Pumunta sa nilalaman

Sultanatong Ajuran

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sultanatong Ajuran
Dawladdii Ajuuraan
الدولة الأجورانيون
ika-13 siglo–huling ika-17 siglo
Watawat ng Sultanatong Ajuran
Watawat
Kabisera
Karaniwang wikaSomali · Arabe
Relihiyon
Sunni Islam
PamahalaanMonarkiya
Sultan, Imam 
Kasaysayan 
• Pagkatatag
ika-13 siglo
1538–57
1580–89
Gitnang-ika-17 siglo
• Paghina
huling ika-17 siglo
SalapiAjuranMogadishan
Pinalitan
Pumalit
Sultanato ng Mogadishu
Sultanatong Geledi
Bahagi ngayon ng Somalia
 Ethiopia

Ang Sultanatong Ajuran (Somali: Dawladdii Ajuuraan, Arabe: الدولة الأجورانيون‎), binabaybay din bilang Sultanatong Ajuuraan,[1] at madalas bilang Ajuran lamang,[2] ay dating Somaling Muslim na sultanato [3][4][5] na namahala sa malaking bahagi ng Sungay ng Aprika sa Gitnang Kapanahunan. Sa pamamagitan ng isang malakas na sentralisadong pangangasiwa at ng isang mapusok na tindig na militar patungo sa mga mananalakay, ang Sultanatong Ajuran ay matagumpay na napigilan ang isang pananakop ng Oromo mula sa kanluran at isang Portuges na biglang paglusob mula sa silangan sa panahon ng Gaal Madow at ng mga digmaang Ajuran-Portuges. Ang mga pangkalakalan na ruta na itinayo mula sa sinaunang at maagang medyibal na panahon ng Somaling mga pandagat na negosyo ay pinalakas o muling itinatag, at mga banyagang kalakalan at komersyo sa mga baybaying lalawigan ay yumabong sa pamamagitan ng mga barko na naglalayag papunta at nagmumula sa maraming kaharian at imperyo sa Silangang Asya, Timog Asya, Europa, Malapit na Silangan, Hilagang Aprika at Silangang Aprika.[6]

Ang sultanato ay nagiwan ng malawak na arkitektural na mana, bilang isa sa mga pangunahing medyibal na Somaling mga kapangyarihan na nakibahagi sa pagtayo ng mga kastilyo at muog. Marami sa mga wasak na kuta na nagtutuldok sa mga tanaw ng katimugang Somalia ngayon ay maiiugnay sa mga inhinyero ng Sultanatong Ajuran,[7] kabilang ang ilang ng mga parang ng mga haliging puntod, mga nekropolis at wasak na mga lungsod na itinayo noong panahon. Noong panahon ng Ajuran, maraming mga rehiyon at mga tao sa katimugang bahagi ng Sungay ng Aprika ay nagpalit sa Islam dahil sa mga teokratikong likas na katangian ng pamahalaan.[8] Ang maharlikang pamilya, ang Bahay ng Garen, ay nagpalawak sa mga teritoryo nito at itinatag ang magahum na panuntunan sa pamamagitan ng isang mahusay na kumbinasyon ng digma, ungnayang pangkalakalan at mga alyansa.[9]

Bilang isang haydrolikong imperyo, minopolisa ng Ajuran ang mga mapagkukunan ng tubig sa mga ilog ng Shebelle at Jubba. Sa pamamagitan ng haydrolikong inhenyeriya, nagtayo rin ito ng marami sa mga batong-apog na mga balon at mga sisterna ng estado na gumagana at ginagamit hanggang ngayon. Bumuo ang mga pinuno ng mga bagong sistema para sa agrikultura at pagbubuwis, na patuloy na ginamit sa mga bahagi ng Sungay ng Aprika sa kasing huli ng ika-19 siglo.[1] Ang tiraniko na pamamahala ng mga sumunod na Ajuran na mamamahala ay naging sanhi ng maramihang mga paghihimagsik na sumibol sa sultanato, at sa dulo ng ika-17 siglo, ang estadong Ajuran ay nagkahiwahiwalay sa ilang mga kahaliling kaharian at estado; ang Sultanatong Geledi bilang ang pinakakilala.[10]

Ang baluwarte ng Sultanatong Ajuran sa Sungay ng Aprika ay isa sa mga pinakamalaki sa rehiyon. Sakop ng sultanato ang kalakihan ng timog Somalia,[6][11] na ang dominyo nito ay lumalawak mula Mareeg sa hilaga, na Qelafo sa kanluran, hanggang Kismayo sa timog.[12]

Pinagmulan at ang Bahay ng Garen

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Bahay ng Garen ay ang naghaharing minamanang dinastiya ng Sultanatong Ajuran.[13][9] Ang pinagmulan nito ay namamalagi sa Kaharian ng Garen na sa panahon ng ika-13 siglo ay namahala sa ilang bahagi ng Ogaden, ang rehiyong Somali ng Ethiopia. Kasama ang migrsyon ng mga Somali mula sa hilagang kalahati ng rehiyon ng Sungay sa katimugang kalahati, bagong mga kultura at pangrelihiyong mga kautusan ay ipinakilala na nakaimpluwensiya sa pampangasiwaang istraktura ng dinastiya, isang sistema ng pamamahala kungalin ay nagsimulang magbago sa isang Islamikong pamahalaan. Sa pamamagitan ng kanilang henealohikal na Baraka, na nanggaling sa santong Balad (na noon ay kinilala na nanggaling mula sa labas ng Kaharian ng Garen), ang mga Garen na mamamahala ay nagangkin ng kataas-taasang kapangyarihan at relihiyosong pagkalehitimo sa ibabaw ng iba pang mga grupo sa Sungay ng Aprika.[14] Ang mga ninuno ni Balad ay sinasabing na may dumating mula sa makasaysayang hilagaing rehiyon ng Barbara.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Njoku, Raphael Chijioke (2013). The History of Somalia. Greenwood. p. 40. ISBN 978-0-313-37857-7. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Encyclopedia Britannica: Ajuran
  3. Luling, Virginia (2002). Somali Sultanate: the Geledi city-state over 150 years. Transaction Publishers. p. 17. ISBN 978-1-874209-98-0. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Luc Cambrézy, Populations réfugiées: de l'exil au retour, p.316
  5. Mukhtar, Mohamed Haji. "The Emergence and Role of Political Parties in the Inter-River Region of Somalia from 1947–1960". Ufahamu. 17 (2): 98.
  6. 6.0 6.1 Shelley, Fred M. (2013). Nation Shapes: The Story behind the World's Borders. ABC-CLIO. p. 358. ISBN 978-1-61069-106-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Cassanelli, Lee V. (1982). The Shaping of Somali Society: Reconstructing the History of a Pastoral People, 1600–1900. University of Pennsylvania Press. p. 101. ISBN 0-8122-7832-1. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Ramsamy, Edward, pat. (2012). Cultural Sociology of the Middle East, Asia, and Africa: An Encyclopedia. Bol. Volume 2: Africa. SAGE Publications. ISBN 978-1-4129-8176-7. {{cite ensiklopedya}}: |volume= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Pouwels, Randall L. (2006). Horn and Crescent: Cultural Change and Traditional Islam on the East African Coast, 800–1900. African Studies. Bol. 53. Cambridge University Press. p. 15.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Njoku (2013), p. 41.
  11. Northeast African Studies. Bol. Volume 11. African Studies Center, Michigan State University. 1989. p. 115. {{cite book}}: |volume= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Cassanelli (1982), p. 102.
  13. Lewis, I. M. (1988). A Modern History of Somalia: Nation and State in the Horn of Africa (ika-2nd, revised (na) edisyon). Westview Press. p. 24. ISBN 0-8133-7402-2. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Mukhtar, Mohamed Haji (2003). Historical Dictionary of Somalia. Scarecrow Press. p. 35. ISBN 978-0-8108-6604-1. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)