Pumunta sa nilalaman

Sungay ng Aprika

Mga koordinado: 09°N 48°E / 9°N 48°E / 9; 48
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sungay ng Aprika
Lokasyon ng Sungay ng Aprika
Mga koordinado: 09°N 48°E / 9°N 48°E / 9; 48
Mga bansa Djibouti
 Eritrea
 Ethiopia
 Somalia
Mga kabiseraDjibouti Djibouti
Eritrea Asmara
Ethiopia Addis Ababa
Somalia Mogadishu
Lawak
 • Kabuuan1,882,857 km2 (726,975 milya kuwadrado)
Populasyon
 • Kabuuan115,000,000
 • Kapal61/km2 (160/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+3
Mga wiki

Ang Sungay ng Aprika ay isang malaking tangway at rehiyong heopolitikal sa Silangang Aprika.[1] Matatagpuan sa pinakasilangang bahagi ng kalupaang Aprika, ito ang ikaapat na pinakamalaking tangway sa mundo. Binubuo ito ng Somalya (kabilang dito ang Somalilandiya at Puntlandiya na de-paktong malaya), Hiboti, Etiyopiya, at Eritrea.[2][3] Bagama't hindi karaniwan, kasama sa mas malawak na kahulugan ang mga bahagi o lahat ng Kenya at Sudan.[4][5][6] Nailarawan ito bilang rehiyon na may kahalagahan sa heopolitika at estratehiya, dahil namamalagi ito sa katimugang hangganan ng Dagat Pula; umaabot ng daan-daang kilometro patungo sa Golpo ng Aden, Dagat-lagusan ng Guardafui, at Karagatang Indiyo, nakikibahagi rin ito ng hangganang-dagat sa Tangway ng Arabya.[7][8][9][10]

Ito ay sumasaklaw sa humigit-kumulang 2,000,000 km2 (770,000 sq mi) at pinaninirahan ng halos 115 milyong tao (Etiyopiya: 96.6 milyon, Somalya: 12.3 milyon, Eritrea 6.4 milyon, at Hiboti: 0.81 milyon).

Kilala ang tangway sa iba't ibang pangalan. Tinukoy ito ng mga Sinaunang Griyego at Romano bilang Regio Aromatica o Regio Cinnamonifora dahil sa mga masamyong halaman na natagpuan doon, o bilang Regio Incognita dahil sa mga teritoryo nito na wala pa sa mapa noon. Sa mga sinauna at medyebal na panahon, tinukoy ang Sungay ng Aprika bilang Bilad al Barbar ("Lupain ng mga Berber").[11][12][4] Kilala rin ito bilang Tangway Somali, o sa wikang Somali, bilang Geeska Afrika o Jasiiradda Soomaali.[13] Sa mga ibang lokal na wika, tinatawag itong "Sungay ng Aprika" o "Aprikanong Sungay", የአፍሪካ ቀንድ yäafrika qänd sa wikang Amhariko, القرن الأفريقي al-qarn al-'afrīqī sa wikang Arabe, Gaanfaa Afrikaa sa wikang Oromo, at ቀርኒ ኣፍሪቃ q'ärnī afīrīqa sa wikang Tigrinya.[14][15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Robert Stock, Africa South of the Sahara, Second Edition: A Geographical Interpretation [Aprika sa Timog ng Sahara, Ikalawang Edisyon: Isang Heograpikal na Interpretasyon] (sa wikang Ingles), (The Guilford Press; 2004), pa. 26
  2. "The Horn of Africa - Its Strategic Importance for Europe, the Gulf States, and Beyond" [Ang Sungay ng Aprika - Ang Estratehikong Kahalagahan nito para sa Europa, Mga Estado ng Golpo, at Iba Pa]. CIRSD (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Between Somaliland and Puntland – Rift Valley Institute" [Sa pagitan ng Somalilandiya at Puntlandiya – Rift Valley Institute]. riftvalley.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 John I. Saeed, Somali – Bolyum 10 ng London Oriental and African language library, (J. Benjamins: 1999), pa. 250.
  5. Sandra Fullerton Joireman, Institutional Change in the Horn of Africa [Institusyonal na Pagbabago sa Sungay ng Aprika] (sa wikang Ingles), (Universal-Publishers: 1997), pa.1: "Sumasaklaw ang Sungay ng Aprika sa mga bansang Etiyopiya, Eritrea, Djibouti, at Somalya. Magkatulad ang mga tao, wika, at mga heograpikal na katangian. (Isinalin mula sa Ingles)"
  6. "Horn of Africa". Encyclopædia Britannica Online. Chicago, Illinois: Encyclopædia Britannica, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Disyembre 2021. Nakuha noong 4 Abril 2022.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Three important oil trade chokepoints are located around the Arabian Peninsula - U.S. Energy Information Administration (EIA)" [Tatlong mahahalagang chokepoint sa kalakalan ng langis ang matatagpuan sa paligid ng Tangway ng Arabya - Pangangasiwa ng Impormasyon sa Enerhiya ng Amerika (EIA)]. www.eia.gov (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2024. Nakuha noong 2024-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Red Sea chokepoints are critical for international oil and natural gas flows - U.S. Energy Information Administration (EIA)" [Kritikal ang mga chokepoint sa Dagat Pula para sa mga internasyonal na daloy ng langis at natural na gas - Pangangasiwa ng Impormasyon sa Enerhiya ng Amerika (EIA)]. www.eia.gov (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Abril 2024. Nakuha noong 2024-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Horn of Africa | Countries, Map, & Facts | Britannica" [Sungay ng Aprika | Mga Bansa, Mapa, & Katotohanan | Britannica]. www.britannica.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Disyembre 2021. Nakuha noong 19 Disyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "the Chairman of DPFZA and CEO of Red Sea Bunkering signed an investment with Afreximbank | DPFZA" [Chairman ng DPFZA at CEO ng Red Sea Bunkering, pumirma ng pamumuhunan sa Afreximbank | DPFZA]. dpfza.gov.dj (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2024. Nakuha noong 2024-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. J. D. Fage, Roland Oliver, Roland Anthony Oliver, The Cambridge History of Africa [Ang Kasaysayan ng Aprika ayon sa Cambridge] (sa wikang Ingles), (Cambridge University Press: 1977), pa.190
  12. George Wynn Brereton Huntingford, Agatharchides, The Periplus of the Erythraean Sea: With Some Extracts from Agatharkhidēs "On the Erythraean Sea" [Ang Periplo ng Dagat Eritreyo: May Ilang Dagdag mula sa "Sa Dagat Eritreyo" ni Agatharkhidēs], (Hakluyt Society: 1980), pa.83
  13. Ciise, Jaamac Cumar. Taariikhdii daraawiishta iyo Sayid Maxamad Cabdille Xasan, 1895–1920. JC Ciise, 2005.
  14. Teklehaimanot, Hailay Kidu. A Mobile Based Tigrigna Language Learning Tool [Isang De-mobile na Panturo ng Wikang Tigrigna] (sa wikang Ingles). International Journal of Interactive Mobile Technologies (iJIM) 9.2 (2015): 50–53.
  15. Schmidt, Johannes Dragsbaek; Kimathi, Leah; Owiso, Michael Omondi (13 Mayo 2019). Refugees and Forced Migration in the Horn and Eastern Africa: Trends, Challenges and Opportunities [Mga Takas at Sapilitang Migrasyon sa Sungay at Silangang Aprika: Mga Uso, Hamon at Oportunidad] (sa wikang Ingles). Springer. ISBN 978-3-030-03721-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)