Alpabetong Filipino

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang makabagong alpabetong Filipino (o mas simpleng kilalá bílang alpabetong Filipino) ay ang alpabeto ng wikang Filipino, ang pambansang wikà ng Pilipinas at isá sa mga opisyál na wikà ng bansâ kasáma ang Inglés. Ang modernong alpabetong Filipino ay binubuó ng 28 títik kabílang ang 26 títik ng payák ng alpabetong Latíno ng ISO, ang Ññ ng wikang Kastilà at ang NGng wikang Tagálog. Itó ay isang wikang Awstronesyo. Sa ngayón, ang makabágong alpabetong Filipino ay maaaring gamítin bílang alpabeto ng mga katutúbong wikà sa Pilipinas kasama na ang wikang Tsabakano, isang kreyol gáling sa wikang Kastilà.

Noóng taong 2014, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay naglabás ng bágong patnubay para sa ortograpíya na sasagot sa mga dáting suliranin ukol sa kung papaano ikakatawán ang mga tunóg sa mga pilíng wikà at dayalekto sa Pilipinas.

Títik[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Palabaybayan ng Filipino

Noong Agosto 2007, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nagpalabas ng dokumento tungkol sa palabaybayan ng wikang Filipino, na maaring bigyan ng komento.[1] Ito ay hango sa paggamit ng mga titik ng alpabetong Filipino, at ang mga radikal na rebisyon na isinagwa noong taong 2001.

Noong Mayo 2008, inilabas ang KWF ang pinal na burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Itinakwil nito ang mga radikal na rebisyon ng 2001 at mas binigyang-halaga ang status quo, bagaman kinokodipika o ginagawa nang opisyal ang ilang mga aspeto nito.

Ang mga títik ay kumakatawan sa isang tunóg na pasalità. Itó ay binubuo ng mga patínig o bokáblo at mga katínig o konsonánte. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na títik na may katawagán sa túlad sa wikang Inglés, maliban sa Ññ /enje/.

Títik Katawagán Tunóg sa IPA Talâ
Aa ey /a/
Bb bi /b/ kadalasang maihahantúlad sa v
Cc si /k/, /s/ gamit sa mga hirám na salita mula Kastilà
Dd di /d/
Ee i /e/, /i/ binibigkas nang tunóg-schwa kung lalagyan ng patuldok (ë) tulad ng sa Mëranaw
Ff ef /f/, /p/ kadalasang maihahantúlad sa p
Gg dyi /g/
Hh eyts /h/
Ii ay /i/, /e/
Jj dyey /dʒ/, /h/ gamit sa mga hirám na salita mula Kastilà, Arabe tulad ng masjid
Kk key /k/
Ll el /l/
Mm em /m/
Nn en /n/
Ññ enye /ɲ/
NGng endyi /ŋ/
Oo o /o/, /u/
Pp pi /p/ kadalasang maihahantúlad sa f
QQ kyu /k/ gamit sa mga hirám na salita mula Kastilà
Rr ar /ɾ/
Ss es /s/ kadalasang maihahantúlad sa z
Tt ti /t/
Uu yu /u/, /o/
Vv vi /v/, /b/ kadalasang maihahantúlad sa b
Ww dobolyu /w/
Xx eks /ks/
Yy way /j/
Zz zi /z/, /s/ kadalasang maihahantúlad sa s

Katínig[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang ABAKADA o ang lumang alpabeto ng mga unang bahagi ng ika-20 siglo ay may mas kaunting katínig. Sa kalagitnaan ng siglong itó ay nadagdagan at kalayunang nabawasan. Sa paglabas ng Ortograpiyang Pambansa noong 2014, ang dating 8 titik na hindi pa naidagdag ay sa ngayong pinangalanang opisyal. Ito ay ang mga C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Ito ay isang malaking hakbang na idagdag ang mga titik na ito upang gawing modernisado ang sistemang panulat na ito at upang mapangalagaan ang mga katutubong wikà sa Pilipinas. Ang mga títik na F, J, V, at Z ay napakaimportante dahil ang mga tunóg na ito ay matatagpuan sa mga wika tulad ng Ifugaw at Ivatan.

Ito ang mga halimbawa ng mga bagong titik:

Salità Wikà Ibig-sabihin
alifuffug Itawes ipuipu
safot Ibaloy sapot ng gagamba
falendag Tinuray plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan
feyu Kalinga pipa na yari sa bukawe o sa tambo
jambangán Tausug halaman
masjid Tausug, Mëranaw from Arabic tawag sa gusaling sambahan ng mga Muslim
julúp Tausug masamáng ugalì
avid Ivatan kagandahan
vakul Ivatan pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang pananggalang sa ulan at init ng araw.
kuvat Ibaloy digma
vuyu Ibanag bulalakaw
vulan Ibanag buwán
kazzing Itawes kambíng
zigattu Ibanag silangan

Patínig[baguhin | baguhin ang batayan]

Bago ang panahon ng pananakop ng mga Kastilà sa Pilipinas, karamihan sa mga wika sa Pilipinas ay tatlong patínig /a/ /i/, at /u/. Maraming naidagdag nga mga salita ang mga Kastilà at naidagdag ang /e/ at /o/ sa kalayunan. Bagaman, kahit sa kasalukuyan ang /i/ at /e/ at ang /u/ at /o/ ay naiipagpalit-palit.

Tudlíng[baguhin | baguhin ang batayan]

Mula sa paggawa ng ABAKADA, ipinakilala na ni Lope K. Santos ang mga tudlíng. Ito ay ang mga Palihis (´), Paiwà (`), at Pakupyâ (^) na nilalagay sa ibabaw ng mga patinig. Ang tuldik na pahilis (´) na sumisimbolo sa diin at/o habà, ang tuldik na paiwa (`), ay sumisimbolo sa impit na tunog at ang tuldik na pakupya (^) na sumisimbolo sa impit na tunog at diin.

Noong 2015 ang KWF ay nagpakila sa Patuldók na E, Ëë. Ito ay sumisimbolo sa tunog-schwa na matatagpuan sa maraming katutubong wika sa Pilipinas. Ang isa sa mga ito ay ang Mëranaw, na dating binabaybay nang Maranao at Meranao.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Komisyon sa Wikang Filipino (2007). "Ang Ortograpiya ng Wikang Pambansa". Komisyon sa Wikang Filipino. http://wika.pbworks.com/f/ORTOPDF.pdf. Hinango noong 2008-01-28. 

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.