Pumunta sa nilalaman

Bulebar Macapagal

Mga koordinado: 14°31′44″N 120°59′23″E / 14.52889°N 120.98972°E / 14.52889; 120.98972
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bulebar Diosdado Macapagal)
Bulebar Macapagal
Macapagal Boulevard
Abenida Macapagal (Macapagal Avenue)
Bulebar Macapagal malapit sa Entertainment City.
Impormasyon sa ruta
Haba22.3 km (13.9 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa timogAbenida Pasipiko sa Asia World City
 
Dulo sa hilagaBulebar Jose Diokno sa may Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodPasay at Parañaque
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Bulebar Macapagal (Ingles: Macapagal Boulevard), na kilala din bilang Abenida Macapagal (Macapagal Avenue), ay isang makabagong daang walo ang mga linya na kalinya ng Bulebar Roxas at dumadaan mula Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP), Pasay, hanggang Marina Bay Village sa Asia World City, Parañaque, sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang hilagang dulo nito ay sa Bulebar Jose Diokno sa may CCP, at ang katimugang dulo nito ay sa Abenida Pasipiko sa Asia World City. Babagtasin nito ang EDSA at Daang NAIA pagdaan. May mga rampa ng NAIA Expressway sa sangandaan nito sa Daang NAIA na nagbibigay-daan patungong Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino at Metro Manila Skyway. Ang haba nito ay 22.3 kilometro (13.9 milya).

Matatagpuan ito sa mga lugar na tinambakan (reclamation areas). May tatlong tulay ang daan na ito, at tumatawid ang mga ito sa mga "bambang" ("channels"). Ang pinakamalaki sa mga ito ay Libertad Channel, kung saan matatagpuan ang Libertad Water Pumping Station. Dahil sa pagbabago ng anyo ng sangandaan sa may EDSA para maibsan ang trapiko, ang Bulebar Macapagal ay ginagamit ngayon upang makadaan patungong SM Mall of Asia sa hilaga at Kabite sa timog. Isa rin itong pangunahing daan sa distritong tinambak na tinatawag na Bay City.

Pangalan at kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinangalan ang abenida mula kay dating Pangulo Diosdado Macapagal.

Sinimulan ang pagtatayo ng Bulebar Macapagal noong 1984, at natapos ito noong 1998, isang taon pagkaraan ng pagkamatay ni Diosdado Macapagal.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pahilagang Bulebar Macapagal na tanaw mula sa palabas na rampa ng NAIA Expressway.

Nagsisimula ang Bulebar Macapagal sa sangandaan nito sa Bulebar Jose Diokno na isang karugtong ng Abenida Gil Puyat sa Hugnayan ng Sentrong Pangkultura sa Pasay kung saang matatagpuan ang World Trade Center Metro Manila. Tutungo ito patimog sa Sentrong Pampinansya na binubo ng punong tanggapan ng Bangko Nasyonal ng Pilipinas (PNB) at ng hugnayan ng Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan (GSIS) na kinalalagyan ng Senado ng Pilipinas. Papasok ang bulebar sa Metropolitan Park at SM City Business Park pagkaraan ng Bambang ng Libertad, at magbabagtas ito sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) bago pumasok sa inuusbong na Aseana City, na kinaroroonan ng Gusaling Tanggapan ng Ugnayang Konsular ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) at ng ina-abangang Alphaland Bay City and Marina. Sa Abenida Asean, tatahak ang Bulebar Macapagal sa hugnayang panlaro na Entertainment City kasama ang Solaire Resort & Casino at City of Dreams Manila (dating Belle Grande Manila) na nagdodomina sa kahabaang ito hanggang sa Daang NAIA. Malapit sa tagpuang Daang NAIA ay mga rampa ng NAIA Expressway na nagbibigay ng daang papasok sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino at nag-uugnay nito sa Metro Manila Skyway. Matatagpuan ang Manila Southwest Integrated Bus Terminal sa loob ng Uniwide Coastal Mall grounds at Daang NAIA. Ang kasalukuyang katimugang dulo ng bulebar ay sa Abenida Pasipiko sa Nayon ng Marina Bay sa Parañaque kung saang liliko sa kaliwa ang daloy ng trapiko patungo sa Manila–Cavite Expressway.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

14°31′44″N 120°59′23″E / 14.52889°N 120.98972°E / 14.52889; 120.98972