Pumunta sa nilalaman

Capadocia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cappadocia)

Ang Cappadocia o Capadocia (play /kæpəˈdʃə/; Turko: Kapadokya, mula sa Griyego: Καππαδοκία / Kappadokía, Persa: کاپادوکیهKāpādōkiyeh) ay isang makasaysayang rehiyon sa Gitnang Anatolia, na malakihang nasa Lalawigan ng Nevşehir sa Turkiya.

Noong kapanahunan ni Herodotus, ang mga Capadociano o Cappadociano ay naiulat na sumasaklaw sa buong rehiyon na magmula sa Bundok ng Taurus hanggang sa pook ng Euxine (Dagat na Itim). Sa ganitong diwa, ang Capadocia ay nahahangganan sa timog ng tanika ng Kabundukan ng Taurus na naghihiwalay dito mula sa Cilicia; nahahangganan ito sa timog ng pang-itaas na Euphrates at nga Mataas na Lupang Armenyo; nahahangganan ito sa hilaga ng Pontus; at nahahangganan ito sa kanluran ng Lycaonia at ng silangang Galatia.[1]

Ang pangalan ay nakaugaliang ginagamit sa mga sangguniang Kristiyano sa kabuoan ng larangan ng kasaysayan at malawakan pa ring ginagamit bilang isang diwang pandaigdigan na may kaugnayan sa turismo upang ilarawan ang isang rehiyon na may katangi-tanging mga tanawing likas at kahanga-hanga, na partikular na kinatatangian ng mga tsimneyang bibit at ng isang namumukod-tanging pamanang pangkasaysayan at pangkultura.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Van Dam, R. Kingdom of Snow: Roman rule and Greek culture in Cappadocia, Philadelphia: University of Pennsylvania Press, 2002, p.13.

HeograpiyaTurkiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Turkiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.