Pumunta sa nilalaman

Inhenyeriya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Engineering)

Ang inhenyeriya[1][a] ay ang kasanayan gamit ang likas na agham, matematika, at ang proseso ng disenyong inhenyeriya[4] upang malutas ang mga suliraning teknikal, mapataas ang pagiging episiyente at produktibidad, at mapabuti ang mga sistema. Binubuo ang makabagong inhenyeriya ng maraming larangan sa ilalim nito na kinabibilangan ng imprastraktura, makinarya, mga behikulo, elektronika, mga materyal, at sistema ng enerhiya.[5]

Sumasaklaw ang disiplina ng inhenyeriya sa isang malawak na sakop ng mas maraming espesyalisadong larangan ng inhenyeriya, na kasama sa bawat isa ang isang mas partikular na diin sa isang espesipiko na larangan ng nilapat na matematika, nilapat na agham, at mga uri ng aplikasyon.

Hinango ang katawagang inhenyeriya mula sa Latin na ingenium, na nangangahulugang "katalinuhan" at ingeniare, nangangahulugang "umimbento, mag-isip".[6] Tinatawag na inhinyero[7] o inhenyero (inhinyera o inhenyera kung babae) ang mga propesyonal na nagsasanay sa inhinyeriya.

Pangunahing sangay ng inhenyeriya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Malawak na disiplina ang inhenyeriya na kadalasang pinaghiwa-hiwalay sa ilang mga sub-disiplina. Bagaman kadalasang sinasanay ang inhinyero sa isang partikular na disiplina, maari siya maging mulitdisplinaryo sa pamamagitan ng karanasan. Kadalasang naipakilala ang inhenyeriya bilang apat na pangunahing sangay:[8][9][10] inhinyeriyang kimikal, inhinyeriyang sibil, inhinyeriyang elektrikal, at inhinyeriyang mekanikal.

Inhenyeriyang interdisiplinaryo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Humuhugot ang inhenyeriyang interdisiplinaryo mula sa higit sa isang mga sangay na prinsipyo ng pagsasanay. Sa kasaysayan, ang inhenyeriyang nabal at inhenyeriyang pagmimina ay ang pangunahing sangay. Kabilang sa ibang mga larangan ay ang inhenyeriyang pagmamanapaktura, inhenyeriyang pang-akustika, inhenyeriyang korrosyon, intrumentasyon at kontrol, aeroespasyo, awtomotibo, kompyuter, elektronika, inhinyeriyang pang-impormasyon, petrolyo, pang-kapaligiran, pang-sistema, awdiyo, software, arkitektural, agrikultural, biyosistema, biyomedikal,[11] heolohikal, kayo, industriyal, materyal,[12] at inhenyeriyang nukleyar.[13]

Ibang sangay ng inhenyeriya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inhenyeriyang awtomotibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang inhinyeriyang awtomotibo, sa piling ng inhinyeriyang pang-aeroespasyo, inhinyeriyang pangmarina, at arkitekturang nabal, ay isang sangay ng inhinyeriyang pambehikulo (inhinyeriyang pangsasakyan), na nagsasama ng mga elemento ng mga inhinyeriyang mekanikal, elektrikal, elektroniko, pangsopwer, at pangkaligtasan upang mailapat at magamit sa pagdidisenyo, pagmamanupaktura at pagpapatakbo ng mga motorsiklo, mga awtomobil, mga bus, mga trak, at sa kani-kaniyang mga subsistema o kabahaging mga sistema na pang-inhinyeriya.

Inhinyeriyang pampetrolyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang inhinyeriyang pampetrolyo ay isang larangan ng inhinyeriya na nakatuon sa mga gawain na may kaugnayan sa produksiyon ng mga hidrokarbon, na maaaring krudo o likas na gas. Ang panggagalugad at produksiyon ay nakatalaga sa pangunahing sektor ng industriya ng langis at gas. Ang panggagalugad ng hidrokarbon, na ginagawa ng mga siyentipikong panlupa, at ng inhinyeriyang pampetrolyo ay ang dalawang pangunahing mga disiplina ng industriya ng langis at gas, na nakatuon sa pagpapataas makaekonomiyang pagkuha ng hidrokarbon mula sa mga imbakang nasa ilalim ng lupa.

  1. Ang salitang inhenyeriya ang opisyal na baybay na ginagamit sa mga diksiyonaryo, kabilang ang UP Diksiyonaryong Filipino. Gayunpaman, madalas itong baybayin at gamitin sa karaniwang diskurso bilang inhinyera. Binabaybay rin ito ng ibang mga sanggunian sa samu't saring paraan; halimbawa ang inhinyerya[2] at inhinyeriya.[3] Para sa konsistensi, ginagamit ng artikulong ito ang opisyal na baybay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Diksiyonaryong Adarna | WorldCat.org". search.worldcat.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. engineering - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Santos, Vito C.; Santos, Luningning E. (1995). New Vicassan's English-Pilipino Dictionary (sa wikang Ingles). Published and exclusively distributed by Anvil Pub. ISBN 978-971-27-0349-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hammack, William; Anderson, John (Pebrero 16, 2022). "Working in the Penumbra of Understanding". Issues in Science and Technology (sa wikang Ingles). National Academies of Sciences, Engineering, and Medicine at Arizona State University. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 3, 2023. Nakuha noong Agosto 3, 2023. The method used by engineers to create artifacts and systems—from cellular telephony, computers and smartphones, and GPS to remote controls, airplanes, and biomimetic materials and devices—isn't the same method scientists use in their work. The scientific method has a prescribed process: state a question, observe, state a hypothesis, test, analyze, and interpret. It doesn't know what will be discovered, what truth will be revealed. In contrast, the engineering method aims for a specific goal and cannot be reduced to a set of fixed steps that must be followed.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Kahulugan "engineering" mula sa https://dictionary.cambridge.org/dictionary/english/ Naka-arkibo 2021-02-16 sa Wayback Machine. (sa Ingles) Cambridge Academic Content Dictionary © Cambridge University
  6. "About IAENG". iaeng.org (sa wikang Ingles). International Association of Engineers. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 26, 2021. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Hellingman, Jeroen. "Philippine On-Line Dictionary". Bohol.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Journal of the British Nuclear Energy Society: Volume 1 British Nuclear Energy Society – 1962 – Snippet view Naka-arkibo 2015-09-21 sa Wayback Machine. (sa Ingles) Banggit: In most universities it should be possible to cover the main branches of engineering, i.e. civil, mechanical, electrical and chemical engineering in this way. More specialized fields of engineering application, of which nuclear power is ...
  9. The Engineering Profession ni Sir James Hamilton, UK Engineering Council. (sa Ingles) Banggit: "The Civilingenior degree encompasses the main branches of engineering civil, mechanical, electrical, chemical." (mula sa Internet Archive)
  10. Indu Ramchandani (2000). Student's Britannica India,7vol.Set (sa wikang Ingles). Popular Prakashan. p. 146. ISBN 978-0-85229-761-2. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 5, 2013. Nakuha noong Marso 23, 2013. Branches: There are traditionally four primary engineering disciplines: civil, mechanical, electrical and chemical.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Bronzino JD, ed., The Biomedical Engineering Handbook, CRC Press, 2006, ISBN 0-8493-2121-2
  12. Bensaude-Vincent, Bernadette (Marso 2001). "The construction of a discipline: Materials science in the United States". Historical Studies in the Physical and Biological Sciences (sa wikang Ingles). 31 (2): 223–48. doi:10.1525/hsps.2001.31.2.223.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Nuclear Engineering Overview" (PDF). Career Cornerstone Center (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Setyembre 29, 2011. Nakuha noong Agosto 2, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)