Pumunta sa nilalaman

Tropiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang hitsura ng Pilipinas ay isang tropikong rehiyon.
Mapa ng mundo kung saan ang tropiko ay ipinahiwatig ng isang pulang banda

Ang tropiko o mga bansa na tropiko ay ang heograpikong rehiyon sa Lupa o "earth" na naka-sentro sa ekwador o "equator". Nililimitahan ito sa latitud ng dalawang tropiko: ang Tropiko ng Cancer sa hilaga at ang Tropiko ng Capricorn sa timog na hemisperyo. Ito ay nagmula sa salitang griyego na tropos, na ang ibig sabihin ay bwelta o pag-ikot.

Ang rehiyong ito ay nakalatag sa pagitan ng 23.5° H latitud at 23.5° T latitud, at kasama dito ang lahat ng parte ng Lupa na direktang tinatamaan ng araw(o kung saan naka-anggulong 90° altitud ang araw mula sa lupa) nang maski isang beses lang sa isang taong solar (hindi nagagawa ito ng araw lampas hilaga ng Tropiko ng Cancer at lampas timog ng Tropiko ng Capricorn). Sa panukalang klasipikasyon ng klima ni Köppen, ang klimang tropikal ay nilalarawan bilang isang klimang hindi-arid, na ang lahat sa labindalawang buwan ng taon ay may promedyong temperaturang hindi bababa sa 18 °C.

Mga Organismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga tropikal na halaman at hayop ay yung mga katutubong espesye (species) sa rehiyon. Ang salitang ito ay ginagamit din bilang pagtukoy sa isang lugar na mainit at mahalumigmig buong taon, na may saganang kahalamanan. Subalit may mga ilang lugar sa tropiko na hindi talaga "tropikal" at mga alpine tundra at niyebeng tuktok, tulad ng sa bundok ng Mauna Kea.

Halimbawa ng mga lungsod tropikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]