Mindoro

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Mindoro
Mapa ng Mindoro
Mindoro is located in Pilipinas
Mindoro
Mindoro (Pilipinas)
Heograpiya
Lokasyon Timog Silangang Asya
Kapuluan Pilipinas
Mga Pangunahing pulo Luzon, Mindanao, Mindoro, Palawan
Lawak 10,572 km2 (4,081.9 sq mi)
Area rank 74th
Pinakamataas na elebasyon 2,582 m (8,471 ft)
Pinakamataas na bahagi Bundok Halcon
Bansa
Pilipinas
Lalawigan Occidental Mindoro, Oriental Mindoro
Kabiserang lungsod Calapan (pop. 105,910)
Demograpiko
Populasyon 1,062,000 (noong 2000)
Kapal 100.5 /km2 (260.3 /sq mi)
Mga pangkat etniko Mangyan, Tagalog
Baybayin sa Hilagang Mindoro.

Ang Mindoro ay ang ikapitong pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Matatagpuan sa timog-kanlurang Luzon at hilaga-silangan ng Palawan. Noong mga nakaraang panahon, tinatawag itong Ma-I o Mait ng mga lumang mangangalakal na Intsik at, ng mga Espanyol bilang Mina de Oro (nangangahulugang "minahang ginto") na kung saan nagmula ang kasalukuyang pangalan. Nahati ang kasalukuyang pulo sa dalawang lalawigan, ang Occidental Mindoro at Oriental Mindoro, noong 1950. Bago pa nang panahong iyon, simula noong 1921, isang lalawigan lamang ang pulo.

Ang Oriental Mindoro (Filipino: Silangang Mindoro; Kastila: Mindoro Oriental) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong MIMAROPA sa Luzon. Ang Lungsod ng Calapan ang kabisera nito at sinasakop ang silangang kalahati ng pulo ng Mindoro; Occidental Mindoro ang nasa kanlurang kalahati. Sa silangan ng lalawigan naroon ang Dagat Sibuyan at Romblon. Sa hilaga ang Batangas sa ibayo ng Daanan ng Pulo ng Verde. Ang mga Pulo ng Semirara ng Antique ang nasa timog nito.

Kilala ang Oriental Mindoro sa mga turista sa Puerto Galera. Ilang oras lamang ang munisipalidad na ito mula sa Maynila, at pinagmamalaki ang puting baybay-dagat at mga sinisisid na lugar. Para sa mga mahilig mamundok, nariyan ang Bundok Halcon.

Ang Calapan City ang Pinakasentro ng pag-unlad sa Oriental Mindoro. Sa kasalukuyan(Oktubre, 2018), Ito ay merong limang malalaking mall, Ang Robinsons mall, ang Unitop, ang Nuciti mall, ang Gaizano at Puregold. Meron din itong Citimart, at seven eleven. Inaasahan bago matapos ang 2018 ay mabubuksan ang City mall na nasa libis, Ilaya. Merong tatlong branches ang Jollibee, dalawa naman ang chowking at Inasal sa Calapan city, ang unang Jollibee at Chowking branch ay nasa bayan, ang ikalawang Jolillibe at Chowking branch at unang branch ng inasal ay nasa San Vicente malapit sa JJ o OMHS at ang ikatlong Jollibee branch at ikalawang branch ng Inasal ay nasa Sto. Nino, Calapan sa Robinson's mall. Meron ding Jollibee, Inasal at chowking branch sa bagong City mall na magbubukas sa katapusan ng taon. Ang McDonald, Shakeys at Max at may tig-iisang branch sa Calapan. Marami din mga sikat na hotel at kainan sa Calapan, ilan dito ay ang hotel Mayi, ang Filipiniana, ang Wil's diner, Ricardos , Andoks at ang Peaches and cream. Marami din mga paaralan sa Calapan, nariyan ang MinSCAT, ang pinakamalaki, pinakamaganda at pinakasikat na paaralan sa Oriental Mindoro, Nariyan din ang DWCC ang matandang school ng mga pari, Ang CLCC, Ang City College, ang Saint Anthony at Luna Colleges na pawang nag-ooffer ng kursong pang-kolehiyo. Matatagpuan din ang maraming office na pampubliko sa Calapan tulad ng ORMAES, DA, DENR, GSIS, NFA, Philippine Coconut Authority,ATI ,DAR at iba pa kung saan sa Mindoro na inilipat ang centro ng mga regional offices . Naiyan din ang mga pribadong kompanya tulad ng Coca Cola,Magnolia, Toyota at ibat-ibang kompanya ng sasakyan, MAHALTA, Shell, at ibat-ibang kompanyang nagbibili ng gasolina. Makikita ang mga nagtatayugan gusaling pang commercial sa Calapan City at sa mga kalapit lugar nito. Nariyan din ang ibat-ibang beaches at libangan sa Calapan. Meron ding pasugalan ng PCSO dito na sya naman naging sanhi ng paghihirap ng mga sugalirong Mindorenyo, ang isa ay nasa Unitop, ang isa ay nasa Robinson, and, isa ay nasa Gaizano at ang isa ay nasa Nuciti mall.


Tao at kultura[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa lalawigan ito nagmula ang dating pangalawang pangulo ng Pilipinas at mamahayag ng ABS-CBN na si Noli de Castro. Galing siya sa bayan ng Pola.

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Inaasahan ng Oriental Mindoro ang turismo, at nag-aani ng mga prutas para kumita.

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Mapang pampolitika ng Oriental Mindoro

Pampolitika[baguhin | baguhin ang batayan]

Nahahati ang Oriental Mindoro sa 14 na mga bayan at 1 lungsod.

Lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Bayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Lalawigan ng Oriental Mindoro
Lalawigan
Ph seal Oriental Mindoro.png
Sagisag
Mga koordinato: 13°00′N 121°25′ECoordinates: 13°00′N 121°25′E
Bansa Pilipinas
Rehiyon MIMAROPA (Region IV-B)
Kabisera Lungsod ng Calapan
Dibisyon Oriental MindoroLungsod (mataas na urbanisado)—0,

Oriental MindoroLungsod (bahagi)—1, Oriental MindoroBayan—14,

Oriental MindoroBarangay—426

Pamahalaan
• Gobernador Alfonso V. Umali, Jr
Lawak(ika-30 pinakamalaki)
• Kabuuan 4,238.38 km2 (1,636.45 sq mi)
sa populasyon, sa densidad
Wika Tagalog, Mangyan



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.