Pumunta sa nilalaman

Kodigo ni Kalantiaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Kodigo ni Rajah Kalantiaw ay isang kodigong legal sa epikong kasaysayan sa Maragtas na sinasabing sinulat noong 1433 ni Datu Kalantiaw, isang pinuno sa pulo ng Negros sa Pilipinas. Sinasabi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na panloloko lamang ang kodigo na sinulat lamang noong 1913 ni Jose E. Marco bilang bahagi ng kanyang kathang-isip pangkasaysayan na Las antiguas leyendas de la Isla de Negros (Tagalog: Ang mga Lumang Alamat ng Pulo ng Negros), na kinakabit niya sa isang paring nagngangalang Jose Maria Pavon.

Nilalarawan ni Teodoro Agoncillo, isang dalubhasa sa kasaysayan, ang kodigo bilang "isang dokumentong pinagtatalunan."[1] Sa kabila ng pagdududa sa pagiging kapani-paniwala nito, may mga sulating pangkasaysayan ang patuloy na pinapakita na ang kodigo ay tunay na nangyari sa kasaysayan.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Agoncillo 1990, p. 26.
  2. Zulueta & Nebres 2003, pp. 28–33.