Integradong sirkito
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |


Ang integradong sirkito (IS) (Ingles: integrated circuit) ay isang pangkat ng mga elektronikong sirkito na binubuo ng mga elektronikong komponente sa isang chip na gawa sa semikonduktor na materyal.[1] Ang mga integradong sirkito ay ginagamit sa iba't ibang elektronikong kagamitan katulad ng kompyuter, smartphone at telebisyon upang makagawa ng mga punsiyon tulad ng magproseso at mag-imbak ng impormasyon. Ang isang integradong sirkito ay maaaring magkaroon ng milyon-milyong elektronikong komponente gaya ng transistor, resistor at kondensador na pinagkabit sa semikonduktor na wafer na gawa sa silisyo, tanso at iba pang mga materyal. Ang mga elektronikong komponente na ito ay mikroskopiko at ang kabuuang laki ng isang integradong sirkito ay kadalasang napakaliit.[2]
Ang mga IC ay naging posible dahil sa mga katuklasan galing sa mga eksperimento na nagpapakita na kayang gampanan ng mga semiconductor ang mga ginagawa ng mga vacuum tube at pagdating ng gitna ng ika-20 na dantaon ang pagunlad ng teknolohiya sa paggawa ng semiconductors. Ang pagsama ng maraming maliliit na transistor sa isang maliit na chip ay isang malaking pagsulong mula sa manwal na paggawa ng mga circuit gamit ang sari-sariling mga electronic component, pagkamaasahan at makabloke na paraan sa pag disenyo ng circuits ang nagsiguro ng mabilis na pagpalit ng mga karaniwang integrated circuit kapalit ng mga disenyong gumagamit ng sari-sariling transistors.
May dalawang malaking lamang ang mga IC laban sa ibang mga circuit: presyo at galing sa pagtupad. Masbaba ang presyo dahil ang mga chip, kasama ang iba pang mga component, ay tinatatak bilang isang yunit gamit ang photolithography imbis na buoin ang mga ito isa-isa. Isa pa, mas kaunti ang ginagamit na materyal ng mga IC kaysa sa ibang mga circuit. Magaling ang pagtupad dahil mabilis ang pagpalit ng mga IC at kumukunsumo ito ng mas kaunting kuryente (kumpara sa ibang mga circuit) gawa ng kaliitin nito at ng pagkakalapit-lapit ng mga component. Noong 2012, ang karaniwang laki ng isang chip ay nasa pagitan ng kaunting milimetro hangang 450 na milimetro, at nagtataglay ng hanggang 9 na milyong mga transistor sa bawat milimetro.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "What is an integrated circuit(IC)? A vital component of modern electronics". www.techtarget.com. Nakuha noong 10 Abril 2025.
- ↑ "Integrated Circuit Function". Cadence Design Systems. Nakuha noong 10 Abril 2025.