundo sa loob ng mahabang panahon. Mahirap magkasundo sa tiyak na kahulugan ng terminong ito, at nagkakaiba-iba ito sa panitikan, konteksto, at oras.[1][2] Karaniwang inilalarawan ang likas-kaya na may tatlong dimensiyon (o haligi): kalikasan, pangkabuhayan at panlipunan.[2] Sinasabi ng maraming publikasyon na pinakaimportante ang haligi ng kalikasan.[3][4] Dahil dito, sa pang-araw-araw na gamit, nakatuon ang likas-kaya sa paglaban sa mga pangunahing problema sa kalikasan, kagaya ng pagbabago ng klima, kabawasan ng saribuhay, kabawasan ng serbisyo sa ekosistema, pagkapinsala ng lupa, at polusyon ng hangin at tubig. Maaaring gamitin ang konsepto ng likas-kaya upang gabayan ang mga desisyon sa mga pangglobo, pambansa, at pansariling antas. (hal. likas-kayang pamumuhay).[5]

Isang konsepto na may malapit na kaugnayan ang likas-kayang pag-unlad, kalimitan ang magkasingkahulugang paggamit ng dalawang termino.[6] Gayunman, ayon sa UNESCO, magkaiba ang dalawa sa ganitong paraan: "Karniwang ipinapalagay ang likas-kaya bilang pangmatagalang layunin (hal. isang mas likas-kayang mundo), habang tumutukoy ang likas-kayang pag-unlad sa maraming proseso at landas upang makamit ito."[a][7]

Talababa[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Ingles: Sustainability is often thought of as a long-term goal (i.e. a more sustainable world), while sustainable development refers to the many processes and pathways to achieve it.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Ramsey, Jeffry L. (2015). "On Not Defining Sustainability" [Sa Hindi Pagbibigay-kahulugan sa Likas-Kaya]. Journal of Agricultural and Environmental Ethics (sa Ingles). 28 (6): 1075–1087. doi:10.1007/s10806-015-9578-3. ISSN 1187-7863. S2CID 146790960.
  2. 2.0 2.1 Purvis, Ben; Mao, Yong; Robinson, Darren (2019). "Three pillars of sustainability: in search of conceptual origins" [Ang tatlong haligi ng likas-kaya: paghahanap ng pinagmulan ng mga konsepto]. Sustainability Science (sa Ingles). 14 (3): 681–695. doi:10.1007/s11625-018-0627-5. ISSN 1862-4065. Nakopya ang teksto mula sa sangguniang ito, na magagamit sa ilalim ng Creative Commons Attribution 4.0 International License
  3. Kotzé, Louis J.; Kim, Rakhyun E.; Burdon, Peter; du Toit, Louise; Glass, Lisa-Maria; Kashwan, Prakash; Liverman, Diana; Montesano, Francesco S.; Rantala, Salla (2022), Sénit, Carole-Anne; Biermann, Frank; Hickmann, Thomas (mga pat.), "Chapter 6: Planetary Integrity" [Kabanata 6: Integridad ng Planeta], The Political Impact of the Sustainable Development Goals: Transforming Governance Through Global Goals? (sa Ingles), Cambridge: Cambridge University Press, pp. 140–171, doi:10.1017/9781009082945.007, ISBN 978-1-316-51429-0
  4. Bosselmann, Klaus (2010). "Losing the Forest for the Trees: Environmental Reductionism in the Law" [d]. Sustainability (sa Ingles). 2 (8): 2424–2448. doi:10.3390/su2082424. ISSN 2071-1050. Nakopya ang teksto mula sa sangguniang ito, na magagamit sa ilalim ng Creative Commons Attribution 3.0 International License
  5. Berg, Christian (2020). Sustainable action : overcoming the barriers [Likas-kayang aksiyon : pagdaig sa mga hadlang] (sa Ingles). Abingdon, Oxon. ISBN 978-0-429-57873-1. OCLC 1124780147.{{cite book}}: CS1 maint: location missing publisher (link)
  6. "Sustainability" [Likas-kaya]. Encyclopedia Britannica (sa Ingles). Nakuha noong 31 Marso 2022.
  7. "Sustainable Development" [Likas-kayang Pag-unlad]. UNESCO (sa Ingles). 2015-08-03. Nakuha noong 20 Enero 2022.