Wikang Sinaunang Griyego

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sinaunang wikang Griyego)
Sinaunang Griyego
Ἑλληνική
Hellēnikḗ
Rehiyonsilanganing Mediteraneo
Eranaging Griyegong Koine ng ika-4 na siglo BK
Pamilyang wika
Indo-European
Sistema ng pagsulatalpabetong Griyego
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2grc
ISO 639-3grc
Homeric Greece-en.svg
Simula ng Odisea ni Homer

Ang Sinaunang Griyego ay nagbubuo ng mga anyo ng wikang Griyego na ginamit sa Sinaunang Gresya at sa sinaunang mundo mula sa ika-9 na siglo BK hanggang sa ika-6 na siglo CE. Ito ay madalas na nahahati sa Arkaikong panahon (ika-9 hanggang ika-6 na mga siglo BK), Klasikong panahon (ika-5 hanggang ika-4 mga siglo BK) at Helenistikong panahon (ika-3 BK hanggang ika-6 siglo CE. Ito ay naunahan noong ika-2 milenyo BK ng wikang Griyegong Miseno.

Ang wika ng yugtong Helenistiko ay tinatawag na Koine (karaniwan) o Griyego ng Bibliya; gayunman, ang wika mula sa huling panahon at pasulong nito ay hindi nagpapakita ng malalaking mga pagkakaiba mula sa Griyegong Mediebal. Ang Griyegong Koine ay itinuturing na isang hiwalay na yugtong historikal bagaman sa mas maagang anyo nito, ito ay malapit na katulad ng Klasikong Griyego. Bago ang panahong Koine, ang Griyego ng klasiko at mga mas maagang panahon ay kinabibilangan ng ilang mga pang-rehiyong dialektong Sinaunang Griyego.

Ang Sinaunang Griyego ang wika ni Homer at ng mga klasikong Atenianong historyador, mandudula, at mga pilosopo. Ito ay nag-ambag ng maraming mga salita sa bokabularyo ng wikang Ingles at naging isang pamantayang paksa ng pag-aaral sa mga institusyong pang-edukasyon sa kanluraning daigdig simula noong Renasimiyento.