Pumunta sa nilalaman

Inhenyeriyang elektronika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Inhinyeriyang elektroniko)

Ang inhenyeriyang elektronika ay isang disiplinang ng inhenyeriya kung saan ang mga langkap o kumponenteng pangkuryente na hindi nakalinya at masigla na katulad ng mga tubong elektron, at mga aparatong semikonduktor, natatangi na ang mga transistor, mga diode at mga integradong sirkito, ay ginagamit upang makapagdisenyo ng mga sirkitong elektroniko, mga aparatong elektroniko at mga sistemang eletkroniko, na karaniwang kinabibilangan din ng mga langkap na pangkuryenteng hindi masigla at nakalapat sa mga nakalimbag na mga pisara ng sirkito. Nagpapahiwatig ang kataga ng isang malawak ng larangang pang-inhenyeriya na sumasakop sa mahahalagang kabahaging mga larangan na katulad ng analogong elektroniks, dihital na elektroniks, elektroniks na pangtagapagkonsumo, nakabaong mga sistema at enerhiyang pang-elektroniks. Ang inhenyeriyang elektronika ay humaharap sa pagsasakatuparan ng mga paglalapat, mga prinsipyo at mga algoritmong napaunlad sa loob ng maraming kaugnay na mga larangan, halimbawa na ang pisika ng solidong estado, inhenyeriyang pangradyo, telekomunikasyon, sistemang pangkontrol, pagpuproseso ng signal, inhenyeriyang pangsistema, inhenyeriyang pangkompyuter, inhenyeriyang pang-instrumentasyon, pagkontrol ng enerhiyang kuryente, robotika, at marami pang iba.[1][kailangang tiyakin]

Ang Institute of Electrical and Electronics Engineers (IEEE) o "Instituto ng mga Inhenyerong elektriko at elektronika" ay isa sa pinakamahahalaga at pinakamaimpluwensiyang mga samahan ng mga inhenyerong elektronika.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Brett Wilson/Z. Ghassemloooy/I. Darwazeh Analogue Optical Fibre Communications, p. xvi, Institution of Electrical Engineers, 1995 ISBN 978-0-85296-832-1

Inhinyeriya Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.