Pumunta sa nilalaman

Abenida Rizal

Mga koordinado: 14°36′56″N 120°58′57″E / 14.61556°N 120.98250°E / 14.61556; 120.98250
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rizal Avenue)
Abenida Rizal
Rizal Avenue
Abenida Rizal patimog mula sa Abenida Recto sa Santa Cruz, Maynila.
Impormasyon sa ruta
Haba6.5 km (4.0 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaMonumento sa Caloocan
 
Dulo sa timog N150 (Kalye Carriedo) sa Santa Cruz, Maynila
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMaynila, Caloocan
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Rizal (Ingles: Rizal Avenue, Kastila: Avenida Rizal, karaniwang kinikilala bilang "Avenida") ay isa sa mga pangunahing lansangan ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Isa itong abenida na pinapaligiran ng mga distrito ng Santa Cruz, Quiapo, at Binondo. Ipinangalan ito kay José Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas, at bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 9 (Radial Road 9) sa sistemang pamilang ng mga daan at lansangan sa Kalakhang Maynila. Ang Linyang Lunti ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRTA) ay nakatayo sa ibabaw ng abenida sa kabuuang haba nito, at dumadaan dito ang mga dyipni na naghahatid ng mga pasahero na mula pa sa Caloocan at Lungsod Quezon.

Itinatag ang Abenida Rizal sa pamamagitan ng ordinansa ng Lungsod ng Maynila noong 1911 mula sa dalawang kalye – Calle Dulumbayan at Calle Salcedo. Pinahaba ito sa mga sumunod na dalawang dekada hanggang sa maabot nito ang monumento ni Andres Bonifacio sa Caloocan. Ito ay naging pinakamahabang lansangan sa Kamaynilaan bago ito hinigitan ng EDSA sa haba at kahalagahan pagpasok ng dekada-1940. Bago at pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang abenida ay sentro ng buhay-lipunan ng lungsod. Nakalinya rito ang mga tindahan, restoran, sinehan, at tanghalan. Ang mga sinehan ay dinisenyo ng mga prominenteng arkitekto ng mga panahong iyon. Karamihan sa kanila ay di-kinalauna'y magiging national artist.[1][2]

Dalawang pambansang alagad ng sining sa larangan ng arkitektura, Pablo Antonio at Juan Nakpil, ay nagdisenyo ng ilan sa mga kilalang sinehan at tanghalan na matatagpuan sa abenida. Dinisenyo ni Antonio ang mga Tanghalang Galaxy, Ideal, Scala, at Lyric. Dinisenyo naman ni Nakpil ang mga Tanghalang Capitol, Ever, at Avenue. Pagkalipas ng maraming taon, ang paligid ng abenida ay nabiktima ng mga pagbabago sa lungsod.

Ang pangunahing sanhi sa pagkahina ng ekonomiya at pagkabulok ng atmospera ng abenida ay ang Linya 1 na binuksan noong 1984. Ang nabanggit na sistemang nakaangat na daambakal ay para maibsan ang mabagal na daloy ng trapiko sa abenida, subalit pinatay rin nito ang mga negosyo sa Abenida Rizal. Napilitan ang mga tanghalan na magpalabas ng mga dobol feature B-movies at soft porn, sapagkat lumipat ang mga tao sa mga mas-bagong sentro ng Ortigas at Ayala.[1]

Noong 2000, sa panahon ni Lito Atienza bilang alkalde ng Maynila, ginawang lansangan para lamang sa mga naglalakad ang bahagi ng abenida mula Abenida Recto hanggang Kalye Palanca sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tisang ladrilyo sa daan, at pininturahan ang mga gusali at Linya 1 bilang bahagi ng proyektong pagbabago sa lungsod. Dahil dito, ang mga sasakyan ay kinailangang gumamit ng mga kalapit na kalye tulad ng Tomas Mapua at Doroteo Jose para pumunta sa (at pumasok mula sa) Plaza Lacson.[1][3] Ang pedestrianisasyon ng Abenida Rizal ay nakompleto noong 2003 at dapat sana'y pansamantala lamang ngunit nanatili ito hanggang 2008.[3][4]

Ang Tanghalang Ideal ay giniba noong huling bahagi ng dekada-1970. Ang mga Tanghalang Galaxy, Scala, at Lyric ay hindi na ginagamit. Ang unang palapag ng Tanghalang Ever ay okupado ng mga tindahan, habang abandonado naman ang mga palapag na nasa itaas. Tangi ang Tanghalang Capitol ang nakaabot sa makabagong panahon at aktibo pa rin (bilang isang dimsum palace ngayon).[1] Ang Tanghalang Avenue, na nalagpasan ang Labanan sa Maynila noong 1945, ay giniba noong 2006 para mabigyan-daan sa pagtatayo ng isang paradahan. Magastos ang pagpapanatili ng mga pasilidad ng tanghalan, kompara na gagawin itong paradahan. Sinubukan ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan (o NHI) at ng ilang mga pribadong entidad na pigilan ang pagpapagiba ng tanghalan.[1]

Naging alkade ng Maynila si Alfredo Lim noong 2007. Isa sa mga unang desisyon niya ay ang muling pagbubukas ng bahaging pang-pedestriyan (Recto-Palanca) sa mga motorista. Ang pedestrianisasyon ay inireklamo ng mga may-ari ng mga tindahan (dahil sa kumonteng daloy ng mga tao), at ng mga mananakay (dahil sa mabigat na daloy ng trapiko sa mga kalapit na kalye).[4] Sapagkat ang halaga ng mga tisa ay nasa mga ₱40 bawat isa, kinailangan na maging maingat ang pagpapatangal ng mga ito upang maigamit sa mga proyekto sa hinaharap.[3]

Noong 17 Hulyo 2007, dumalo si Lim sa seremonya ng muling pagbubukas ng nasabing bahagi ng Abenida Rizal, at nanatili itong bukas hanggang nagyon.

Mga estasyong daambakal sa kahabaan ng Abenida Rizal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lahat ay mga estasyon ng Linya 1:

Bukod pa riyan, tumatawid ang mga nakaangat na riles ng Linya 2 sa abenida sa sangandaan nito sa Abenida Recto, at mga ilang hakbang mula riyan matatagpuan ang Estasyong Recto. Tumatawid din ang mga riles ng PNR sa abenida (sa sangandaan nito sa Daang Blumentritt), at mga ilang hakbang mula riyan matatagpuan ang estasyong daangbakal ng Blumentritt.

Mga sangandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Patimog na landas ng Abenida Rizal sa Caloocan, na tanaw pahilaga sa Ika-3 Abenida


LalawiganLungsod/BayankmmiMga paroroonanMga nota
Caloocan AH26 / N1 (Abenida Epifanio de los Santos / Lansangang MacArthur) / N120 (Daang Samson)Hilagang dulo. Nagtutuloy pahilaga bilang N1 (Lansangang MacArthur).
Kalye L. BustamantePahilaga lamang.
Ika-12 AbenidaPatimog lamang.
Ika-11 AbenidaKapuwang bahagi ay madaraanan gamit ang kalapit na mga sangandaan.
Ika-10 AbenidaSangandaang may ilaw-trapiko.
Ika-9 AbenidaWalang takdang sinarado ang sangandaan. Walang ilaw-trapiko na sangandaan.
Ika-8 AbenidaWalang takdang sinarado ang sangandaan. Walang ilaw-trapiko na sangandaan.
Ika-7 AbenidaSangandaang may ilaw-trapiko.
Ika-6 AbenidaWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
N130 (Ika-5 Abenida)Sangandaang may ilaw-trapiko. Papuntang Daang Radyal Blg. 10 kapag pakanluran, papuntang Lungsod Quezon naman kapag pasilangan.
Ika-4 AbenidaWalang takdang sinarado ang sangandaan. Sinarado ang ilaw-trapiko sa sangandaan.
Ika-3 AbenidaWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
Ika-2 AbenidaWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
Unang AbenidaSouthbound/Northbound only
MaynilaKalye Ricardo PapaPatimog lamang.
Kalye TaboraPatimog lamang.
N151 (Abenida Abad Santos), Kalye HermosaSangandaang may ilaw-trapiko. Papuntang Divisoria ang direksiyong patimog-kanluran.
Kalye Bundok SamatPatimog lamang.
Kalye SamalPatimog lamang.
Bulebar AuroraSangandaang may ilaw-trapiko. Mapapasok ang mga distrito ng La Loma at Sampaloc mula rito.
Kalye PampangaSangandaang may ilaw-trapiko.
Kalye BulacanPahilaga lamang.
Kalye SampaguitaPahilaga lamang.
Kalye Lico, Kalye CaviteSangandaang may ilaw-trapiko.
N161 (Daang Blumentritt), Kalye Antipolo, Lumang Kalye AntipoloPapuntang Bulebar Aurora at Kalye Dimasalang ang direksiyong pahilaga-silangan.
Kalye LagunaSangandaang may ilaw-trapiko.
Kalye A. Lorenzo Jr.
(Kalye Batangas)
Sangandaang may ilaw-trapiko.
Kalye YusecoSangandaang may ilaw-trapiko.
Kalye HerreraWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
N140 (Kalye Tayuman)Sangandaang may ilaw-trapiko. Papuntang R-10 kapag pakanluran, Abenida Lacson naman kapag pasilangan.
Kalye MalabonWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
Kalye San LazaroPang-isahang bagtasan.
Kalye QuiricadaSangandaang may ilaw-trapiko.
Kalye AlvarezWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
Kalye BambangSangandaang may ilaw-trapiko.
Kalye RemigioSangandaang may ilaw-trapiko.
Kakye MayhaligueWalang ilaw-trapiko na sangandaan. Daan papuntang estasyong daangbakal ng Tutuban.
Kalye FugosoSangandaang may ilaw-trapiko.
Kalye Lope de VegaWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
Kalye Doroteo JoseWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
N145 (Abenida Recto)Sangandaang may ilaw-trapiko. Papuntang Divisoria at Daang Radyal Blg. 10 kapag pakanluran; mga distrito ng Sampaloc, San Miguel at Santa Mesa naman kapag pasilangan.
Kalye SolerWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
Kalye KatubusanPatimog lamang.
Kalye Gonzalo PuyatWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
N150 (Kalye Ronquillo)Pang-isahang daan mula Abenida Rizal. Dito lumiliko ang lahat ng mga sasakyang patimog galing Abenida Rizal.
Kalye BustosPang-isahang daan papuntang Abenida Rizal.
N150 (Kalye Carriedo)Katimugang dulo.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Hindi kumpletong access

Iba pang mga "Abenida Rizal"

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang "Rizal Avenue" at mga anyo nito (tulad ng "Rizal Street", "Jose Rizal Avenue", atbp.) ay isa sa mga karaniwang pangalan ng kalye sa Pilipinas. Kadalasan, nagsisilbi itong pangunahing lansangan ng isang lungsod o bayan, at sa kaso ng mga lungsod at bayan sa Luzon, ang kalye na patungo (o nakaturo sa direksyon patungong) Maynila ay Kalye Rizal. Isa sa mga ganitong kalye ay Abenida J.P. Rizal sa Makati.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Alcazaren, Paulo (5 Marso 2005). "Manila's Broadway". The Philippine Star. Philstar.com. Nakuha noong 25 Marso 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. Jalbuena, Katice (4 Hunyo 2006). "Rizal Avenue landmark gone". The Manila Times. Yehey.com. Nakuha noong 20 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. 3.0 3.1 3.2 Lopez, Allison (2 Hulyo 2007). "Lim reopens Rizal Avenue, forest park". The Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Setyembre 2007. Nakuha noong 20 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Lopez, Allison (17 Hulyo 2007). "Rizal Avenue old-timers welcome reopening". The Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Setyembre 2007. Nakuha noong 20 Enero 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°36′56″N 120°58′57″E / 14.61556°N 120.98250°E / 14.61556; 120.98250