Kasaysayan ng mundo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa kasaysayan ng planetang Daigdig, tingnan ang Kasaysayan ng Daigdig.

Ang kasaysayan ng mundo, sa popular na salita, ay naglalarawan sa kasaysayan ng tao, mula sa paglitaw ng Homo sapiens hanggang sa kasalukuyan na nadetermina mula sa mga nakasulat na talâ. Kung kaya't tinatawag din itong kasaysayan ng tao o kasaysayang pantao, na sa madalíng sabi ay ang kasaysayan ng tao magmula sa pinakamaagang mga kapanahunan hanggang sa kasalukuyan, sa lahat ng mga pook sa ibabaw ng Mundo, na nagsisimula sa Panahong Paleolitiko. Hindi kasáma rito ang hindi pantaong likas na kasaysayan at kasaysayang heolohikal, maliban na lámang dahil sa may kahalagahan ang pagkaapekto ng likás na mundo sa búhay ng mga tao. Kabílang sa kasaysayan ng mundo ang pag-aaral ng nakasulat na mga talâ o rekord, magmula sinaunang panahon pasulong, pati ang karagdagang kaalamang nakamit magmula sa iba pang mga mapagkukunan, katulad ng arkeolohiya. Ang sinaunang naitalang kasaysayan[1] ay nagsisimula sa pagkaimbento, na hiwa-hiwalay ang pagsisimula sa ilang mga lugar sa Mundo, ng pagsusulat, na lumikha sa imprastraktura (saligan at pamamamaraan) para sa nagtatagal at tumpak na paglilipat o transmisyon ng mga alaala, at sa ganitong paraan pati na ang pagpapakalat at paglaki ng kaalaman.[2][3] Subalit, ang mga ugat ng kabihasnan ay umaabot na pabalik sa kapanahunan bago pa ang pagsusulat — ang prehistorya (panahon bago ang nakasulat na kasaysayan) ng sangkatauhan.

Prehistorya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinaunang Tao[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang prehistorya ng tao ay nagsimula noong Panahong Paleolitiko, o "Maagang Panahon ng Bato". Sa paglaon, noong Panahong Neolitiko (Bagong Panahon ng Bato), dumating ang Rebolusyong Pang-agrikultura (sa pagitan ng 8000 at 5000 BCE) sa Matabang Gasuklay, kung saan unang nagsimula ang mga tao ng masistemang pagsasaka ng mga halaman at pag-aalaga ng mga hayop.[4][5][6] Lumaganap ang agrikultura sa kanugnog na mga rehiyon at umunlad na mag-isa sa iba pang mga lugar, hanggang sa ang mga tao ay naninirahan na bilang mga magsasaka sa pamalagiang mga maliliit na mga pamayanan.[7] Ang kaukol na seguridad at tumaas na produktibidad na nailapat ng pagsasaka ay nagpahintulot sa mga pamayanan upang kumalat. Lumaki sila na anging lalong tumataas na mas malalaking mga yunit na kaalinsabayan ng ebolusyon ng mas mabisa pang mga pamamaraan ng transportasyon.

Ang sobrang mga pagkain ay nakapagdulot ng paghahati ng mga gawain, ng pagkakaroon ng mga taong nasa mataas na uri ng lipunan, at ang pagkakaroon at pag-unlad ng mga lungsod at kasama nito ang kabihasnan. Ang lumalaking kasalimuotan ng mga lipunan ng tao ay nangailangan ng mga sitema ng pagkukuwenta, na humantong sa pagsusulat.[8]

Pag-usbong ng kabihasnan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagkaroon ng mga kabihasnan sa mga pampang ng mga katawan ng sariwang tubig (mga lawa at mga ilog) na nakapagbibigay ng búhay. Sa pagsapit ng 3000 BCE, nagsimula sila sa Mesopotamia (ang "lupain na nasa pagitan ng mga Ilog Euphrates at Tigris) ng Gitnang Silangan,[9] sa mga pampang ng Ilog Nilo ng Ehipto,[10][11][12] at sa lambak ng Ilog Indus.[13][14][15] Ang kahalintulad na mga sibilisasyon ay maaaring nagsimula at umunlad sa kahabaan ng mga ilog sa Tsina, subalit ang katunayang pang-arkeolohiya para sa malawig na pagtatatag na urbano ay hindi gaanong matiyak.

Sinaunang Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Partikular ang kasaysayan ng Lumang Mundo (Europa, ngunit pati na rin ang ng Silangang Malapit at Hilagang Aprika) ay pangkaraniwang hinahati sa Sinaunang kasaysayan o Kalaunan, magpahanggang sa 476 CE; ang Gitnang Kapanahunan,[16][17] magmula ika-5 hanggang sa ika-15 mga daantaon, kasama ang Ginintuang Panahong Islamiko (c. 750 CE – c. 1258 CE) at ang maagang Renasimyento sa Europa; ang Maagang Modernong panahon,[18] magmula ika-15 daantaon hanggang sa hulihan ng ika-18 daantaon, kabilang ang Panahon ng Pagpapaliwanag; at ang Panghuling Modernong panahon, magmula sa Rebolusyong Industriyal hanggang sa kasalukuyan, kasama ang Kasaysayang Kontemporaryo.

Sa Europa (at sa mga kasaysayang Kanluranin, ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyo ng Roma (476 CE) ay pangkaraniwang itinuturing bílang tanda ng wakas ng Sinaunang panahon at siya namang simula ng Gitnang Panahon, kung kailan (noong bandang taon ng 1300) nagsimula ang Renasimyentong Europeo[19][20] Noong kalagitnaan ng ika-15 daantaon, ang pagkaimbento ni Johannes Gutenberg ng modernong paglilimbag,[21] na gumamit ng tipong naigagalaw, ang nagpausad ng rebolusyon ng komunikasyon, na tumulong sa pagwawakas ng Gitnang Panahon at nagpasimula sa makabagong kapanahunan at sa Himagsikang Pang-agham.[22] Sa pagsapit ng ika-18 daantaon, ang pagkakaipon ng kaalaman at teknolohiya, natatangi na sa Europa, ay umabot sa isang masang kritikal na nagdala ng Rebolusyong Industriyal.[23]

Sa ibang mga bahagi ng mundo, katulad ng sinaunang Silangang Malapit,[24][25][26] sinaunang Tsina,[27] at sinaunang India, magkakaiba ang paglaladlad ng mga pangkasaysayang mga guhit ng kapanahunan. Subalit, sa pagsapit ng ika-18 daantaon, dahil sa malaganap na pandaigdigang kalakalan at kolonisasyon, ang kasaysayan ng karamihan sa mga kabihasnan ng mundo ay naging mahigpit ang pagkakatali sa bawat isa. Sa loob ng huling ikaapat na bahagi ng milenyo, tumulin ang paglaki ng kaalaman, teknolohiya, komersiyo, at ng potensiyal na pagiging mapangwasak ng digmaan, na lumikha ng mga pagkakataon at panganib na kasalukuyang humaharap sa mga pamayanan ng tao na naninirahan sa mundo.[28][29]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Crawford, O. G. S. (1927). Antiquity. [Gloucester, Eng.]: Antiquity Publications [atbp.]. (cf., History education in the United States is primarily the study of the written past. Defining history in such a narrow way has important consequences ...)
  2. Ayon kay David Diringer ("Writing", Encyclopedia Americana, edisyon ng 1986, bolyum 29, p. 558), "Writing gives permanence to men's knowledge and enables them to communicate over great distances.... The complex society of a higher civilization would be impossible without the art of writing." o "Ang pagsusulat ay nagbibigay ng pamamalagi (pananatili) ng kaalaaman ng tao at nagbibigay sa kanila ng kakayahang makipag-ugnayan nang talagang malayuan... Ang lipunang masalimuot ng isang mas mataas na kabihasnan ay hindi maaaring mangyari kapag wala ang sining pagsusulat."
  3. Webster, H. (1921). World history. Boston: D.C. Heath. Page 27.
  4. Tudge, Colin (1998). Neanderthals, Bandits and Farmers: How Agriculture Really Began. London: Weidenfeld & Nicolson. ISBN 0-297-84258-7.
  5. Bellwood, Peter. (2004). First Farmers: The Origins of Agricultural Societies, Blackwell Publishers. ISBN 0-631-20566-7
  6. Cohen, Mark Nathan (1977) The Food Crisis in Prehistory: Overpopulation and the Origins of Agriculture, New Haven at London: Yale University Press. ISBN 0-300-02016-3.
  7. Hindi nilisan ng lahat ng mga lipunan ang nomadismo, natatangi na iyong nakabukod na mga rehiyong may kakaunting mga uri ng halamang maaalagan sa tahanan. Tingnan ang Jared Diamond, Guns, Germs and Steel.
  8. Schmandt-Besserat, Denise (Enero–Pebrero 2002). "Signs of Life" (PDF). Archaeology Odyssey: 6–7, 63. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2012-05-21. Nakuha noong 2012-01-17.
  9. McNeill, Willam H. (1999) [1967]. "In The Beginning". A World History (ika-4 pat.). New York: Oxford University Press. p. 15. ISBN 0-19-511615-1.
  10. Baines, John at Jaromir Malek (2000). The Cultural Atlas of Ancient Egypt (revised pat.). Facts on File. ISBN 0816040362.
  11. Bard, KA (1999). Encyclopedia of the Archaeology of Ancient Egypt. NY, NY: Routledge. ISBN 0-415-18589-0.
  12. Grimal, Nicolas (1992). A History of Ancient Egypt. Blackwell Books. ISBN 0631193960.
  13. Allchin, Raymond (patnugot) (1995). The Archaeology of Early Historic South Asia: The Emergence of Cities and States. New York: Cambridge University Press.
  14. Chakrabarti, D. K. (2004). Indus Civilization Sites in India: New Discoveries. Mumbai: Marg Publications. ISBN 81-85026-63-7.
  15. Dani, Ahmad Hassan; Mohen, J-P. (eds.) (1996). History of Humanity, Volume III, From the Third Millennium to the Seventh Century BC. New York/Paris: Routledge/UNESCO. ISBN 0415093066. {{cite book}}: |author2= has generic name (tulong)
  16. "Internet Medieval Sourcebook Project". Fordham.edu. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-04-16. Nakuha noong 2009-04-18.
  17. "The Online Reference Book of Medieval Studies". The-orb.net. Nakuha noong 2009-04-18.
  18. Rice, Eugene, F., Jr. (1970). The Foundations of Early Modern Europe: 1460–1559. W.W. Norton & Co.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  19. Burckhardt, Jacob (1878), The Civilization of the Renaissance in Italy Naka-arkibo 2008-09-21 sa Wayback Machine., isinalinwika ni S.G.C Middlemore, muling nalathala noong 990, ISBN 0-14-044534-X
  20. "''The Cambridge Modern History. Vol 1: The Renaissance (1902)". Uni-mannheim.de. Nakuha noong 2009-04-18.
  21. "What Did Gutenberg Invent?". BBC. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-11-13. Nakuha noong 2008-05-20.
  22. Grant, Edward. The Foundations of Modern Science in the Middle Ages: Their Religious, Institutional, and Intellectual Contexts. Cambridge: Cambridge Univ. Pr., 1996.
  23. More; Charles. Understanding the Industrial Revolution (2000) edisyong online Naka-arkibo 2011-08-14 sa Wayback Machine.
  24. William W. Hallo & William Kelly Simpson, The Ancient Near East: A History, Holt Rinehart and Winston Publishers, 1997
  25. Jack Sasson, The Civilizations of the Ancient Near East, New York, 1995
  26. Marc Van de Mieroop, History of the Ancient Near East: Ca. 3000–323 BC., Blackwell Publishers, 2003
  27. "Ancient Asian World". Automaticfreeweb.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-05-15. Nakuha noong 2009-04-18.
  28. Reuters – The State of the World Naka-arkibo 2009-02-14 sa Wayback Machine. The story of the 21st century
  29. "Scientific American Magazine (Isyu noong Setyembre 2005) The Climax of Humanity". Sciam.com. 2005-08-22. Nakuha noong 2009-04-18.