Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Mga nominasyon para sa napiling nilalaman

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mga napiling artikulo sa Wikipedia

Sumisimbulo ang bituing ito sa mga kandidato sa pagiging napiling nilalaman ng Wikipedia.
Sumisimbulo ang bituing ito sa mga kandidato sa pagiging napiling nilalaman ng Wikipedia.

Ito ang sentral na pook ng paghaharap ng mga larawan at artikulo upang makilala ng pamayanan bilang mga Napiling Artikulo at Larawan. Inaanyayahan kang makilahok sa proseso hanggang ikaw ay nakatala, at isang kilalang manggagamit. Kung nakakaalam ka ng mga artikulong nasa Wikipediang ito, o mga larawang ginagamit sa mga artikulo rito ng lubhang kagandahan, maaari mong iharap ang mga iyon dito.

Paano magharap:

  1. I-tag ang artikulong iyong ihaharap ng {{Kandid-NA}}.
  2. I-tag ang usapan ng artikulo ng {{Kandidato-NA}}.
  3. Likhain ang pahina ng nominasyon sa pamamagitan ng kahon sa ibaba. Tandaan na palitan ang tekstong [pangalan ng pahinang iyong ihaharap] sa aktuwal na artikulo na iyong inonomina.
  4. Sa bagong pahinang nagawa, baguhin ang mga tekstong may nakalagay na "Pahinang ihaharap" sa aktuwal na pahina na iyong ihaharap. Tapos palitan ang tekstong [Dahilan kung bakit kailangang piliin] sa aktuwal na dahilan kung bakit mo nasabi na kailangan piliin ang iyong pahina. Tapos tanggalin ang mga tekstong <nowiki> at </nowiki> para ang tekstong --~~~~ lamang ang matitira upang maitala ang iyong pirma.
  5. Itala ang pahina.
  6. Idagdag ang naitalang pahina ng nominasyon sa seksyong "Artikulo" sa ibaba kung artikulo ito. Ganito ang tekstong ilalagay sa seksyon: {{/[pangalan ng pahinang iyong ihaharap]}}
    Halimbawa: {{/Indya}}

Napiling nilalaman:

Mga kasangkapan para sa mga napiling artikulo:

Mga nilalaman

Aklat Padron Inihaharap ko ang artikulong aklat bilang isang kandidato para sa napiling artikulo. Heto ang mga dahilan ko:

  1. Orihinal na akda ito, hindi isang salin mula sa ibang wiki.
  2. Angkop ang haba para sa paksa. May sapat din na sanggunian.
  3. Malinaw na naipaliwanag, sa tingin ko, ang artikulo, na isinulat sa anyong pa-overview.

GinawaSaHapon (usap tayo!) 12:27, 1 Setyembre 2022 (UTC)[tugon]

Berlin Suleras Inihaharap ang pahinang ito, tumutukoy sa kabesera at pinakamalaking lungsod ng Alemanya. Mahaba ang artikulo at maraming paksang naitalakay. --Ryomaandres (kausapin) 10:23, 27 Agosto 2022 (UTC)[tugon]

Kim Il-sung Suleras Aking inilalahad ang artikulong Kim Il-sung para maging isang napiling artikulo. Maayos ang artikulo, angkop ang haba, at detalyado. --Senior Forte (kausapin) 15:12, 4 Disyembre 2021 (UTC)[tugon]

Baybayin Suleras [Ang pahinang ito ay naglalaman ng impormasyon hinggil sa unang sulatin at paraan ng komunikasyon ng mga Tagalog at mga karatig-bayan. Kung titingnan ang mismong pahina,maraming makabuluhang detalye ang naibigay at tila hinubog nang sapat. Ang mga sanggunian ay nakasama at naisalin na rin sa Tagalog. Ang pahina ay maiituturing na maayos at maaaring maging modelo para sa ibang gawa.] --Kurigo (makipag-usap) 17:35, 21 Disyembre 2020 (UTC)[tugon]

Mahinang pagsang-ayon. May mga kaunting problema siya sa gramatika at spelling (malimit gumagamit ng "ay" at malalalim na sentence construction - mga problemang madalas mangyari sa pagsalin mula Ingles pa-Filipino/Tagalog), pero maayos naman ang kabuuan ng artikulo at hindi naman nakakasagabal nang matindi ang mga problemang natukoy sa daloy ng artikulo. Naiintindihan naman siya, kaya okey ako. GinawaSaHapon (usap tayo!) 02:35, 26 Disyembre 2020 (UTC)[tugon]
Kumento: @Kurigo: Kung magagawa mong itama ang kaunting problema na sinabi ni GinawaSaHapon at magawa mo ang Suleras, pagpapasyahan ko ito. --Jojit (usapan) 13:50, 19 Enero 2021 (UTC)[tugon]

Sinupan (Arkibo)

[baguhin ang wikitext]