Pumunta sa nilalaman

Kotse

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Awtomobil)
Modelong "Velo" (1894) ni Karl Benz - pumasok sa naunang mga karerahan ng awtomobil

Ang kotse, awtomobil o awto ay isang sasakyan na panlupa, naipatatayo sa gulong, gumagamit ng makina, at pansarili.

Karamihan sa kahulugan ng katagang ito ay nagsasabing ang mga kotse ay ginawa at dinesenyo para tumakbo sa mga kalsada para magbigay ng upuan para sa isa hanggang walong tao, karaniwang mayroong apat na gulong, at ginawa lalong lalo na para sa paglipat ng mga tao kaysa sa mga ibang produkto. Ang taong 1886 ay itinala bilang simula ng produksiyon ng modernong kotse. Sa taong iyon, isang Alemang imbentor na si Karl Benz ay nagtayo ng Benz Patent-Motorwagen. Ang mga kotse ay hindi nagamit nang maramihan hanggang maagang ika-20 dantaon. Ang 1908 Model T, isang Amerikanong kotse na ginawa ng Ford Motor Company, ay isa sa mga pinakaunang kotse na maaring magamit ng taong masa. Ang mga kotse ay mabilis na lumaganap sa Estados Unidos, kung saan pinalitan nila ang larawang-hayop na daladalahan at mga karetela, pero tumagal ng mas mahabang panahon para tanggapin ng Kanlurang Europa at iba pang mas hindi maunlad na parte ng mundo.

Nilagyan ng mga kasangkapan na ginagamit sa pagmamaneho, pagparada, at para sa kaginhawaan at kaligtasan ng pasahero ang mga kotse. May idinagdag din na mga bagong pangkontrol sa mga sasakyan, ginawa itong mas komplikado. Halimbawa nito ay erkon (air conditioning), sistemang paglilibot (navigating system) at libangan. Karamihan sa mga kotse na ginagamit sa ngayon ay tumatakbo gamit ang panloob na makinang kombustiyon, gamit ang mabilis na pagliyab ng gasolina (kilala rin bilang petrol) o diesel. Parehong nagdudulot ng polusyon sa hangin at meron ding kontribusyon sa pagbabago ng klima at pag-init ng daigdig. May mga sasakyang gumagamit ng etanol na flexible fuel at natural na gas na nagkakaroon ng popularidad sa ibang bansa.

Bukod sa mga makabagong nagsasariling kotse o autonomous car, and mga kotse ay minamaneho ng isang tagamaneho na mayroon tamang pagsasanay at opisyal na lisensya sa pagmamaneho ng kotse. Hindi lamang kasanayan sa pagpapatakbo ng kotse ang kailangan ng nagmamaneho kundi na rin kaalaman sa mga batas trapiko at polisiya sa pagmamaneho. Ang hindi maingat na pagmamaneho o reckless driving ay may katumbas na parusa o kabayaran ayon sa nasasaad sa batas ng isang bansa o ng estado.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.