Sementeryo Norte
Itsura
Detalye | |
---|---|
Kinaroroonan | Santa Cruz, Maynila |
Bansa | Pilipinas |
Klase | Pampubliko |
Nagmamay-ari | Lungsod ng Maynila |
Sukat | 54 ha (130 akre) |
Hanapin ang Libingan | Sementeryo Norte Manila North Cemetery |
Ang Sementeryo Norte o Sementeryong Norte o Manila North Cemetery o Cementerio del Norte na dating tinatawag na Paang Bundok ang isa sa pinakamatanda at pinakamalaking sementeryo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay 54 hektarya. Ang nasa hangganan nito ang La Loma Cemetery at Manila Chinese Cemetery. Ang sementeryong ito ay pag-aari ng pamahalaan ng Maynila. Ito ay tinitirhan rin ng mga mahihirap na mamamayan na nakatira sa mga mausoleo. Ito ang himlayan ng mga kilalang indibidwal kabilang ang mga pangulo, gobernador heneral ng Pilipinas, mga pintor, mga pulitiko at mga artista.