Lope K. Santos
Lope K. Santos | |
|---|---|
Si Santos mula sa publikasyong "Banaag at Sikat" noong 1906 | |
| Kapanganakan | 25 Setyembre 1879 |
| Kamatayan | 1 Mayo 1963 (83 taong gulang) |
| Ibang pangalan | Lope Santos y Canseco, Lope C. Santos, Mang Openg (palayaw) |
| Trabaho | manunulat, manananggol, politiko |
| Anak | Luwalhati S. Reyes Lakambini S. Reyes |
Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kanyang panahon, sa simula ng ika-19 dantaon.[3] Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang tagapagtanggol, kritiko, lider obrero, at itinuturing na Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.[4][5]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabataan at edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinilang si Lope K. Santos sa Pasig, lalawigan ng Maynila sa ngalang Lope Santos y Canseco sa mag-asawang Ladislao Santos na tubong-Ugong, Pasig at Victoria Canseco na taga-San Mateo, Rizal naman. Nguni’t mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kanyang panggitnang pangalan. Nakamit niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan.
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at nagkaroon sila ng tatlong anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.[6]
Bilang mambabatas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang mambabatas para sa ikalabindalawang distrito ng bayan.[6]
Ambag sa wikang Tagalog
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Tagapagtatag siya ng lathalaing Sampaguita.
Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa.[6] Ang kanyang obra maestra, ang Balarilà ng Wikang Pambansá, ang nagsilbing opisyal na balarila ng Tagalog. Ito ang naging batayan ng mga aklat-pampaaralan sa mga sumusunod na dekada, at nagbigay ng katawagang pang-aghamwika sa wikang pambasa. Nagsilbi rin siya bilang dalubguro sa wika sa Pamantasan ng Pilipinas at Pamantasang Centro Escolar.[7]
Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.[8]
Huling sandali
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong ika-20 ng Disyembre, 1955, ay biglang nagkaroon ng atake serebral si Lope K. Santos, na ikinabingit ng kanyang buhay. Bunga ng kalagayang ito, nagpanukala si Rogaciano Mercado ng batas sa Mababang Kapulungan na bigyan ng pensiyon si Lope K. Santos ng ₱1,000 kada buwan, bilang pagkilala na rin sa kaniyang ambag sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Bagaman ito’y kinalugdan niya at makakatulong ito sa kanyang gastusin sa pagpapagamot, tinanggihan niya ang pensiyon. Hangga’t hindi nabibigyang-galang ng pamahalaan ang wikang Pilipino ayon sa Saligang batas ay wala siyang nakikitang dahilan upang tanggapin ito.
Tuluyan siyang pumanaw noong ika-1 ng Mayo, 1963, at inilibing sa Libingan sa Timog makalipas ng apat na araw.[8]
Mga nailathala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod:[6]
- Santos, Lope K. (1906). Banaag at Sikat. Maynila.
{{cite book}}: CS1 maint: location missing publisher (link) - Santos, Lope K. (1938). Sources and Means for Further Enrichment of Tagalog as Our National Language. Pamantasan ng Pilipinas, Maynila.
- Santos, Lope K. (1939). Balarilà ng Wikang Pambansá. Maynila: Kawanihan ng Palimbagan.
- Santos, Lope K. (1943). "Ang Pananagalog ni Balagtas sa "Florante at Laura"". The City Gazette. Bol. 2, blg. 5. Office of the Mayor of the City of Manila. pp. 181–184.
- Santos, Lope K. (1948). Mga Suliranin sa Pagsulat sa Wikang Pilipino. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2026.
- Santos, Lope K. (1964). Balarilang Pandalubhasaan. Philippine Book Company.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Meet the Father of Filipino Grammar". 2024.
- ↑ Ocampo, Ambeth R. (1993). "Who is Vicassan?". Aguinaldo's breakfast & more Looking back essays. Anvil Publishing.
- ↑ Herbert, Patricia M. at Anthony Crothers Milner (mga patnugot), “Pilipinas”, Timog-Silang Asya: Mga Wika at Mga Panitikan – Isang Gabay na May-Pagpili (Southeast Asia: Languages and Literatures – A Select Guide), nasa wikang Ingles, Grupo ng Aklatan sa Timog-Silangang Asya, 1989, ISBN 0824812670
- ↑ "Talambuhay sa WikiPilipinas". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-10. Nakuha noong 2008-02-26.
- ↑ http://www.mb.com.ph/issues/2005/09/25/OPED2005092545224.html
- 1 2 3 4 Daniel M. Anciano. "Lope K. Santos", Mga Pilipino sa Kasaysayan (Filipinos in History), nasa wikang Ingles, walang petsa, kinuha noong: 26 Pebrero 2008
- ↑ Surian ng Wikang Pambansa (1944). Balarilà ng Wikang Pambansá. Kawanihan ng Palimbagan.
Ang may-akdâ o ang mga may-akdâ (ang Surián na ngâ) ay napipilitang mangailangang gumamit ng mga bagong salitâ, upáng tayo'y máhiwálay man lamang kahit sa diwà, sa pagkaalipin ng mga balarilang banyagà. Ang Balarilà (gramática), ang sining na rin ng wikà, at ang kanyáng mga pangunang sangáy, Palásurian (analogía), Paláugnayan (sintaxis), Palábigkasan (prosodia) at Palátitikan (ortografía) ay máipalalagáy na mga bagong salitâ, palibhasà sa wikang katutubò ay walâ tayo ng gangganyáng mga salitâ.
- 1 2 Santos, Lope K.; Aspillera, Paraluman S. (1972). Talambuhay ni Lope K. Santos : Pantas-wika, may-akda ng “Banaag at Sikat” at “Balarila ng Wikang Pambansa,” makata, mamamahayag, lider-manggagawa, naging gobernador at senador. Capitol Publishing House, Inc. ).
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga gawa ni Lope K. Santos sa Wikisource
- Santos, Lope K. (1938). Sources and Means for Further Enrichment of Tagalog as Our National Language. University of the Philippines, Manila.