Wikipedia:Mga nominasyon para sa napiling nilalaman/NAPOCOR
Itsura
Template:UnangPahinaArtikulo/NAPOCOR - Gawa ni Delfindakila; nominasyon ni Felipe Aira
- Sang-ayon Malawak ang ibinibigay na impormasyon ng artikulo. -- Felipe Aira 01:51, 13 Hulyo 2008 (UTC)
- Sang-ayon - dahil napili ko na rin ito para sa Alam Ba Ninyo. - AnakngAraw 01:52, 13 Hulyo 2008 (UTC)
- Sang-ayon Bagama't ako ang gumawa nito, ang dahilan ng paggawa ng lathalaing ito ay diyan nagtatrabaho ang aking ama. Bukod pa rito, ang aking pilosopiya ay mapahayag sa wikang Filipino ang mga lathalain tungkol sa mga teknolohiya.. Maraming salamat po! - Delfindakila 04:41, 13 Hulyo 2008 (UTC)
- Tutol Masyadong marami ang mga pulang kawing nito at masyadong maigsi ang unang talata. Higit sa iyon, hindi kailangang ikawing ang mga batas, kautusang tagakagawaran, kautusang tagapagpaganap, atbp. at dapat tanggalin ito. Mali rin ang pagsalin ng Build-Operate-Transfer (dapat ito ay Itayo-Operahin-Ilipat o similar) at ibang mga terminolohiya. Masyadong mabilis ang pag-sang-ayon ito. Ang tatlong boto ay HINDI SAPAT para lang magka-NA. --Sky Harbor (usapan) 15:17, 13 Hulyo 2008 (UTC)
- Sapat naman po ang haba ng punong talata. At tama lang pong kawingan ang mga batas, dahil ang mga batas na kinawing ay may sapat na kaugnayan sa artikulo, at ang mga batas naman po ay karapat-dapat gawan ng artikulo. Tungkol naman po sa mga pulang kawing, hindi naman po kasalanan ng artikulong hindi sapat ang mga artikulo natin para sa gayong usapin dito sa Tagalog na Wikipedia. Sa mga terminolohiya naman po, maaari niyo po bang ibigay kung anu-ano po ang mali? Kung tungkol po ito sa usapin ng purismo, paunang paghiram sa Kastila hindi sa Ingles, mga alternatibong kataga at pagbaybay, basta't karaniwan, tandaan pong wala pa rin po tayong mabisang patakaran tungkol sa mga gayong bagay kaya maaaring gamitin ng manunulat ng artikulo ang ano mang istilo sa pagsulat, sistema sa pagbaybay, at pagpili ng mga salitang kanyang napupusuan hanggang hindi nito hinahadlangan ang pagiging Tagalog ng artikulo, at pagiging mapagbigay-alam nito. -- Felipe Aira 10:07, 14 Hulyo 2008 (UTC)