Pumunta sa nilalaman

Tulong:Pagsisimula

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Bilang isang bagong editor o patnugot, na kilala din bilang isang tagapag-ambag, maaring medyo napuspos ka sa lubos na laki at saklaw ng Wikipedia. Huwag mag-alala kung hindi mo maunawaan ang lahat sa unang pagkakataon, dahil tinatanggap ang paggamit ng sentido komun habang ikaw ay nagbabago o nagpapatnugot ng mga artikulo. Hinihikayat ka namin na huwag mahiya at maging matapang sa isang paraang patas at tumpak, na may diretsong istilong "gagawin lamang ang mga may patunay".

Nagbibigay ang pahinang pag-aambag sa Wikipedia ng mga impormasyon, link, bidyo, at iba pang magpapakunang kabatiran sa mga pagsisimula sa pagpatnugot sa Wikipedia. Ang limang haligi ay isang popular na buod ng may kinalaman sa mga prinsipyo ng Wikipedia. Ang Kapihan ay isang sentrong lugar para sa balita, gawain, at usapan sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Kung nais mong magtanong sa Kapihan, pindutin ito upang mag-iwan ng mensahe at ihayag ang iyong tanong. Tandaan, magtanong lamang tungkol sa pagpapatnugot o sa mga pagpapabuti ng artikulo o anumang may kaugnayan sa Wikipedia at mga kapatid na proyekto nito. Madalas na hindi sinasagot ang mga ibang tanong tulad ng tungkol sa iyong takdang-aralin sa paaralan, at tanong sa pangkalahatang kaalaman.

Tingnan din

Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.