Hukbalahap
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon, na karaniwang tinatawag na HUKBALAHAP o Huk ay isang sandatang kalaban ng mga Hapon noong nasasakop pa nila ang Pilipinas. Si Luis Taruc ng Gitnang Luzon ang nagtatag ng kilusang ito upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa pagmamalupit ng mga Hapones. Nagkaisa ang pangkat na tawagin ito sa ganitong pangalan. Labis ang paggalang at takot ng mga tao sa kilusan. Nagdudulot ng malaking pinsala ang kanilang estratehiyang lusub-takbo sa mga Hapones.
Nagmumula ang lakas ng Hukbalahap sa mga magsasaka at alipin sa gitnang luzon. Isang layunin ng samahang ito ay ang unti-unting pabagsakin ang mga hukbong Hapones.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.