Usapang tagagamit:Senior Forte

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mabuhay!

Magandang araw, Senior Forte, at maligayang pagdating sa Wikipedia! Salamat sa iyong mga ambag. Sana ay magustuhan mo at manatili ka sa websayt na ito. Ito ay isang talaan ng mga pahina na sa tingin ko ay makatutulong sa iyo:

Sana ay malibang ka sa pagbabago ng mga artikulo at pagiging isang Wikipedista! Maaari ninyo pong ilagda ang inyong pangalan sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na tildes (~~~~); ito ay automatikong maglalagay ng pangalan at petsa. Kung kailangan mo ng tulong, maaari kang pumunta sa Wikipedia:Konsultasyon, tanungin mo ako sa aking pahinang pang-usapan, o ilagay ang {{saklolo}} sa iyong pahinang pang-usapan at isang Wikipedista ang madaling lalabas upang sagutin ang iyong mga tanong. Huwag rin ninyo pong makalimutang lumagda sa ating talaang pampanauhin (guestbook). Muli, mabuhay!




JWilz12345 (Kausapin|Mga kontrib.) 01:52, 1 Disyembre 2021 (UTC)Reply[sumagot]

Hi Senior Forte, nilagyan ko ng mabilisang pagbura na tag ang artikulong nilikha mo, ang Lakdawpagkamakabansa dahil iisang pangungusap lamang ito. Ayon sa ating patakaran (tingnan ang WP:BURA#Mga dahilan), buburahin ang mga artikulong walang sapat na impormasyon o may iisang pangungusap lamang kung hindi ito napalawig sa loob ng dalawang linggo mula sa pagkakalikha. Hinihimok kita na palawigin ito bago ang Enero 12, 2022 para hindi mabura. May isa pang isyu ang artikulong ito. Isa rin itong neolohismong katawagan (tingnan en:WP:NEOLOGISM). Mas angkop ang katawagan nito sa Tagalog bilang "ultranasyonalismo". Kung mapapalawig mo ito, ililipat ko ang artikulo sa ultranasyonalismo. --Jojit (usapan) 23:05, 29 Disyembre 2021 (UTC)Reply[sumagot]

Magandang umaga, @Jojit fb! Nadagdagan ko na ng impormasyon ang artikulo tungkol sa lakdawpagkamakabansa. Hindi ko talaga ito mapapalawak ng maigi sa ngayon dahil naaabala ako sa mga pinapagawa sa paaralan at balak ko munang palawakin ang mga artikulo tungkol sa mga bansa, pampolitikang pinuno, palakuruan, monarko, at mga pangkalahatang paksa.
Para sa pangalan, nilagay ko ang terminong "ultranasyonalismo" sa deskripsyon. Sa usaping paglilipat nito sa artikulong "ultranasyonalismo", personal akong tutol dito. Napansin ko kasi na ang karamihan sa mga artikulo rito ay gumagamit ng mga terminong nanggagaling lamang mula sa wikang Ingles. Kung napansin mo, ginamit ko ang terminong "palakuruan" kaysa sa "ideolohiya". Kadalasan kasi akong nagbabatay ako mula sa Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino ni Gonsalo del Rosario, at paminsan-minsan ay nagbabatay ako mula sa internet. Nais ko sanang mas gamitin ang mga katawagang ito upang hikayatin ang iba na sumunod.
--Senior Forte (kausapin) 02:01, 30 Disyembre 2021 (UTC)Reply[sumagot]
@Senior Forte Maganda naman ang ideya mo ng pagpapalawak ngunit ito ay isang ensiklopediyang pampubliko, ibigsabihin ay ang mga salita at impormasyon ay nararapat na unawain ng mga pangkaraniwang tao. Kadalasan ginagamit nag hiram na konsepto at salita dahil madali itong gamitin at ginagamit na ng lahat. Ang ilan naman ay angkop talaga ang salitang katutubo sa tagalog halimbawa ang paaralan imbes na eskwelahan o skol. Kaya ginamit ang ultranasyonalismo dahil maraming tao ang makakaintindi nito at malaki ang tsansa na malawak din itong ginagamit ng mga karaniwang mamamayan. Pag-iisipan pa natin kung paano ang batayan at panuntunan sa paggawa ng pamagat pero para sa future na yon. --Likhasik (kausapin) 17:57, 5 Marso 2022 (UTC)Reply[sumagot]

Copy paste moves[baguhin ang wikitext]

Hello, please avoid doing copy paste moves, as this fragments the articles edit history. See more here. In the future, in case moving the page is blocked by an existing redirect, ping Jojit fb by writing {{ping|Jojit fb}} and ask to move the page. Thanks. Glennznl (kausapin) 13:20, 9 Agosto 2022 (UTC)Reply[sumagot]

Understood. Thanks for the notice. --Senior Forte (kausapin) 13:33, 9 Agosto 2022 (UTC)Reply[sumagot]

Pangngalan ng mga Bansa[baguhin ang wikitext]

@Jojit fb: Magandang gabi! Maaaring pakilipat ng nilalaman ng mga pahinang Ukraine, Uzbekistan, Georgia (bansa), Lithuania, Moldova, Latbiya, Kyrgyzstan, at Estonia sa Ukranya, Usbekistan, Heorhiya, Litwanya, Moldabya, Letonya, Kirgistan, at Estonya ayon sa pagkakabanggit upang itaglay ng mga artikulong ito ang kanilang mga pangalang Tagalog, na batay sa kanilang mga Kastilang katapat. Dadagdagan ko naman ang nilalaman ng mga pahinang ito sa mga susunod na linggo kaya't huwag mag-abala. Maaaring pakilipat na lamang upang masimulan ko na ang mga ito. --Senior Forte (kausapin) 13:49, 9 Agosto 2022 (UTC)Reply[sumagot]

Yes check.svgY Tapos na. Bagaman, hindi ko inaayos ang loob ng mga artkulo para palitan ang mga pangalang binigay mo. Kung nais mo siyang ayusin, pwede naman. Anyway, maraming salamat sa mga kontribusyon mo. :-) --Jojit (usapan) 06:59, 10 Agosto 2022 (UTC)Reply[sumagot]
Pangalan sa Tagalog? May patunay bang ito ang ginagamit na baybay sa Tagalog? Mga pangngalang pantangi ang pangalan ng mga bansa. Hindi gaya ng Estados Unidos, Espanya, Alemanya, Hapon, Tsina, na mayaman ang sanggunian na ito ang ginagamit sa Tagalog. Kahit opisyal na pagtukoy ng pamahalaan ay hindi iyang iminumungkahing baybay. -- Namayan 01:55, 29 Oktubre 2022 (UTC)Reply[sumagot]

Estados Unidos[baguhin ang wikitext]

@Jojit fb: Magandang gabi! Maaaring pakigawa ng Estados Unidos bilang isang napiling artikulo. Angkop ang nilalaman nito kaya't maaari siyang itampok. Senior Forte (kausapin) 11:10, 25 Agosto 2022 (UTC)Reply[sumagot]

Hi Senior Forte, pakigawa na lamang ng nominasyon dito Wikipedia:Mga nominasyon para sa napiling nilalaman. Mukhang pamilyar ka naman sa proseso dahil nakapagnomina ka ng artikulo. Kapag nakagawa ka na, hintayin na lamang natin na may magrepaso (o magre-review). Kung walang marerepaso sa matagal na panahon, subukan kong irepaso pati na rin 'yung isang nominasyon mo. Salamat. --Jojit (usapan) 00:52, 26 Agosto 2022 (UTC)Reply[sumagot]