Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Pamantayan ng mga napiling artikulo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Napiling nilalaman:

Mga kasangkapan para sa mga napiling artikulo:

Ang isang Napiling Artikulo[1] ay isang kaayaayang lathalaing naabot na ang pamantayan ng isang mabuting artikulo[2] pagkatapos masuri at mapili ng pamayanan para maitampok sa Unang Pahina ng Tagalog Wikipedia.

Ano ang isang mahusay na artikulo?

[baguhin ang wikitext]

Ang mahusay na artikulo ay—[2]

  • Mahusay ang pagkakasulat:
  • (a) malinaw ang prosa at tama ang pagbaybay at balarila; at
  • (b) sumusunod ito sa pamantayan sa gabay na pangestilo para sa mga pambungad na mga seksiyon, pagkakaayos, mga pananalita (pati mga salitang dapat iwasan), at paglalagay ng mga talaan.
  • Tama ang mga nilalaman at mapatototohanan:
  • (a) nagbibigay ito ng mga sanggunian para sa lahat ng mga pinagbatayan ng kabatiran, at sa pinakamababa naglalaman ng isang seksiyong nakalaan para sa pagkilala ng mga pinagbatayan o sangguniang iyon ayon sa gabay sa kayarian;
  • (b) sa pinakamababa, nagbibigay ito ng mga nakapaloob na mga pagtukoy sa mga matatag na mga batayan o sanggunian para sa mga tuwirang sipi o pagbanggit, estadistika, nilathalang mga opinyon o pananaw, mga kontrobersiyal na kaisipan o mga pananalitang hinahamon o maaaring hamunin, kabilang ang mga kaugnay sa mga nabubuhay pang mga tao; at
  • (c) hindi naglalaman ng orihinal na mga pananaliksik.
  • Malawak ang sakop o saklaw:
  • (a) tinatalakay nito ang mga pangunahing aspeto ng paksa; at
  • (b) nananatiling nakatuon sa paksa na hindi pumupunta sa hindi kailangang mga detalye (parang buod ang estilo).
  • Walang pinapanigan: patas na kumakatawan ito sa mga pananaw at walang kinikilingan.
  • Matatag: hindi ito nagbabago ng malawakan o malaki sa araw-araw dahil sa mga nagpapatuloy na mga pagtatalo sa pagbabago o pagaalitan sa nilalaman.
  • Nilalarawan o nakalarawan, kung maaari, sa pamamagitan ng mga larawan:
  • (a) may tatak ng mga katayuang pangkarapatang-ari ang mga larawan, at nagbibigay ng mga angkop at tanggap na mga dahilan sa patas na paggamit para sa mga hindi malayang nilalaman; at
  • (b) naaangkop ang mga larawan sa paksa, at may mga naaangkop ding mga kapsiyon.

Ano ang isang hindi mabuting artikulo?

[baguhin ang wikitext]

Hindi maituturing na isang mabuting artikulo ang:[2]

  • Mga tala, portal o portada, mga tunog o tugtugin, at mga larawan: dapat na iharap o inomina ang ito sa naaangkop nilang mga katayuan (kung mayroon).
  • Mga pahina ng paglilinaw at mga usbong: hindi maaabot ng mga ito ang pamantayang pang-mabuting artikulo.

Ano ang isang hindi napiling artikulo?

[baguhin ang wikitext]

Hindi maituturing na isang Napiling Artikulo ang isang mabuting artikulong hindi pa nasusuri at hindi pa napipili ng pamayanan para maging Napiling Artikulo.

Alternatibong mungkahing pamantayan ng mga napiling artikulo

[baguhin ang wikitext]

Kung ibig higitan pa ang pamantayang binabanggit sa itaas, maaari rin itong gawin kung magagawa at iibigin ng manunulat. Kung magagawa ito, mas lalo po itong ikasisiya ng pamayanan ng Tagalog na Wikipedia. Naririto ang mga mungkahing pamantayang maihahambing sa aktuwal na ginagamit din sa Ingles na Wikipedia:

Ipinapakita ng isang napiling artikulo ang aming lubhang pinakamabuting gawa at itinatampok din nito ang mga pamantayang propesyunal sa pagsulat at pagpapalabas. Dagdag pa sa pagsunod ng mga pangangailangan para sa lahat ng mga artikulo ng Wikipedia, mayoon ito ng mga sumusunod na katangian.

  1. Ito ay mabuting isinulat, malawak, tumpak sa katotohanan, walang pinapanigan at matatag.
    • (a) "Mabuting isinulat" ay nangangahulugang ang tuluyan ay mapanghamon, kahit maningning din, at nasa pamantayang propesyunal.
    • (b) "Malawak" ay nangangahulugang hindi tumatanggi ang artikulo sa mga mahahalagang katunayan at detalye.
    • (k) "Tumpak sa katotohan" ay nangangahulugang ang mga pag-aangkin ay maititiyak laban sa mga mapapagkatiwalaang pinanggagalingan at tumpak na kumakatawan sa mahalagang katawan ng inilathalang kaalaman. Ipinangsusuporta sa mga pag-aangkin ang mga tiyak na katibayan at mga panlabas na pagbabanggit; kasama dito ang pagtatakda ng isang seksiyong para sa isang "Mga sanggunian" kung saan ilalagay ang mga pinanggagalingan na sinasamahan din ng mga pagbabanggit sa mga linya kung saan kailangan.
    • (d) "Walang pinapanigan" ay nangangahulugang nagpapakita ang artikulo ng mga panig nang patas at walang pinapanigan.
    • (e) "Matatag" ay nangangahulugang hindi tampulan ang artikulo ng mga pangkasalukuyang mga pagtatalo sa pagbabago at hindi nagbabago nang malaki ang nilalaman nito araw-araw.
  2. Sumusunod ito sa mga patakarang pang-istilo, kasama na dito ang:
    • (a) isang tiyak na punong seksiyong bumubuo sa paksa at naghahanda sa mambabasa para sa mas malawak na detalye sa mga sumusunod na seksiyon;
    • (b) isang katipunan ng sunud-sunod na pamagat at talaan ng mga nilalamang mahalaga ngunit hindi nakakapangliit (silipin ang panseksiyong tulong);
    • (k) mga pagbabanggit sa mga linyang pangkaraniwang binanghay sa pamamagitan ng mga paunawa sa paanang panseksiyon[3] o pananangguning Harvard[4], kung saan kinakailangan (silipin ang 1c). (Silipin ang pagbabanggit ng mga pinanggagalingan para sa mga panukala ukol sa pagbabanghay ng mga pinanggagalingan; para sa mga artikulong mayroong mga paunawa sa paanan o sa hulihan, itinatagubilin ang pagbabanghay na Meta:Cite.)
  3. Mayroon itong mga larawan at iba pang medya kung saan kinakailangan sa paksa, na mayroong mga maiikling patungkol at katanggap-tanggap na kalagayang pangkarapatang-ari. Kinakailangan maabot ng mga hindi malalayang larawan o medya ang pamantayan para sa paglalakip na mga hindi malalayang larawan at matandaan nang angkop.
  4. Tama ang haba nito at nangangatiling nakapokus sa punong paksa nang hindi pumupunta sa mga detalyeng hindi mahahalaga (silipin ang istilong pangkabuuan).


  1. Ibinatay ang binagong pamantayang ito mula sa Usapan sa Wikipedia:Kapihan ng Tagalog Wikipedia noong Disyembre 16-17, 2008: "Mga rationale sa WP:NA-NOM."
  2. 2.0 2.1 2.2 Mula sa "Wikipedia:Good article criteria" ng Ingles na Wikipedia, bersyon noong 17 Disyembre 2008.
  3. Smith 2007, p. 1
  4. Smith 2007, p. 1