Pumunta sa nilalaman

Heneral Tinio

Mga koordinado: 15°21′N 121°03′E / 15.35°N 121.05°E / 15.35; 121.05
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa General Tinio, Nueva Ecija)
Heneral Tinio

Bayan ng Heneral Tinio
Mapa ng Nueva Ecija na nagpapakita sa lokasyon ng Heneral Tinio.
Mapa ng Nueva Ecija na nagpapakita sa lokasyon ng Heneral Tinio.
Map
Heneral Tinio is located in Pilipinas
Heneral Tinio
Heneral Tinio
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 15°21′N 121°03′E / 15.35°N 121.05°E / 15.35; 121.05
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganNueva Ecija
DistritoUnang Distrito ng Nueva Ecija
Mga barangay13 (alamin)
Pagkatatag1921
Pamahalaan
 • Punong-bayanVirgilio A. Bote
 • Manghalalal39,556 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan245.29 km2 (94.71 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan55,925
 • Kapal230/km2 (590/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
13,137
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan12.61% (2021)[2]
 • Kita₱242,277,372.97 (2020)
 • Aset₱433,302,660.98 (2020)
 • Pananagutan₱238,006,243.80 (2020)
 • Paggasta₱213,757,946.26 (2020)
Kodigong Pangsulat
3104
PSGC
034910000
Kodigong pantawag44
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikaSouthern Alta
wikang Tagalog
Wikang Iloko
Websaytgeneraltinio.gov.ph

Ang Bayan ng Heneral Tinio ay isang ikalawang klaseng bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 55,925 sa may 13,137 na kabahayan.

Maikling Kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa kuwentong nagpasalin-salin sa bawat henerasyon, nagsimula ang pangalan ng bayan dahil sa hindi pagkakaintindihan ng mga mananakop na Kastila at mga katutubo. Nang tanungin ng isang sundalong Kastila ang isang katutubong naninirahan doon ng "Llama el pueblo" (ano ang pangalan ng bayang ito), "Papaya" ang kanyang isinagot na tinutukoy ang maraming puno ng papaya na tumutubo sa lugar na iyon dahil hindi naiintindihan ang wikang Kastila. Simula noon, tinawag na "Papaya" ang naturang lugar.

Dating sityo ng Barrio Mapisong ang Papaya (Dati namang sakop ng Gapan, na Siyudad ng Gapan na ngayon, ang Barrio Mapisong.). Naging bayan ng Peñaranda ang Barrio Mapisong noong 1851; isinunod sa pangalan ng isang Kastilang inihinyero na si Jose Maria Peñaranda. Naging isa sa mga barangay nito ang Papaya. At noong 1 Enero 1921, sa pagtutulungan nina Kapitan Mamerto Padolina na noon ay Kalihim ng Gobernador ng probinsiya, Judge Segundo Bernardo at Francisco Padolina, naging bayan ang Papaya.

Noon namang 19 Agosto 1957, nagpanukala si Kongresman Celestino Juan ng isang Batas Pangkongreso na pinapalitan ang pangalan ng Papaya sa General Tinio bilang pagkilala sa kagitingan ni Heneral Manuel Tinio, isa sa mga tagapanguna ng pag-aalsa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Kilala sa bansag na Magiting, si Heneral Manuel Tinio ay nagmula sa Probinsiya ng Nueva Ecija.

Ang Bayan ng General Tinio ay nahahati sa 13 na mga barangay.

  • Bago
  • Concepcion
  • Nazareth
  • Padolina
  • Palale
  • Pias
  • Poblacion Central
  • Poblacion East
  • Poblacion West
  • Pulong Matong
  • Rio Chico
  • Sampaguita
  • San Pedro

Ang mga sumusunod ang namahala sa bayan mula noong matatag ito noong 1921 hanggang sa kasalukuyan:

Panahon ng Commonwealth

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Presidente Cristobal Mangulabnan at Bise Martin Ramos = 1921-1922
  • Presidente Getulio Bote, Sr. at Bise Martin Pajarillaga = 1922-1925
  • Presidente Martin Pajarillaga at Bise Marcos Bote = 1925-1928
  • Presidente Severo Pajarillaga at Bise Emeterio Abes = 1928-1931
  • Presidente Pascual Rivera at Bise Daniel Padolina = 1931-1934
  • Presidente Melquiades Ronquillo, Sr. at Bise Santiago Bolisay = 1934-1937

Panahon ng Republika

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Mayor Melquades Ronquillo, Sr. at Bise Damaso Bolisay = 1937-1940
  • Mayor Getulio Bote at Bise Pedro Bulacan = 1940-1944
  • Presidente Elmer Pajarillaga at Bise Angeles Bote = 1945
  • Mayor Gerardo Rivera at Bise Angeles Bote = 1946-1947 *
  • Mayor Elmer V.Pajarillaga at Bise Diosdado Bote = 1948-1951
  • Mayor Gerardo Rivera at Bise Victorino Bote = 1952-1955
  • Mayor Bienvenido B. Abes at Bise Victorino Bote = 1956-1959
  • Mayor Gerardo Rivera at Bise Banaag Leodones = 1960-1963
  • Mayor Santos Bote at Bise Getulio Bote, Jr. = 1964-1967
  • Mayor Mariano Ronquillo at Bise Manuel Domingo = Enero 1-15 1968
  • Mayor Manuel Domingo at Bise Perfecto M. Bote = 1968-1971
  • Mayor Nicanor B. Aves at Bise Alfonso Pajimna = 1972-1980
  • Mayor Nathaniel Bote, Jr. at Bise Venancio Bote = 1981-1986
  • OIC Gerardo Rivera at Bise Antonio Abes = 1986-1988
  • Mayor Placido M. Calma at Bise Bernardino R. Abes = 1988-1995
  • Mayor Placido M. Calma at Bise Elsa Bote = 1995-1998
  • Mayor Virgilio A. Bote at Bise Bernardino R. Abes = 1998-2004
  • Mayor Isidro Tinio Pajarillaga at Bise Indira P. Dayupay = 2005-2007
  • Mayor Virgilio A. Bote at Bise Marcelo B. Abes Jr. = 2007 hanggang sa kasalukuyan

Pangkalahatang Katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng karamihan sa mga residente ng General Tinio. Bagamat matatagpuan sa paanan ng Kabundukan ng Sierra Madre, mainam ang topograpiya nito para mga produktong agrikultural tulad ng palay at mga gulay. Mayroon ding ilan na nagmamay-ari ng manukan, babuyan, at bakahan. Ang pag-iikmo, na dating maunlad na hanapbuhay, ay unti-unti nang nawawala. Ang tradisyon ng pagnguya ng ikmo ng mga naunang henerasyon ay hindi sinunod ng bagong henerasyon sa kabila ng ulat na may mabisa itogn sangkap laban sa kanser.

Karamihan sa mga residente ay Katoliko Romano bagamat hindi rin maitatanggi ang bilang ng ibang sekta ng pananampalataya tulang ng Methodist, Iglesia ni Cristo, Baptist at iba pa. Kilala ang bayan ng General Tinio sa pagkakaroon ng pinakamaraming banda ng musiko (brass band)sa Pilipinas. Ang mga bandang ito ang nagpapasigla sa taunang pagdiriwang ng kapistahan at iba pang tradisyunal na rituwal tulad ng libing. Ang Family Band ang pinakakilala sa mga ito at siya ring nagwawagi sa mga pambansang paligsahan.

Dito rin matatagpuan ang Minalungao National Park na siyang paboritong pasyalan tuwing tag-init lalo na kung Sabado de Gloria (Black Saturday). Ang Minalungao, na nangangahulugang mina ng ginto sa kuweba, ay maraming kuweba na dinadayo ng mga mahihilig sa ganitong klase ng aktibidad. Malalim, malinaw at malamig din ang tubig sa maluwang na ilog na nagpapdagdag sa atrkasyon ng naturang lugar.

At kailan lamang, inaprubahan ng konsehong munisipal ang isang resoulusyon ng pagbabalik sa pangalan nito na "Papaya."

Senso ng populasyon ng
Heneral Tinio
TaonPop.±% p.a.
1939 7,517—    
1948 8,645+1.57%
1960 14,925+4.65%
1970 19,353+2.63%
1975 21,088+1.74%
1980 23,406+2.11%
1990 29,491+2.34%
1995 32,913+2.08%
2000 35,352+1.54%
2007 39,356+1.49%
2010 42,634+2.95%
2015 47,865+2.23%
2020 55,925+3.11%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Nueva Ecija". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Nueva Ecija". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]