Carl Friedrich Gauss
Carl Friedrich Gauss | |
---|---|
Kapanganakan | 30 Abril 1777[1]
|
Kamatayan | 23 Pebrero 1855[1]
|
Nagtapos | Unibersidad ng Göttingen Pamantasang Teknikal ng Braunschweig |
Trabaho | matematiko,[2] astronomo,[3] pisiko,[4] heodesta, propesor ng unibersidad, estadistiko |
Pirma | |
Si Johann Carl Friedrich Gauss (bigkas: /ˈɡaʊs/; Aleman: Gauß listen (tulong·impormasyon), Latin: Carolus Fridericus Gauss) (30 Abril 1777 – 23 Pebrero 1855) ay isang Alemang matematiko at siyentipikong nagmula sa Göttingen, Alemanya. Nakapag-ambag siya ng malaki sa maraming mga larangan ng pag-aaral, katulad ng teoriya ng bilang, estadistika, matematikal na analisis, heometriya at topolohiyang dipirensiyal, heodesiya, elektrostatiks, astronomiya, at optika. Karamihan sa kanyang mga gawa ang tungkol sa teoriya ng bilang at astronomiya. Kilala kung minsan bilang Princeps mathematicorum[5] (Latin, "ang Prinsipe ng mga Matematiko" o "ang nangunguna sa mga matematiko") at "pinakadakilang matematiko magmula sa sinaunang panahon", nagkaroon siya ng natatanging impluho sa maraming mga larangan ng matematika at agham, at nakahanay bilang isa sa pinakamaimpluwensiyang mga matematiko sa kasaysayan.[6] Tinawag niya ang matematika bilang "ang reyna ng mga agham.""[7]
Isang batang matalino si Gauss. Maraming mga anekdotang patungkol sa kanyang katangian bilang isang bata, at nagawa niya ang kanyang unang mga pagkakatuklas na pangmatematika habang nasa kabataan pa lamang. Nabuo niya ang Disquisitiones Arithmeticae, ang kanyang magnum opus, noong 1798 sa edad na 21, bagaman nalathala lamang ito noong pagsapit ng 1801. Naging pundamental o mahalaga ang akdang ito sa pagsasama-sama ng teoriya ng bilang upang maging isang disiplina at nakahubog sa larangan magpahanggang sa kasalukuyang panahon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb11904373v; hinango: 10 Oktubre 2015.
- ↑ http://www.nndb.com/lists/776/000105461/.
- ↑ http://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1002/wilm.10249/pdf.
- ↑ http://link.springer.com/content/pdf/10.1007%2F978-3-642-14565-0_3.pdf.
- ↑ Zeidler, Eberhard (2004). Oxford User's Guide to Mathematics. Oxford, UK: Oxford University Press. p. 1188. ISBN 0198507631.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dunnington, G. Waldo. (Mayo, 1927). "The Sesquicentennial of the Birth of Gauss". Scientific Monthly XXIV: 402–414. Nakuha noong 29 Hunyo 2005. Isang masinsing lathalaing pangtalambuhay.
- ↑ Smith, S. A., at iba pa. 2001. Algebra 1: California Edition. Prentice Hall, New Jersey. ISBN 0-13-044263-1
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- Articles with BNC identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with MATHSN identifiers
- Articles with MGP identifiers
- Articles with Scopus identifiers
- Articles with RKDartists identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Ipinanganak noong 1777
- Namatay noong 1855
- Mga matematikong Aleman