Pumunta sa nilalaman

Pari

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pari ay isang alagad ng Simbahan o isang taong nagsasakripisyo at nagdarasal sa Diyos para sa mga tao. Sa sinaunang Israel, kinakailangan isinilang mula sa tribo ni Levi ang isang pari. Bilang pinakamahalagang pinuno sa pananampalataya, mayroong mga natatanging gawain ang isang "Mataas na Pari". Sa Bagong Tipan ng Bibliya, itinuturing si Hesus bilang isang Mataas na Pari para sa kanyang mga tagasunod sapagkat ibinigay niya ang kanyang sarili bilang isang alay o sakripisyo. Kaugnay ng Kristiyanismo at Hudaismo, itinuturing na mga "pari" na rin ang lahat ng mga tagasunod ni Hesus, mga taong malayang makapagdadala ng sakripisyo at papuri sa Diyos.[1] Katumbas o katulad ang pari ng ministro, rabi, at pastor.[2]

Noong Marso 2009, ipinahayag ni Papa Benedikto XVI ang Hunyo 19, 2009 hanggang Hunyo 19, 2010 bilang Taon ng Kaparian o Taon ng mga Pari. Nagsimula ito sa solemnidad ng Banal na Puso ni Hesus noong Hunyo 19, 2009, na magtatapos sa pandaigdigang pagtitipon ng mga pari sa piling ng Banal na Amang Santo Papa sa pagsapit ng Hunyo 19, 2010. Idiniklara rin ni Papa Benedikto XVI ang pagiging Unibersal na Patron ng mga Pari si San Juan Vianney, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kamatayan ng paring ito na kilala rin bilang Curé d’Ars o "ang kura paroko ng nayon ng Ars".[3][4]

  1. The Committee on Bible Translation (1984). "Priest". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B9.
  2. Gaboy, Luciano L. Priest - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Year for Priests Naka-arkibo 2009-06-24 sa Wayback Machine., June 19, 2009 - June 19, 2010, Faithfulness of Christ, Faithfulness of Priests, Clergy, Consecrated Life and Vocations, United States Conference of Catholic Bishops, USCCB.org
  4. Glatz, Carol. Pope declares year of the priest to inspire spiritual perfection Naka-arkibo 2009-06-22 sa Wayback Machine., Pope-Priests, Catholic News Service, Marso 16, 2009, CatholicNews.com