Kasaysayan ng Aprika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kasaysayan ng Aprika ay nagsisimula sa paglitaw ng Homo sapiens sa Silangang Aprika, at nagpapatuloy sa kasalukuyan bilang isang tagpi-tagpi ng mga magkakaibang at umuunlad na pulitikal na mga estadong bayan. Ang naitalang kasaysayan ng maagang kabihasnan ay lumitaw sa Sudan, at mamaya sa Sinaunang Ehipto, ang Sahel, ang Magreb at ang Sungay ng Aprika. Sa panahon ng Gitnang Kapanahunan, ang Islam ay kumalat pakanluran mula sa Arabia hanggang sa Ehipto, tumawid ng Magreb at ng Sahel. Ang ilang mga bantog na pre-kolonyal na mga estado at mga lipunan sa Aprika ay nagbibilang ng Kaharian ng Nri, Kalinangang Nok, Imperyong Mali, Imperyong Songhai, Imperyong Benin, Imperyong Ashanti, Imperyong Ghana, Mga Kahariang Mossi, Imperyong Mutapa, Kaharian ng Mapungubwe, Kaharian ng Sine, Kaharian ng Sennar, Kaharian ng Saloum, Kaharian ng Baol, Kaharian ng Cayor, Kaharian ng Zimbabwe, Kaharian ng Kongo, Imperyo ng Kaabu, Sinaunang Carthage, Numidia, Mauretania, ang Imperyong Aksumite, ang Sultanatong Ajuran, at ang Sultanatong Adal.

Mula sa kalagitnaan ng ika-7 siglo, ang Arabong kalakalan ng alipin ay nakakita sa mga Arabong Muslim na umalipin sa mga Aprikano kasunod ng isang armistisyo sa pagitan ng Kalipato ng Rashidun at ng Kaharian ng Makuria matapos ang Ikalawang Labanan ng Dongola sa 652 AD. Sila ay dinala kasama ng mga Asyano at Europeo sa sakop ng Dagat Pula, Karagatang Indiyano, at disyertong Sahara.

Mula sa kahulihan ng ika-15 siglo, ang mga Europeo ay sumali sa mga Arabo na inumpisahan ng mga Portuges sa pagkuha ng mga alipin sa pamamagitan ng kalakalan at kalaunan sa pamamagitan ng lakas bilang bahagi ng Atlantikong Kalakalan ng Alipin. Dinala nila ang mga inaliping Kanluran, Gitna, at Katimugang mga Aprikano sa ibayong dagat.[1]

Sa huling bahagi ng ika-19 at maagang ika-20 siglo, ang Europeong kolonisasyon ng Aprika mabilis na naganap sa Pag-aagawan para sa Aprika. Malawak na pinaniniwalaan na ang Aprika ay nagkaroon ng hanggang sa 10,000 iba't ibang mga estado at awtonomong mga grupo na may natatanging mga wika at mga kaugalian bago ito nasakop.[2] Sumunod sa mga pakikibaka para sa pagsasarili sa maraming bahagi ng lupalop, pati na rin ang isang huminang Europa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang dekolonisasyon ay naganap, na humantong sa 1960 Taon ng Aprika.

Ang kasaysayan ng Aprika ay isang hamon para sa pananaliksik sa larangan ng pag-aaral ng Aprika dahil sa kakulangan ng mga nakasulat na mga mapagkukunan sa mga malalaking bahagi ng lupalop, lalo na sa pagkawasak ng marami sa mga pinaka-mahahalagang mga manuskrito mula sa Timbuktu. Ang mga palaaral na pamamaraan tulad ng ng pagtatala ng mga kasaysayang pasalita, makasaysayang lingguwistika, arkeolohiya at genetika ay mahalaga.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]


AprikaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Aprika at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.