Pumunta sa nilalaman

Pangasinan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa wika, tingnan ang Wikang Pangasinan.
Pangasinan
Lalawigan ng Pangasinan
Watawat ng Pangasinan
Watawat
Opisyal na sagisag ng Pangasinan
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Pangasinan
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Pangasinan
Map
Mga koordinado: 15°55'N, 120°20'E
Bansa Pilipinas
RehiyonRehiyon ng Ilocos
KabiseraLingayen
Pagkakatatag1611
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorAmado Espino III
 • Manghalalal2,096,936 na botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan5,451.01 km2 (2,104.65 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan3,163,190
 • Kapal580/km2 (1,500/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
776,202
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan13.90% (2021)[2]
 • Kita₱4,696,665,305.03 (2020)
 • Aset₱13,059,734,464.76 (2020)
 • Pananagutan₱2,704,863,138.26 (2020)
 • Paggasta₱3,721,654,403.37 (2020)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod4
 • Bayan44
 • Barangay1,364
 • Mga distrito6
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
2400–2447
PSGC
015500000
Kodigong pantawag75
Kodigo ng ISO 3166PH-PAN
Klimatropikal na monsoon na klima
Mga wikaWikang Pangasinan
wikang Sambal
Wikang Bolinao
Kayapa Kallahan
Websaythttp://www.pangasinan.gov.ph/

Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos. Matatagpuan ang lalawigan sa kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon sa may Golpo ng Lingayen at Timog Dagat Tsina. Ito ay may kabuuang sukat na 5,451.01 square kilometre (2,104.65 mi kuw).[3] Ayon sa senso noong 2015, ang populasyon ay nasa 2,956,726 .[4]

Pangasinan ang pangalan ng lalawigan, ng mga mamamayan, at ang pangunahing wikang sinasalita sa lalawigan. Tinatayang nasa 1.5 milyong ang mga katutubong Pangasinan. Isa ang wikang Pangasinan sa mga opisyal na kinikilalang wikang rehiyunal sa Pilipinas. Sinasalita ang Pangasinan bilang ikalawang wika ng mga etnikong minorya sa Pangasinan. Ang pinakakilalang pangkat etnikong minorya sa Pangasinan ay ang mga Iloko, Bolinao at mga Tagalog.

Mapang pampolitika ng Pangasinan

Ang lalawigan ng Pangasinan ay nahahati sa 44 bayan, 4 na lungsod, at 1,364 na mga barangay. May anim na distritong pangkinatawan ang lalawigan ng Pangasinan.

Matatagpuan ang lalawigan ng Pangasinan sa kanlurang gitnang bahagi ng pulo ng Luzon sa Pilipinas. Naghahanggan ang Pangasinan sa mga lalawigan ng La Union at Benguet sa hilaga, sa Nueva Vizcaya at Nueva Ecija sa silanga, at sa Zambales at Tarlac sa timog. Matatagpuan sa kanluran ng lalawigan ang Dagat Timog Tsina.

May kabuuang sukat ang Pangasinan na 5,451.01 square kilometre (2,104.65 mi kuw).[3] Ang lalawigan ay nasa 170 kilometro (105.633 mi) hilaga ng Maynila, 50 kilometro (31.0685 mi.) timog ng Lungsod ng Baguio, 115 kilometro (71.4576 mi.) hilaga ng Pandaigdigang Paliparan at Daungan ng Subic, at 80 kilometro (49.7096 mi.) hilaga ng Paliparang Pandaigdig ng Clark.

Senso ng populasyon ng Pangasinan
TaonPop.±% p.a.
1990 2,020,273—    
1995 2,178,412+1.42%
2000 2,434,086+2.41%
2007 2,645,395+1.15%
2010 2,779,862+1.82%
2015 2,956,726+1.18%
Source: National Statistics Office[4]

Ang mga mamamayan ng Pangasinan (Totoon Pangasinan) ay tinatawag na Pangasinan o sa Kinastilang Pangasinense, o sa payak na taga-Pangasinan. Ikatlong pinakamataong lalawigan ang Pangasinan sa Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, 47 bahagdan ng populasyon ay mga Totoon Pangasinan at 44 na bahagdan ay mga Iloko.

Asinan sa Dasol.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Pangasinan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2013. Nakuha noong 11 Pebrero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 12 September 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  4. 4.0 4.1 "Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Philippine Statistics Authority, 2015 Census of Population Report No. 1 – C REGION I – ILOCOS Population by Province, City, Municipality, and Barangay August 2016" (PDF). 2010 Census and Housing Population. National Statistics Office. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 24 Hulyo 2022. Nakuha noong 31 Hulyo 2022. {{cite web}}: line feed character in |title= at position 119 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)