Estasyon ng Monumento ng LRT

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Monumento LRT Station)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
 Monumento 
Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila
LRT1 Monumento Station 2009 MC.jpg
Estadistika ng estasyon
Direksiyon 706 Rizal Avenue Extension, Grace Park East, Caloocan 1403
Linya Unang Linya ng LRT
Plataporma Gilid na plataporma
Riles 2, 1 reserba
Iba pang impormasyon
Binuksan Mayo 12, 1985
Aksesibilidad Handicapped/disabled access
Kodigo MO
Pagmamay-ari ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC)
Pangasiwaan ng Magaan na Riles Panlulan (LRTA)
Mapa
Unang Linya ng LRT
aprobadong
pagpapahaba
North Avenue  MRT-3 
Roosevelt
Balintawak
North Luzon
Expressway
Malvar
Monumento
5th Avenue
R. Papa
Abad Santos
Blumentritt  PNR 
Tayuman
Bambang
Doroteo Jose  MRT-2 
Carriedo
Ilog Pasig
Central Terminal
United Nations
Pedro Gil
Quirino
Vito Cruz
Gil Puyat
Libertad
EDSA  MRT-3 
Silungan
Baclaran
Redemptorist
planadong pagpapahaba
Manila International AirportNinoy Aquino International Airport
Asia World
Ninoy Aquino
Dr. Santos
Manuyo Uno
Las Piñas
Zapote
Talaba
Niog
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
toward Roosevelt
LRT-1
toward Baclaran

Ang Estasyong Monumento ng LRT ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Monumento. Nagsisilbi ang estasyon sa katimugang Caloocan, at ipinangalan ito sa pinakabantog na pook-palatandaan ng Caloocan—ang Bilog ng Monumento (Monumento Circle)—na kinaroroonan ng Monumento ni Bonifacio na para kay Andrés Bonifacio. Bilang dating terminal sa LRT-1, tinatawag itong Monumento Terminal.

Matatagpuan ang estasyon sa Abenida Rizal sa Grace Park East, Caloocan. Ito ang pangatlong estasyon para sa mga treng patungo sa Baclaran at panlabing-walong estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt. Isa rin ito sa tatlong estasyon ng LRT na naglilingkod sa lungsod ng Caloocan, ang mga iba pang estasyon ay Estasyong 5th Avenue at ang ipinapanukalang Estasyong Malvar.

Ang LRTA ay nagdagdag ng isang plataporma sa Monumento para sa mga tren na patungong Balintawak, Roosevelt, at North Avenue.

Mga kalapit na pook-palatandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Maliban sa Bilog ng Monumento, ang estasyong ito ay malapit din sa mga kilalang gusaling pamilihan at sentrong pamilihan tulad ng Victory Central Mall, Araneta Square Mall, Puregold Monumento, at Parco Supermarket. Ilan pa sa mga lugar na malapit dito ay ang Our Lady of Grace Shrine, Pampublikong Aklatan ng Lungsod ng Caloocan, at Malabon Zoo. Ilan sa mga paaralan na matatagpuan sa paligid ng estasyon ay Manila Central University, De La Salle Araneta University, University of the East Caloocan, St. Gabriel Academy, Philippine Cultural College Annex at Caloocan City Science High School.

Mga kawing pampanlalakbay[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsisilbi ang estasyon bilang terminal at transfer point para sa ilang ruta ng bus at dyipni na naglilingkod sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela sa pamamagitan ng Daang Samson at Lansangang MacArthur. May mga sariling bus terminal ang mga panlalawigang kompanya ng bus sa labas ng estasyon tulad ng Victory Liner, Five Star Bus Company, Bataan Transit Co. at RJ Express.

May panukala noon na idudugtong ang Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila (MRT-3) sa Monumento, na magbubunga sa pagiging transfer point ng Estasyong Monumento sa pagitan ng LRT-1 at MRT-3. Subalit hindi itinuloy ang mga panukalang ito sa kagustuhan ng isang karugtong ng LRT-1 patungong North Avenue sa parehong ruta ng nakaraang panukala ng MRT-3.

Pagkakaayos ng Estasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

L2
Mga plataporma
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, LRT North Mall
L1 Daanan Victory Central Mall, LRT North Mall

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga koordinato: 14°39′14.74″N 120°59′02.06″E / 14.6540944°N 120.9839056°E / 14.6540944; 120.9839056