Manila Hotel
Manila Hotel | |
---|---|
Pangkalahatang impormasyon | |
Kinaroroonan | Maynila, Pilipinas |
Pahatiran | One Rizal Park |
Mga koordinado | 14°34′59.51″N 120°58′27.47″E / 14.5831972°N 120.9742972°E |
Bukasan | Hulyo 4, 1912[1] |
May-ari | Emilio Yap |
Nangangasiwa | Manila Prince Hotel Corp. |
Teknikal na mga detalye | |
Lawak ng palapad | 35,000 square metre (380,000 pi kuw) |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | William E. Parsons |
Iba pang impormasyon | |
Bilang ng mga silid | 149 (1912) 570 (kasalukuyan)[2] |
Bilang ng mga restaurant | 3 |
Bilang ng mga bar | 4[3] |
Websayt | |
manila-hotel.com.ph |
Ang Manila Hotel ay isang 570-silid, at makasaysayang five-star hotel sa may Look ng Maynila sa Maynila, Pilipinas.[2] Ang hotel ay ang pinakamatandang prestihiyosong hotel sa Pilipinas na itinayo noong 1909 upang matapatan ang Palasyo ng Malacañang, ang opisyal na tirahan ng Pangulo ng Pilipinas. Binuksan ito noong Hulyo 4, 1912, kasabay sa paggunita ng Kalayaan ng Estados Unidos.[4]
Itinayo ang 35,000 m² na complex ng hotel sa nireklamang lupa sa may hilagang-kanlurang dulo ng Liwasang Rizal sa kahabaan ng Bonifacio Drive.[5] Ang penthouse nito ay nagsilbing tirahan ni Heneral Douglas MacArthur noong kaniyang panunungkulan bilang Tagapayong Militar ng pamahalaang Komonwelt mula 1935 hanggang 1941.[6]
Sa hotel nakabase ang ilang tanggapan ng dayuhang kumpanyang pambalitaan, kasama rito ang The New York Times.[4] Ilang tanyag sa kasaysayan at kilalang personalidad ang nanuluyan dito kasama ang mga awtor na sina Ernest Hemingway and James A. Michener; aktor na si Douglas Fairbanks, Jr. at John Wayne; publisher na si Henry Luce; mang-aawit na sina Sammy Davis, Jr., Michael Jackson at The Beatles; Pangulo ng Estados Unidos na si John F. Kennedy, Punong Ministrong si Sir Anthony Eden, at iba pang mga lider ng daigdig.[5][7]
Itinayo ang tore ng hotel noong 1977, at nilampasan ang Philippine Plaza Hotel (ngayo'y Sofitel Philippine Plaza) sa Lungsod Pasay.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Celebrating 100 Years of Filipino Hospitality and World Class Service". Manila Hotel Official Website. Hinango 2013-09-27.
- ↑ 2.0 2.1 "Manila Hotel". Arkitektura.ph. Hinango noong 2013-09-27.
- ↑ "Dining" Naka-arkibo 2010-01-26 sa Wayback Machine.. Manila Hotel Official Site. Hinango noong 2013-09-27.
- ↑ 4.0 4.1 "Hotel With a History, MacArthur to Marcos". The New York Times. 1986-07-08. Nakuha noong 2007-08-27.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Hollie, Pamela G. (1982-11-07). "Colonial Comfort in the Philippines". The New York Times. Nakuha noong 2007-08-27.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MacArthur At Home in the Philippines Naka-arkibo 2007-09-29 sa Wayback Machine., Excerpted from the book "The Manila Hotel" by Beth Day Romulo; Manila, Philippines. Hinango noong Agosto 27, 2007.
- ↑ "History" Naka-arkibo 2014-03-27 sa Wayback Machine.. Manila Hotel Official Website. Hinango noong 2013-09-27.