Wikang Proto-Griyego
Proto-Griyego | |
---|---|
Proto-Heleniko | |
Rekonstruksyon ng | Mga wikang Heleniko / Mga diyalektong Sinaunang Griyego |
Rehiyon | Katimugang Balkanikong Tangway |
Kapanahunan | |
Ninuno na muling itinayo |
Kasaysayan ng wikang Griyego (tignan din: alpabetong Griyego) |
Proto-Griyego (c. 3000 BCE –1600 BCE)
|
Micenico (c. 1600 BCE –1100 BCE)
|
Sinaunang Griyego (c. 800 BCE –330 BCE) Mga dialekto: Aeolic, Arcadocypriot, Attic-Ionic, Doric, Locrian, Pamphylian, Homeric Greek, Macedonian
|
Griyegong Koine (c. 330 BCE –330 CE)
|
Griyegong Mediebal (330 CE–1453)
|
Modernong Griyego (mula 1453) Dialects: Calabrian, Cappadocian, Cheimarriotika, Cretan, Cypriot, Demotic, Griko, Katharevousa, Pontic, Tsakonian, Maniot, Yevanic
|
Ang wikang proto-Griyego (Griyego: Πρωτοελληνική γλώσσα) ang pinagpapalagay na huling karaniwang ninuno ng lahat ng mga alam na anyo ng wikang Griyego kabilang ang Griyegong Mycenaean, mga klasikong Griyegong dialekto (Attic-Ionic, Aeolic, Doric and Arcado-Cypriot), at sa huli ay Griyegong Koine, Griyegong Mediebal at Modernong Griyego. Ang ilang mga skolar ay nagsasama ng pragmentaryong sinaunang wikang Macedoniano bilang isang nagmula mula sa mas maagang Proto-Helenikong wika o sa depinisyon ay isinasama ito sa mga inapo ng wikang Proto-Griyego bilang isang wikang Heleniko at/o isang diyalektong Griyego.[6] Ang wikang Proto-Griyego ay pinaniniwalang sinalita sa huling ika-3 milenyo BCE na pinakamalamang ay sa mga Balkan. Ang pagkakaisa ng wikang Proto-Griyego ay nagkas habang ang mga migrante na nagsasalita ng nauna sa wikang Mycenaean ay pumasok sa peninsulang Griyego noong mga ika-21 siglo BCE o noong ika-17 siglo BCE sa pinakahuli. Ang ebolusyon ng wikang Proto-Griyego ay dapat isaalang-aalang sa kalalagyan ng maagang sprachbund Paleo-Balkan na gumagawang mahirap na magguhit ng mga eksaktong hangganan sa pagitan ng mga indibidwal na wika. Ang representasyong Griyego ng salita-inisiyal na mga laryngeal ng mga protetikong patinig ay pinagsasaluhan ng wikang Armenyo na nagsasalo rin sa ibang mga pekuliaridad na ponolohikal at morpolohikal ng wikang Griyego. Ang malapit na kaugnayan ng Armenyo at Griyego ay nagbibigay linaw sa kalikasan parapiletiko ng Centum-Satem isogloss.
Sinilangan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumitaw ang Proto-Griyego habang dibersipikasyon ng huling wikang Proto-Indo-Europeo (PIE). Ang pinakahuling yugto ng itong proseso ang nagdulot ng mga mas mahuling pamilya ng wika at nangyari c. 2500 BCE. Lumitaw ang Pre-Proto-Griyego, ang diyalektong Indo-Europeo na pinagmulan ang Proto-Griyego, c. 2400 – c. 2200 BC sa pook na may mga hangganan sa pre-Proto-Indo-Iraniyo sa silangan, at sa pre-Proto-Armenyo at pre-Proto-Prihiyo sa kanluran, sa mga silangang hangganan ng Timog-silangang Europa. Ang naging Proto-Griyego ng mga tagapagsalita ay lumipat mula sa kanilang Tinubuang lupa ng mga Indo-Europeo (baka sa hilagang-silangan ng Dagat Itim) sa buong Europa, at umabot sa Gresya sa isang petsa na pinagpasiyahan malapit na transisyon mula sa Maagang Panahong Bronse hanggang sa Gitnang Panahong Bronse. Maaari isipin ang ebolusyon ng Proto-Griyego sa loob ng konteksto ng isang maagang Paleo-Balkanikong sprachbund na nagpapahirap sa pagtukoy ng mga eksaktong hangganan sa pagitan ng indibiduwal na mga wika. Ang Griyegong representasyon ng mga katinig na laringeal, sa mga simula ng mga salita, sa mga patinig na protetiko ay nangyayari din, halimbawa, sa wikang Armenyo, na parang din nagkakaroon ilang mga katangian na ponolohikal at morpolohikal ng Griyego. Dahil sa ito, ipinapanukala ng ilang mga lingguwista ang hipotetikong kaugnayan sa pagitan ng Griyego at Armenyo, ngunit katiting ang ebidensiya.
Ponolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Morpolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangngalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinananatili ng Proto-Griyego ang mga katangian sa kasarian at bilang ng sistemang pampangngalan ng Proto-Indo-Europeo. Gayunman, hindi mapagpasya ang ebidensya mula sa Griyegong Micenico tungkol sa kung ang lahat ng walong kaso ay patuloy na ginamit, pero ito ay mas sigurado para sa limang karaniwang kaso ng Klasikong Griyego (nominatibo, henitivo, datibo, akusatibo at bokatibo). Di-tiyak ang ablatibo at lokatibo, dahil sa panahong mga tekstong Micenico, baka naging daop sa henitibo at datibo ayon sa pagkakabanggit. Iniisip na ang sinkretismo sa pagitan ng mga kaso ay mas mabilis na umabante para sa pangmarami, dahil ang datibo at lokatibo ay naging daop bilang -si (sa Proto-Indo-Europeo ito ay -su-). Baka gumanyak ang analohiya, sa lokatibong singular na -i-, ng itong pagsasanib. Bagaman, ang pitong katangiang kaso ay sigurado na nagpapatunay sa Micenico, pero malabo ang estado ng ablatibo.
Ang mahahalagang kaunlaran na ipinalalagay sa panahong Proto-Griyego ay sumasaklaw:
- Ang PIE ng nominatibong pangmaraming *-ās at *-ōs ay pinalitan ng *-ai at *-oi.
- Mukhang eksklusibo sa Griyego ang hulaping *-oi(i)n (Arkadianong -oiun) na minarkahan ang dual ng henitibo at datibo.
- Naging ang PIE *-āsyo, ang henetibong singular, -āo.
Naging produktibo ang superlatibo sa -tatos.
Ang kakaibang oblikong suwing gunaik- "mga babae", na nagpatunay ang mga tableta ng Tebas, baka ay Proto-Griyego. Lumilitaw din sa Wikang Armenyo bilang gunai-.
Panghalip
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilalalang ang mga panghalip ng hoûtos, ekeînos at autós. Ang gamit ng ho, hā, to bilang mga artikulo ay post-Micenico.
Pandiwa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Minana ng Proto-Griyego ang unlaping e- para sa mga pormang pampandiwa na ipinahayag ang nakaraan. Ang katangiang iyon ay ibinabahagi lang sa Indo-Iraniyo at Prihiyo (at saka, sa ilang mga lawak, Armenyo), na medyo na nagtataguyod ng teorya ng isang proto-diyalektong "Greko-Ariano" o "PIE ng Panloob". Sa panahon ni Homer, gayunman, opsyonal pa ang itong unlapi, malamang lamang isang malayang partikulo, na nangahulugan "dati" sa proto-wika, at baka nawala sa karamihan ng mga ibang sangay. Pumapayag rin ang Griyego, Prihiyo, at Indo-Iraniyo tungkol sa kawalan ng hulaping -r sa gitnang boses, na nawala rin sa Proto-Griyego.
Mga bilang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga bilang ay deretso na hango sa PIE.[7]
Tagalog | PIE | Proto-Griyego | Mga diyalekto |
---|---|---|---|
sero | — | — | (n/a dahil, noong mga sinaunang panahon, walang konsepto ng sero) |
isa | *oinos | *héns (panlalaki) *hmía (pambabae) |
Myc. e-me /heméi/ (dative); Att./Ion. εἷς (ἑνός), μία, heîs (henos), mía |
dalawa | *dwo | *dúwō | Myc. du-wo /dúwoː/; Hom. δύω, dúō; Att.-Ion. δύο, dúo |
tatlo | *treyes | *tréyes | Myc. ti-ri /trins/; Att./Ion. τρεῖς, treîs; Lesb. τρής, trḗs; Cret. τρέες, trées |
apat | *kʷetwor | *kʷétwores (nom.) kʷeturṓn (hen.) |
Myc. qe-to-ro-we /kʷétroːwes/ "four-eared"; Att. τέτταρες, téttares; Ion. τέσσερες, tésseres; Boeot. πέτταρες, péttares; Thess. πίτταρες, píttares; Lesb. πίσυρες, písures; Dor. τέτορες, tétores |
lima | *penkʷe | *pénkʷe | Att.-Ion. πέντε, pénte; Lesb., Thess. πέμπε, pémpe |
anim | *s(w)eḱs | *hwéks | Att. ἕξ, héks; Dor. ϝέξ, wéks |
pito | *septm̥ | *heptə́ | Att. ἑπτά, heptá |
walo | *oḱtō | *oktṓ | Att. ὀκτώ, oktṓ |
siyam | *(h₁)newn̥ | *ennéwə | Att. ἐννέα, ennéa; Dor. ἐννῆ, ennê |
sampu | *déḱm̥ | *dékə | Att. δέκα, déka |
daan | *ḱm̥tom | *hekətón | Att. ἑκατόν, hekatón |
libo | *g̑héslo | *kʰéhliyoi | Att. χίλιοι, khílioi |
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangDrews
); $2 - ↑ West, M. L. (23 Oktubre 1997). The East Face of Helicon : West Asiatic Elements in Greek Poetry and Myth: West Asiatic Elements in Greek Poetry and Myth (sa wikang Ingles). Clarendon Press. p. 1. ISBN 978-0-19-159104-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2023. Nakuha noong 28 Setyembre 2020.
"the arrival of the Proto-Greek -speakers took place at various sites in central and southern Greece at the beginning and end of the Early Helladic III period.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Filos, Panagiotis (2014). "Proto-Greek and Common Greek". Sa Giannakis, G. K. (pat.). Brill Encyclopedia of Ancient Greek Language and Linguistics III. Leiden-Boston: Brill. p. 175. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-04-08. Nakuha noong 2020-08-20.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangBryantPatton2005
); $2 - ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang:0
); $2 - ↑ "Indo-European: Composite". MultiTree. Nakuha noong 2012-11-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Filos, Panagiotis "Proto-Greek and Common Greek". In G. K. Giannakis et al. (eds.), Brill Encyclopedia of Ancient Greek Language and Linguistics III, Leiden-Boston 2014: Brill: 175–189 section 4c.