Estasyon ng 5th Avenue (LRT)
5th Avenue | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | 242 Karugtong ng Abenida Rizal pgt. Ika-5 Abenida (Daang C-3), Grace Park East, Caloocan 1403 | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||
Linya | Unang Linya ng LRT | ||||||||||
Plataporma | Mga plataporma sa gilid | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Nakaangat | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | 5A | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Mayo 12, 1985 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang Estasyong 5th Avenue ng LRT, o Estasyong Ika-5 Abenida ng LRT, ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng mga iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong 5th Avenue. Matatagpuan ito sa Karugtong ng Abenida Rizal, Barangay Grace Park East, Caloocan. Ito'y nasa tabi ng 5th Avenue (Ika-5 Abenida) o C-3 Road, kung saan nagmula ang pangalan ng estasyon.
Nagsisilbi bilang pang-apat na estasyon ang estasyong 5th Avenue para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Dr. Santos at pang-dalawamput-dalawang estasyon para sa mga treng patungo sa Fernando Poe Jr.. Isa rin ito sa dalawang nakompletong estasyon ng LRT na naglilingkod sa lungsod ng Caloocan, ang isa pang estasyon ay Monumento.
Mga kalapit na palatandaang pook
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga kalapit na palatandaang pook nito ay Sementeryo ng La Loma, Thai To Taoist Temple Pagoda, Ung Siu Si Buddhist Temple, Northern Rizal Yorklin Chinese School at Philippine Cultural College (Annex).
Mga kawing pangpanlalakbay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaaring sumakay ang mga mananakay ng mga dyipni, bus, at taksi papuntang estasyong 5th Avenue.
Pagkakaayos ng Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]L2 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Plataporma A | ← Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr. | |
Plataporma B | → Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos → | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L2 | Lipumpon | Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan |
L1 | Daanan |