Pumunta sa nilalaman

Saribuhay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ilang halimbawa ng kolatkolat ng inipon noong tag-init ng 2008 sa gubat ng Hilagang Saskatchewan, malapit sa La Ronge, na larawan ng saribuhay ng halamang-singaw. Sa larawang ito, mayroon ding mga lumot.

Ang saribuhay[1] o pagkasari-sari ng buhay (Ingles: biodiversity) ay ang pagkaiba-iba ng buhay sa daigdig. Sukatan ang saribuhay ng pagkaiba-iba sa mga antas ng henetika, espesye, at palamuhayan.[2]

Hindi pantay-pantay ang saribuhay sa mundo; mas sari-sari ito sa mga tropiko dahil sa mainit na klima at mataas na pangunahing pagyari sa rehiyon na malapit sa ekwador. Wala pang 10% ng rabaw ng mundo ang mga palamuhayan na tropikal na kagubatan at nilalaman ang mga ito ng 90% ng mga espesye sa daigdig. Mas mataas ang saribuhay ng dagat sa mga baybayin ng Kanlurang Paspiko, kung saan pinakamataas ang init-lamig[a] ng pinakaibabaw ng dagat, at sa bandang gitnang latitud sa lahat ng mga karagatan. Waring kumukumpol-kumpol ang saribuhay sa mga "kumpulan" (Ingles: hotspot), at tumataas ito sa paglipas ng panahon, ngunit malamang na babagal ito sa hinaharap bilang pangunahing hantong ng pagkaubos ng mga gubat. Sinasaklaw nito ang mga takbo sa pag-unlad, ekolohiya, at kagawian na tumutustos sa buhay.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "saribuhay - Diksiyonaryo". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong 8 Marso 2022.
  2. "What is biodiversity?" [Ano ang saribuhay?] (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Environment Programme, World Conservation Monitoring Centre. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-08-29. Nakuha noong 2023-03-08.
  3. Tracy, Benjamin F. (2000). "Patterns of plant species richness in pasture lands of the northeast United States" [Mga huwaran ng kayamanan ng mga espesye ng halaman sa mga pastulan ng hilagang-silangang Estados Unidos]. Plant Ecology (sa wikang Ingles). 149 (2): 169–180. doi:10.1023/a:1026536223478. ISSN 1385-0237. S2CID 26006709.
  1. temperature