Pumunta sa nilalaman

Arkimedes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Archimedes)
Archimedes ng Syracuse (Griyego: Άρχιμήδης)
PanahonSinaunang pilosopiya
RehiyonKlasikal na Griyegong pilosopiya
Eskwela ng pilosopiyaEuclid ng Alexandria
Likas na pilosopiya
Mga pangunahing interesmatematika, pisika, inhinyeriya, astronomiya, invention
Mga kilalang ideyahidrostatiks, mga panghikwat[1],
mga inpinitesimal

Si Arkimedes o Archimedes ( /ˌɑːrkˈmdz/;[2]; Sinaunang Griyego: Ἀρχιμήδης; [ar.kʰi.mɛː.dɛ̂ːs]) ( c.287 BC – c.212 BC) ay isang sinaunang Griyegong siyentipiko[3], matematiko, pisiko, inhinyero, astronomo at pilosopo na ipinanganak sa Syracuse. Tinuturing siya ng ilang dalubhasa sa kasaysayan ng matematika bilang isa sa pinakamagaling matematiko sa kasaysayan, at maihahambing kina Newton, Gauss at Euler. Sa agham at imbensiyon, kabilang sa mga natuklasan niya ang kalo. Siya rin ang unang nakapagpaliwanag kung bakit lumulutang (sa likidong tulad ng tubig) ang mga bagay.[3]

Batay sa isang maikling salaysay o anekdota, nakatuklas si Archimedes ng isang mahalagang bagay habang nakababad siya sa kaniyang paliguang batya o babarang may tubig. Noong mga 250 BCE, pinag-isipan niya ng husto ang isang katanungan ni Haring Hieron kung paano mapapatunayang purong perlas ang koronang pag-aari ng haring ito. Napag-alaman ni Archimedes na aapaw ang tubig kapag tinubog o nilublob niya ang korona sa isang lalagyang puno ng tubig hanggang sa bunganga nito. Inihambing niya ito sa isang piraso ng purong perlas na may kaparis na timbang sa korona ng hari, at natuklasan niyang katulad din ng dami ng tubig ang aapaw kung purong perlas rin ang nasabing korona. Sa ganitong paraan din napag-alaman ni Archimedes na hindi purong ginto ang korona ng hari. Ayon pa rin sa kuwentong naturan, nagmadali at humahangos na hubo't hubad si Archimedes mula sa kanyang lubluban patungo sa lansangan habang sumisigaw ng "Eureka!" o "Natuklasan ko na!" pagkaraan ng kanyang pagkakatuklas.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Panghikwat", lever Naka-arkibo 2012-12-17 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org, at Gutenberg.org (1915)
  2. "Archimedes". Collins Dictionary. n.d. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong 25 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Made a Famous Discovery in His Bath". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 43.

TalambuhayAghamGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Agham at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.