Unang Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Ang Unang Linya o Linyang Berde ng LRT ng Maynila (Ingles: Green Line) ay ang unang linya ng mabilis na linya ng transportasyong tren ng sistemang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (Manila Light Rail Transit System). Sa kasalukuyan, binubuo ng labinwalong mga hintuan at tumatakbo ng higit sa labinlimang mga kilometro ng mga nakaangat na mga riles. Katulad ng pinahihiwatig ng pangalan nito, kulay dilaw ang linya sa lahat ng mga mapa ng LRT.
Tumatakbo ang linya sa hilaga-timog na direksiyon, at dumadaan sa mga lungsod ng Caloocan, Maynila, Pasay, at Parañaque. Maaaring lumipat ang mga pasahero sa Linyang Asul sa Doroteo Jose, at sa Linyang Dilaw sa EDSA.
Bago ipinalabas ang Sistemang Panlulan ng Matatag na Republika, tinatawag dati na Linyang Dilaw, Unang Linya at Metrorail. Subalit, dilaw na ang kulay nito simula nang buksan ito noong 1984.
Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]
- 1 Disyembre 1984: Baclaran hanggang Central Terminal
- 12 Mayo 1985: Central Terminal hanggang Monumento
- 22 Marso 2010: Monumento hanggang Balintawak
- 22 Oktubre 2010: Balintawak hanggang Roosevelt
Ruta ng Linyang Berde[baguhin | baguhin ang batayan]
Dumadaan ang linya sa Taft Avenue (Radial Road 2), na pinili dahil sa mahaba ito. Nang lumipas, dumadaan naman ito sa Rizal Avenue at Rizal Avenue Extension (Radial Road 9) bago magtapos sa sulok ng Rizal Avenue Extension at EDSA.
Pagpapalaki sa Timog[baguhin | baguhin ang batayan]
Sa hinaharap dadaan ito sa Elpidio Quirino Avenue (Daan mula Paranaque hanggang Bacoor) tapos sa tabi ng NAIA Road tapos sa Coastal Road tapos sa tabi ng Kabihasnan hanggang Elpidio Quirino Avenue (ulit) hanggang sa Aguinaldo Highway sa hangganan ng Las Pinas-Bacoor ng Zapote Bridge hanggang Niog.
Pagpapalaki sa Hilaga[baguhin | baguhin ang batayan]
Sa hinaharap, dadaan ang linya sa Monumento Rotonda papuntang kanan sa EDSA hanggang Diliman sa Lungsod Quezon.
Mapa at mga Estasyon[baguhin | baguhin ang batayan]
Estasyon | Layo (km) [2] | Paglipat | Lokasyon | ||
---|---|---|---|---|---|
Sa pagitan ng estasyon |
Kabuuan | ||||
Baclaran | 0.000 | 0.000 | Pasay | ||
EDSA | 0.588 | 0.588 | Linyang Dilaw: Taft Avenue | San Rafael, Pasay | |
Libertad | 1.010 | 1.598 | Santa Clara, Pasay | ||
Gil Puyat | 0.730 | 2.328 | San Isidro, Pasay | ||
Vito Cruz | 1.061 | 3.389 | Malate, Maynila | ||
Quirino | 0.827 | 4.216 | Malate, Maynila | ||
Pedro Gil | 0.794 | 5.010 | Ermita, Maynila | ||
United Nations | 0.754 | 5.764 | Ermita, Maynila | ||
Central | 1.214 | 6.978 | Ermita, Maynila | ||
Carriedo | 0.725 | 7.703 | Santa Cruz at Quiapo, Maynila | ||
Doroteo Jose | 0.685 | 8.388 | Linyang Bughaw: Recto | Santa Cruz, Maynila | |
Bambang | 0.648 | 9.036 | Santa Cruz, Maynila | ||
Tayuman | 0.618 | 9.654 | Santa Cruz, Maynila | ||
Blumentritt | 0.671 | 10.325 | PNR: Blumentritt | Sampaloc, Maynila | |
Abad Santos | 0.927 | 11.252 | Tondo, Maynila | ||
R. Papa | 0.660 | 11.912 | Tondo, Maynila | ||
5th Avenue | 0.954 | 12.866 | Grace Park East, Caloocan | ||
Monumento | 1.087 | 13.953 | Grace Park East, Caloocan | ||
Balintawak | 2.250 | 16.203 | Balintawak, Lungsod Quezon | ||
Roosevelt | 1.870 | 18.073 | Bago Bantay, Lungsod Quezon |