Pumunta sa nilalaman

Thales

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Thales
Kapanganakan625 BCE (Huliyano)
  • (Ionia, Asya Menor)
Kamatayan540 dekada BCE (Huliyano)
  • (Ionia, Asya Menor)
Trabahopilosopo

Si Thalis ng Milito (Griyego: Θαλής ο Μιλήσιος, Thalis o Milisios, Tales ng Mileto), higit na kilala sa anyong Latin ng kaniyang pangalan na Thales, ay ipinanganak sa Ionia sa lungsod ng Milito (624 BK546 BK) ng Gresya noong mga 2500 taon na ang nakalilipas[1] sa baybayin ng Dagat Egeo, anak nina Examio at Cleobulina. Ang kaniyang mga pangunahing pasyon ay matematika, astronomiya, at politika. Itinuturing siya na isa sa mga Pitong Paham ng Gresya. Siya rin ang kinikilala bilang unang dakilang siyentipiko. Siya ang unang nakatuklas ng magnetismo dahil sa pagkakatagpo niya na nakahahatak o nakaakit ng mga piraso ng bakal o yero (iron sa Ingles) ang mineral na batong may balani (lodestone o loadstone sa Ingles). Kaugnay nito, natuklasan niya rin ang kuryente dahil sa pagdikit ng magagaang na mga bagay sa mga piraso ng amber (electron sa Griyego at pinagmulan ng salitang "elektrisidad" o electricity sa Ingles) pagkaraan niyang kuskusin ang mga amber na ito.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Discovered Magnetism?, Science and Technology". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 42.

GresyaMatematikoPilosopiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Gresya, Matematiko at Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.