Padron:Unang Pahina/Artikulo
Ang Kolehiyong Rogasyonista o Rogationist College, kilala rin bilang RC na daglat nito, ay isang dalubhasaang pansariling pinapatakbo ng mga paring Rogasyonista, isang orden ng Simbahang Katoliko, at isang institusyong pang-edukasyon alang-alang sa alin mang kasarian. Itinatawag ang mga mag-aaral nito bilang RCian/RCians dahil sa daglat nitong RC, Rogasyonista o Rogationist/Rogationists. Mayroong lawak na 2.4 kilometrong parisukat, matatagpuan ang paaralang ito sa Kilometro 52 ng Lansangang-bayan ni Aguinaldo, Lalaan 2, Silang, Kabite, Pilipinas. Unang ipinatayo ang paaralan ng mga Italyanong Rogasyonistang pari sa anyo ng Saint Anthony's Boys Village (Nayong Panlalaki ni San Antonio) o SABV sa tulong ng pamahalaang Italyano sa pamamagitan ng kawang-gawang Giuseppe Tiovini Foundation, bilang isang paampunan. At ito rin unang paampunan ni San Antonio sa mga turo at asal ni Santo Annibale Maria di Francia sa buong Pilipinas. Nagsimula ang pagtatayo ng mga gusali nito noong 1985, at noong Marso 2, 1985, binasbasan ito ng yumaong obispo ng Imus na si Felix Perez ang haligi ng unang gusali. Natapos ang paggawa ng mga gusali dalawang taon matapos ang simula nito. At noong Mayo, 1987, itinayo ang Rogationist Academy (Akademyang Rogasyonista) o RA sa SABV bilang isang paaralang Katolikong tumatanggap ng mga mag-aaral ng alin mang kasarian mula sa una hanggang ikaapat na antas.