Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Balintawak

Mga koordinado: 14°39′26.44″N 121°0′14.26″E / 14.6573444°N 121.0039611°E / 14.6573444; 121.0039611
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Balintawak
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Estasyong Balintawak sa gabi
Pangkalahatang Impormasyon
Lokasyon1179 EDSA, Brgy. Apolonio Samson, Balintawak, Lungsod Quezon 1106
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaLRT Line 1
PlatapormaMga plataporma sa gilid
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaOverpass
Akses ng may kapansananYes
Ibang impormasyon
KodigoBW
Kasaysayan
NagbukasMarso 22, 2010
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
Hangganan
Line 1
patungong Dr. Santos

Ang Estasyong Balintawak ng LRT (Ingles: Balintawak LRT Station) ay isang estasyon sa Unang Linya ng LRT. Itinayo ito noong Line 1 North Extension Project, at binuksan ito noong Marso 22, 2010. Ang estasyong ito, kasama na ang Estasyong Malvar, ay magsisilbi sa mga pasahero papunta at galing sa hilagang bahagi ng Luzon sa pamamagitan ng North Luzon Expressway.

Ito ay nagsisilbing ikalawang estasyon para mga tren na patungong Dr. Santos at pang-dalawamput-apat na estasyon para sa mga tren na patungong Fernando Poe Jr..

Isa ang Balintawak sa dalawang estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod Quezon, ang isa pa ay Roosevelt.

Matatagpuan ang estasyon sa Barangay Apolonio Samson (Balintawak) sa harap ng Pamilihan ng Balintawak, at malapit sa hangganang Lungsod Quezon - Caloocan. Malapit ito sa Abenida Bonifacio at North Luzon Expressway (NLEx).

Ang estasyong Balintawak ay nagsilbing pansamantalang hangganan hanggang sa unang pagbubukas ng estasyong Roosevelt (na ngayo'y Fernando Poe Jr.) noong Oktubre 2010 at ang pansamantalang pagsasara ng naturang estasyon mula Setyembre 2020 hanggang Disyembre 2022 para sa konstruksyon ng estasyong North Avenue.

Mga kalapit na palatandaang pook

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga pinakamalapit na pook ay Pamilihan ng Balintawak, EDSA-Cloverleaf Interchange, Bantayog ng Sigaw sa Balintawak, St. Joseph the Worker Parish Church, Wilcon Builders Depot at Balintawak Home Depot.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May ilang panlungsod at panlalawigan na bus na dumadaan hilaga ng Kalakhang Maynila, tulad ng Victory Liner, Baliwag Transit, at CEM Trans Services.


Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L2
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr.
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan Pampublikong Pamilihan ng Balintawak

14°39′26.44″N 121°0′14.26″E / 14.6573444°N 121.0039611°E / 14.6573444; 121.0039611