Glorietta
Kinaroroonan | Ayala Center, Lungsod ng Makati, Metro Manila, Pilipinas |
---|---|
Petsa ng pagbubukas | 1991 |
Bumuo | Ayala Land |
Nangangasiwa | Ayala Malls |
Magmamay-ari | Pamilyang Zobel de Ayala |
Bilang ng mga pamilihan at serbisyo | higit sa 500 tindahan at kainan |
Bilang ng nakapundong nangungupahan | 5 |
Kabuoang pook ng palapag na pampagtitingi | 250,000 m² |
Paradahan | 2000+ kotse |
Bilang ng mga palapag | 5 palapag |
Websayt | Glorietta |
Ang Glorietta ay isang malaking pamilihan sa Ayala Center sa Lungsod ng Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang pamilihang ito ay pag-mamayari ng pamilyang Zobel de Ayala at ang kompanyang hinahawakan nito, ang Ayala Corporation. Ang pamilihan ay nakahati sa limang bahagi (pinangalang Glorietta 1-5) at matatagpuan dito ang maraming tindahan at kainan, at maging mga sinehan, gym, arcades at ang isang malaking atrium na kalimitang ginagamit para ganapin ang mga malalaking mga kaganapan. Meron itong activity center (sentro ng gawain) na matatagpuan sa gitna ng pamilihan. Nakakabit din ito sa Greenbelt Mall, SM Makati, Rustan's Makati at ang The Landmark, isang department store. Kailan lamang ginawa din ng Ayala Center ang Glorietta 5 na matatagpuan sa harapan ng Hotel Intercontinental Manila at sa tabi ng Rustans Department Store, bilang bahagi ng plano ng Ayala Land na i-redevelop ang Glorietta. Pinagpipilian sa mga nangungupahan na naapektuhan ng pagsabog noong 19 Oktubre 2007 na lumipat doon.[1]
Tignan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Glorietta 2 shops to relocate to Glorietta 5". Yehey News/Manila Standard. Yehey! Corporation. 2008-01-10. Nakuha noong 2008-08-18.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]14°33′04″N 121°01′31″E / 14.55111°N 121.02528°E
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Hunyo 2014) |