Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
Buod ng ahensiya
Binuo 8 Disyembre 1972
Pumalit na ahensiya Kawanihan ng Panahon
Nasasakupan The Philippine Area of Responsibility (PAR)
Punong-tanggapan Science Garden Complex, Daang Agham, Diliman, Lungsod Quezon
Tagapagpaganap ng ahensiya Dr. Nathaniel T. Servando, Tagapangasiwa
Pinanggalingang ahensiya Department of Science and Technology
Websayt
http://www.pagasa.dost.gov.ph

Ang Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas (Ingles: Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, pinaikli bilang PAGASA) ay isang pambansang institusyon sa Pilipinas na linikha upang magbigay ng mga babala tungkol sa baha at sa mga bagyo, pampublikong taya ng panahon, meteorolohiya, astronomikal at iba pang impormasyon at serbisyo na ang layunin ay ang maproteksiyonan ang buhay at ari-arian at para suportahan ang paglago at patuloy na pagbabago sa ekonomiya ng bansa. Ibinuo ang ahensiya noong 8 Disyembre 1972 sa ilalim ng Atas ng Pangulo Blg. 78 (Presidential Decree No. 78), na nagsaayos ng Kawanihan ng Panahon (Weather Bureau) upang maging PAGASA.[1]

Ang PAGASA ay nagbabantay sa mga namumuong sama ng panahon at nagbibigay ng babala para sa mga bagyo. Ang mga sumusunod na coordinates ay ang hangganan na sakop ng PAGASA.

25°N 120°E, 25°N 135°E, 5°N 135°E, 5°N 115°E, 15°N 115°E, 21°N 120°E at bumalik sa umpisa.[2]

Ang PAGASA ay naglalabas ng kanilang ulat kada anim na oras sa lahat ng bagyo para sa mga lugar na maaring maapektuhan nito at tuwing ika-labingdalawang oras naman kung walang bagyo makakaapekto sa Pilipinas. Noong 27 Agosto 2007, sinabi ng PAGASA na ang ahensiya ay maglalagay ng tornado warning system, pagkatapos ng sunod-sunod na malalakas at mapaminsalang buhawi ang sumira ng mga kabahayan sa Gitnang Luzon. Nagbigay din ng babala ang PAGASA sa mga nakatira sa Kanlurang bahagi ng Luzon na asahan ang pagdating ng iba pang buhawi simula Hulyo hanggang Setyembre dahil sa hindi wastong weather patterns at pagbabago sa klima. Noong 23 Agosto 2007, ang pangalawang buhawi ay sinira ang tatlumpung (30) kabahayan sa apat na lugar sa San Miguel, Bulacan, ang una ay sinira ang dalawampung-pito (27) sa San Rafael noong 8 Agosto 2007.[3]

The Philippine Area of Responsibility (PAR) for tropical cyclone warnings

References[baguhin]

Mga kawing panlabas[baguhin]