Pumunta sa nilalaman

Daang Palibot Blg. 3

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Daang C-3)
Daang Palibot Blg. 3
C-3
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Pakanlurang landas ng 5th Avenue sa Grace Park East, pasilangang tanaw; Abenida Gregorio Araneta (kasama ang Ikatlong Yugto ng Skyway); Abenida South; Abenida Gil Puyat.
Hilagang dulo: Daang Marcos sa Navotas
Katimugang dulo: Bulebar Macapagal sa Pasay

Ang Daang Palibot Bilang Tatlo (Ingles: Circumferential Road 3) ay ang ikatlong daang palibot (circumferential road) ng Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Navotas, Caloocan, Lungsod QuezonSan Juan, Makati, at Pasay.

Unang pinag-isipan sa Metropolitan Thoroughfare Plan ng 1945 ang pagpapausbong ng isang pangunahing sistema ng mga lansangan sa Maynila. Tinukoy nito na lalawak ang lungsod noong dekada-1940 hanggang sa mga pampang ng Laguna de Bay. Ipinanukala nito ang pagtatayo ng anim na mga daang palibot (circumferential roads) at sampung mga daang radyal (radial roads).[1]

Metro Manila Skybridge

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Metro Manila Skybridge ay isang dating ipinanukalang naka-angat na mabilisang daan na bubuo sana sa malaking puwang ng C-3 sa pagitan ng Abenida Gregorio Araneta sa Lungsod Quezon at Abenida South sa Makati, kalakip ng ilang mga labasan.[2][3]

Kinanselado ang proyekto dahil sa paggamit ng Ikatlong Yugto ng Skyway ng karapatan sa daanan ng bahagi ng Ilog San Juan sa mga hangganan ng Maynila, Mandaluyong, San Juan, at Lungsod Quezon, na maari sanang ginamit para maidugtong ang puwang ng daang palibot na ito. Sa kasalukuyan, walang inihain na mga panukala o paraan upang kompletuhin ang ugnay ng daan.[3][4]

Mga bahagi ng Daang Palibot Blg. 3

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Daang C-3 (C-3 Road)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nahahati ang bahaging ito sa dalawa: ang Kanlurang Daang C-3 (C-3 Road West) at Silangang Daang C-3 (C-3 Road East). Ang kanlurang bahagi ay dumadaan mula Daang Radyal Blg. 10 hanggang 5th Avenue ng Caloocan, habang ang silangang bahagi ay dumadaan mula 5th Avenue hanggang Abenida Sarhento Rivera sa panulukan ng Abenida Bonifacio.

Ika-5 Abenida (5th Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang itong lansangang anim ang landas (tatlo sa bawa't direksiyon) sa Caloocan at ini-uugnay ang Kanlurang Daang C-3 (sa panulukan ng Kalye Baltazar) sa Silangang Daang C-3 (sa panulukan ng Abenida Rizal). Dati itong pandalawahang daan na pasilangan lamang ang trapiko bago ang pagpapalawak na naglalayong pakasyahin ang magkasalungat na daloy ng trapiko at i-ugnay ang dalawang mga bahagi ng Daang C-3 sa parehong pasilangan at pakanlurang daloy ng trapiko.

Abenida Sarhento Rivera (Sergeant Rivera Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paglampas ng Abenida Bonifacio at pagpasok ng Lungsod Quezon, magiging Abenida Sarhento Rivera ang C-3. Isa itong pangunahing daan sa nasabing lungsod na may anim na landas. Magiging Abenida Gregorio Araneta ito pagliko nito pa-timog paglampas ng panulukan ng Abenida Santo Domingo.

Abenida Gregorio Araneta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula sa panulukan ng Kalye Toctokan (paglampas ng Abenida Sto. Domingo) hanggang sa panulukan ng Kalye Nicanor Domingo (paglampas ng Bulebar Aurora), magiging Abenida Gregorio Araneta ang C-3. Kilala ang nasabing abenida sa bansag na "Hilera ng mga Punerarya" ("Funeral Home Row") dahil dito nakahimpil ang ilan sa mga pinakaprominenteng punerarya ng Kamaynilaan katulad ng Arlington Memorial, La Funeraria Paz, at The Sanctuarium. Maliban dito, ang ligid ng Ilog San Francisco del Monte mula Kalye Toctokan hanggang Abenida Quezon ay kilala bilang sonang bahain sapagkat isa ang abenida sa mga pinakamababang bahagi ng C-3 at madalas bumabaha rito (pag-umaapaw ang sapa) tuwing tag-ulan.

Mapuputol nang biglaan ang C-3 paglampas ng Kalye Nicanor Domingo sa San Juan. Tutuloy lamang ang daang palibot sa Makati bilang Abenida South.

Abenida South (South Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Abenida South ay isang abenida na matatagpuan sa pagitan ng Abenida J.P. Rizal at Abenida Metropolitan sa Makati. Dumadaan ito sa kanlurang hangganan ng Manila South Cemetery. Paglampas ng Abenida Metropolitan, magiging Abenida Ayala ang C-3.

Abenida Ayala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ay isang kilalang lansangan ng Makati na binansagang "Wall Street of the Philippines" dahil dito nakahimpil ang mga maraming kompanya, korporasyon, at negosyo. Dumadaan ito sa tinatawag na Sentrong Ayala na isa sa mga distritong sentral ng negosyo ng Pilipinas. Ang mga dulo nito ay ang Abenida Metropolitan sa kanluran (kung saan tutuloy ito bilang Abenida South) at EDSA sa silangan (kung saan tutuloy ito bilang Daang McKinley. Ang bahagi ng Abenida Ayala sa pagitan ng Abenida Metropolitan/South at Abenida Gil Puyat ay naitakdang bahagi ng C-3.

Abenida Senador Gil J. Puyat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula sa sangandaan ng Abenida Ayala, tutuloy ang C-3 pakanluran bilang Abenida Gil Puyat, ang pinakahuling bahagi ng daang palibot. Ang nasabing daan ay nagsisimula sa Bulebar Roxas sa Pasay at nagtatapos sa EDSA sa Makati. Katulad ng Abenida South at Abenida Ayala, dumadaan ito sa Sentrong Ayala ng Makati. Ang bahagi ng abenida mula Bulebar Roxas hanggang Abenida Ayala ay naitakdang bahagi ng C-3. Dalawa sa mga pangunahing lansangang bumabagtas rito ay South Luzon Expressway at Abenida Taft, kung saan makikita ang mga estasyon ng mga bus panlalawigan.

Mga sangandaan (ng bahaging Daang C-3 at 5th Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sangandaan o panulukan Lokasyon Karagdagang detalye
Daang Marcos/panulukan ng Daang Radyal Blg. 10 North Port, Navotas Ang hilagang dulo ng Daang C-3. Papuntang Maynila ang daan.
Abenida Dagat-Dagatan Malabon Ang nasabing abenida ay papuntang Daang C-4.
Krosing ng Linyang Kahel ng PNR Kalookan
Kalye Baltazar Kalookan Ang kanlurang dulo ng 5th Avenue.
Abenida Rizal Kalookan Ang silangang dulo ng 5th Avenue. Papuntang Maynila pag-patimog, habang Monumento/EDSA) naman pag-pahilaga.
Abenida Bonifacio Lungsod Quezon Patimog ay papuntang Maynila, pahilaga ay papuntang EDSA at NLEX.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "PH, JICA prepares new Metro Manila road network development plan" (PDF). Wallace Business Forum – Philippine Analyst. Hulyo 2013. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong Hulyo 26, 2019. Nakuha noong Hulyo 26, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Archived copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hulyo 10, 2014. Nakuha noong Setyembre 27, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Melican, Nathaniel R. (Hulyo 1, 2012). "Metro mayors okay 'Skybridge' project". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 12, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "SMC completes 'new' bridge over San Juan River". Manila Standard (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 12, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)