Pagpaplano ng lungsod
Ang pagpaplanong lungsod, o pagpaplanong urbano, (tingnan pagpaplanong bayan, regional o town planning sa Ingles) ay isang prosesong teknikal at pampolitika na nakatuon sa pagtaban ng paggamit ng lupain at pagdidisenyo ng kapaligirang urbano, na kinabibilangan ng mga network ng transportasyon, upang magabayan at matiyak ang maayos na pagpapaunlad ng mga pamamayani ng mga tao at mga pamayanan. Nakatuon ito sa pananaliksik at pagsusuri, pag-iisip na makaestratehiya, arkitektura, disenyong urbano, pagkonsulta sa madla, mga mungkahing pampatakaran, pagpapatupad at pamamahala.[1]
Ang plano o balak ay maaaring magkaroon ng sari-saring mga anyo na kinabibilangan ng mga planong makaestratehiya, mga planong komprehensibo, mga planong pangkapit-bahayan, mga estratehiyang pangregulasyon at pang-insentibo, o mga plano ng preserbasyong pangkasaysayan. Ang makabagong mga pinagsimulan ng planong urbano ay nakaratay sa pagkilos para sa repormang urbano na lumitaw sa isang pagtugon laban sa kawalan ng kaayusan ng lungsod na pang-industriya noong kalagitnaan ng ika-19 daantaon. Ang pagpaplanong urbano ay maaaring kabilangan ng pagpapanibagong urbano, sa pamamagitan ng pag-aangkin ng mga paraan ng pagpaplano sa umiiral na mga lungsod na nakakaranas ng paghina. Noong kahulihan ng ika-20 daantaon, ang katagang kaunlarang pampagpapatuloy o kaunlarang sustinable ay naging representasyon ng isang ideyal na resulta ng lahat ng mga layunin ng pagpaplano.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Lipunan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.