Pumunta sa nilalaman

Balarila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa linggwistika, ang balarila, gramatika o gramar ay ang hanay ng mga panuntunan kung paano itinatayo ang isang natural na wika, tulad ng ipinakita ng mga nagsasalita o manunulat nito. Ang mga tuntunin sa gramatika ay maaaring may kinalaman sa paggamit ng mga sugnay, parirala, at salita. Ang balarila[1] ay maaaring tumutukoy rin sa pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod: pakakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos[2] upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita.

Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa wastong paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita. Kung minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan o saligan ng mga kaalaman. Tinatawag din itong palatuntunan ng isang wika.[3]

  1. Gaboy, Luciano L. Grammar, balarila - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. F. Goller. "Ang Pagwawasto ng Pangungusap", SentenceStack.com
  3. Blake, Matthew (2008). "Gramatika, grammar, balarila". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.