Inhinyeriyang sibil

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang inhinyeriya ay aspekto nang buhay mula pa noong unang umiral ang mga tao. Ang pinakamaagang pag-gamit ng inhinyeriyang sibil ay maaaring naganap sa gitna ng mga taong 4000 at 2000 BC sa Sinaunang Ehipto (Ancient Egypt) at Mesopotamia (sa ngayon ay kinikilalang Iraq) noong sinimulang iwanan ng mga tao ang kanilang malagalag na paraan nang pamumuhay, dito nagbunga ang pangangailangan ng pag-gawa ng mga silungan. Sa panahong ito, ang transportasyon ay mas nabigyan ng halaga at dahit dito nabuo ang ideya ng gulong at ang paglayag.

Sa ikalabing-walong siglo, ang terminong civil engineering (o sa Tagalog, inhinyeriyang sibil) ay inilikha upang masama-sama ang lahat ng aspetong pangsibilyan at makita ang pagkakaiba nito sa inhinyeriyang pangmilitar. Ang unang-unang nagpahayag sa sarili bilang isang inhinyerong sibil ay si John Smeaton, ang nagtayo ng Eddystone Lighthouse. Sa 1771, si Smeaton at ang ilan sa kanyang mga kasamang inhinyerong sibil ay bumuo ng Smeatonian Society of Civil Engineers, isang grupong binuo ng mga lider ng kanilang propesyon na nagkaroon ng mga impormal na mga pagkikita. Bagama’t may ebidensya na may mga teknikal na miting na naganap, mas kinikilala parin ito para sa pakikipagkapwang aspeto nito.

Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; May mga nilalaman dapat ang refs na walang pangalan); $2Ang inhinyeriyang sibil o inhinyeriyang pambayan ay isang disiplina ng inhinyeriyang prupesyunal na humaharap sa pagdidisenyo, pagbubuo, at pagpapanatili ng pisikal at likas na itinatatag na kapaligiran, kabilang ang mga pagawain katulad ng mga kalsada, mga tulay, mga kanal, mga prinsa, at mga gusali.[1][2][3] Ang inhinyeriyang sibil ay ang pinaka matandang disiplina ng inhinyeriya pagkaraan ng inhinyeriyang pangmilitar,[4] at binigyan ito ng kahulugan upang maipagkaiba ang inhinyeriyang hindi pangmilitar magmula sa inhinyeriyang pangmilitar.[5] Nakaugalian itong hinahati-hati sa ilang mga kabahaging disiplina na kinabibilangan ng inhinyeriyang pangkapaligiran, inhinyeriyang geoteknikal, geopisika, geodesiya, inhinyeriyang pangkuntrol, inhinyeriyang estruktural, biyomekaniks, nanoteknolohiya, inhinyeriyang pangtransportasyon, agham na pangmundo, mga agham na pang-atmospera, inhinyeriyang porensiko, inhinyeriyang urbano (inhinyeriyang munisipal), inhinyeriyang hidroliko (inhiyeriya ng napagkukunan ng tubig) agham ng materyales (inhinyeriyang pangmateryales), pamamahala ng dalampasigan (inhinyeriyang kostal),[4] pagsusurbey, at inhinyeriyang pangkonstruksiyon.[6] Nagaganap ang inhinyeriyang sibil sa lahat ng mga antas: sa publikong sektor hanggang sa munisipal hanggang sa mga pamahalaang pambansa, at sa pribadong sektor mula sa mga indibiduwal na nagmamay-ari ng kabahayan hanggang sa mga kompanyang internasyunal.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. The American Heritage Dictionary of the English Language, Fourth Edition. Houghton Mifflin Company, 2004. [1] (accessed: 2007-08-08).
  2. "History and Heritage of Civil Engineering". ASCE. http://live.asce.org/hh/index.mxml?versionChecked=true. Hinango noong 2007-08-08. 
  3. "Institution of Civil Engineers What is Civil Engineering". ICE. http://www.ice.org.uk/downloads//little_book_full_colour.pdf. Hinango noong 2007-09-22. 
  4. 4.0 4.1 "What is Civil Engineering?". The Canadian Society for Civil Engineering. http://whatiscivilengineering.csce.ca/civil1.htm. Hinango noong 2007-08-08. 
  5. "Civil engineering". Encyclopædia Britannica. http://www.britannica.com/eb/article-9105844/civil-engineering. Hinango noong 2007-08-09. 
  6. Oakes, William C.; Leone, Les L.; Gunn, Craig J. (2001). Engineering Your Future. Great Lakes Press. ISBN 1-881018-57-1 



Inhinyeriya Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhinyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.