Panahon ng bagyo sa Kanlurang Pasipiko 2011, 2012, 2013, 2014, 2015
Ang Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2013, Walang nakatalagang hangganan ang panahon ng mga bagyo sa 2013. Karamihan ng mga bagyo ay nabubuo sa hilagang-kanluran ng Dagat Pasipiko mula Mayo hanggang Nobyembre.
Ang pangalang Sonamu ay pinalitan nito dahil sa tinawag na Tsunami ang salita nito
Sinabi ng Japan Meteorological agency ang Sonamu bilang Jongdari sa susunod ng bagyo
Ang bagyong Huaning o "Soulik" ay isang maalakas na bagyo na nasa kategoryang 4 (apat), sa Kanlurang Karagatang Pasipiko, ay tumama sa mga bansang Tsina at Taiwan.
Ang bagyong Labuyo ay ay isang napakalakas na bagyo na tumama as Gitnang Luzon noong ika Agosto 2013 sa lalawigan nang Aurora tinumbok nito ang bayan nang Casiguran, Aurora at maging sa lalawigan nang Quirino namataan ang sentro nang bagyo na ito sa bayan nang Diffun, Quirino. Ito at nakataas sa kategoryang #4.
Lokasyon
Ito ay namataan sa silangang bahagi nang Casiguran, Aurora nag land-fall ito sa nasabing bayan. At ilang lalawigan ang dinaanan lumabas ang bagyo sa lalawigan nang La Union. Ito ay nag landfall sa Dilasag, Aurora.
Ang bagyong Maring o "Trami" ay isang malakas na bagyo na nasa kategoryang 1 (isa), sa Kanlurang Karagatang Pasipiko, ay nanalasa sa lungsod ng Xiamen sa Tsina.
Ang bagyong Odette o "Usagi" ay isang malakas na bagyo na nasa kategoryang 4 (apat), sa Kanlurang Karagatang Pasipiko, ay nanalasa sa lungsod ng Hong Kong at Guangzhou sa Tsina.
Ang bagyong Paolo o "Wutip" ay isang malakas na bagyo na nasa kategoryang 3 (tatlo), sa Kanlurang Karagatang Pasipiko, ay nanalasa sa bansang Biyetnam.
Ang bagyong Quedan o "Fitow" ay isang malakas na bagyo na nasa kategoryang 2 (dalawa), na nanalasa sa Silangang Tsina sa direksyong hilaga-hilagang kanluran, .
Ang bagyong Ramil o "Danas" ay isang napakalakas na bagyo na nasa kategoryang 4 (apat), sa Kanlurang Karagatang Pasipiko, patungo sa bansang Japan sa direksyong hilagang kanluran.
Ang bagyong Santi ay ay isang napakalakas na bagyo na nasa kategorya 3 (tatlo) ayrumagasa sa Gitnang Luzon noong ika Oktubre 13, 2013 sa lalawigan nang Aurora tinumbok nito ang bayan nang Dinalungan at maging sa lalawigan nang Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac namataan ang sentro nang bagyo na ito sa bayan nang Camiling, Tarlac, Ito ay nakataas sa kategoryang #3.
Lokasyon
Ito ay namataan sa silangang bahagi nang Dinalungan, Aurora nag land-fall ito sa naturang bayan. At ilang lalawigan ang dinaanan lumabas ang bagyo sa lalawigan nang Pangasinan. Ito ay nag-lanfall sa Baler, Aurora.
Ang bagyong Tino o "Wipha" ay isang malakas na bagyo na nasa kategoryang 4 (apat), sa Kanlurang Karagatang Pasipiko, patungo sa bansang Japan sa direksyon kanluran-hilagang kanluran, .
Ang super bagyong Urduja o "Francisco" ay isang napakalakas na bagyo na nasa kategoryang 5 (lima), bago ang super bagyong Lekima (2013), sa Kanlurang Karagatang Pasipiko, patungo sa bansang Japan sa direksyon hilaga-hilagang kanluran.
Ang bagyong Vinta ay ay isang napakalakas na bagyo na nasa kategoryang 3 (tatlo), nanalasa si Vinta sa buong Hilagang Luzon noong ika Oktubre 26 hanggang Nobyembre 4, taong 2013, nagtala ang bagyo nang 4 na katao ngunit napinsala rin nito ang mga kabahayan at mga puno, nag pataas nang mga alon hanggang 2 (dalawang) metro kaya umabot ito hanggang sa mga kabahayan. Ito ay nag landfall sa Lal-lo, Cagayan.
Ika Nobyembre 8 ang tropikal depresyon Wilma ay dumaan sa Tangway ng Malaysia hanggang sa Baybayan ng Bengal bilang Low Pressure Area (LPA) at nabuo muli ika Nobyembre 13, ang sistema ay nabuo bilang tropikal depresyon BOB 05 sa buong India ika 16, Nobyembre, ay nakapagtala ng 16 patay, kalaunan ay naging LPA ang BOB 05 at tuluyang nalusaw sa Dagat Arabia.
Ang Super Bagyong Yolanda, ay isang pinakamalakas na bagyong nanalasa sa gitnang Pilipinas sa kasaysayan noong Nobyembre 2013. Ang Haiyan, na nangangahulugan na petrel sa Wikang Intsik (海燕) ay isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa daigdig, at ang ikalawang pinakamalakas na bagyong naitalang tumama sa Pilipinas, na kumitil sa hindi bababa 3,976 katao.
Nagdulot ng malawakang pagkawasak ang bagyo sa Pilipinas, lalo na sa Pulo ng Samar at Leyte, kung saan tinaya ng gobernador na hindi bababa 10,000 katao ang nasawi sa lungsod pa lamang ng Tacloban.
Pilipinas
Nagtalaga ang mga kinauukulan ng mga pulis sa Kabikulan bilang paghahanda sa bagyo. Sa mga lalawigan ng Samar at Leyte, kinansela ang mga klase, at ang mga mamamayan na naninirahan malapit sa mga mabababang lugar at sa mga lugar na maaaring gumuho ang lupa ay sapilitang inilikas. Ang ilang pook na nilindol sa Bohol ay dadaanan din ng bagyo. Iminungkahi ng Pangulo ng Pilipinas na magpadala ng mga eroplano at helikopter sa mga rehiyong inaasahang maapektuhan ng bagyo. Dahil sa mabilis na pagkilos ng bagyong Yolanda, nagtaas ng babala ang PAGASA sa iba't ibang lalawigan sa bansa. Tinatayang nasa 60 na lalawigan kabilang na ang Punong Rehiyon sa mga binigyan ng babala.
Ang bagyong Zoraida ay may dala dalang ulan na may kasamang mga kulog at kidlat, Ay kumikilos kanluran, hilagang-kanluran papunta sa Mindanao sa Pilipinas, Ang JTWC ay binigyang pangalan ang bagyo bilang Podul at ng PAGASA bilang #ZoraidaPH.
Samantala, pinapangalanan naman ng Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (PAGASA) ang mga bagyong may kaparehong lakas ng hangin na pumapasok o nabubuo sa Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas (PAR). Nauulit ang mga pangalan tuwing apat na taon. Kapag naubusan ng pangalan, gagamitin ang karagdagang pangalan hanggang sa dumating ang bagong taon. Inaasahang gagamitin sa unang pagkakataon ang mga pangalang "Fabian", "Odette" at "Paolo" matapos nitong palitan ang mga pangalang "Feria", "Ondoy" at "Pepeng" na huling ginamit ng PAGASA noong 2009.
Gagamitin ng PAGASA ang mga pangalang huling ginamit noong panahon ng 2009, kung saan 20 ang pumasok sa Sakop na Responsibilidad nito. Ang mga pangalang "Fabian", "Odette" at "Paolo" ay inaasahang gagamitin sa kauna-unahang pagkakataon matapos nitong palitan ang mga Bagyong Ondoy at Bagyong Pepeng, na nakapagtala ng malaking pinsala at pagkawala ng buhay sa Visayas at Mindanao.