Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Mga nominasyon para sa napiling nilalaman/Napoles

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Napoles Suleras Inihaharap ko ang artikulong ito na isa sa pinakamahalagang lungsod sa Italya. May angkop na haba ang artikulo na sumasakop sa samu't saring salik ng lungsod. At sa pagkakaalam ko, mukhang wala pang bagong napiling artikulo ngayong 2021.--Ryomaandres (kausapin) 16:42, 24 Setyembre 2021 (UTC)[sumagot]

  • Mahinang pag-sang-ayon- Maayos ang pagkakabuo at pagkakaugnay ng mga nilalaman. Puna ko lang na maraming red links pero siguro okay lang yun kasi hilaw pa rin ang TL wiki. Ilan sa mga seksyon ng artikulo ay maaaring tanggalin tulad ng mga kilalang tao dahil bihira lang magagawan ng artikulo ang mga ito, pati na rin ang mga seksyon tulad ng Mga pagkakahating pang-administratibo. Marami kasi ang hindi magagawan ng artikulo sa matagal na panahon kaya gawin na lamang black/normal text imbis na lagyan pa ng red link. Karamihan sa mga red links ay bihira ring basahin ng mga tao kung magagawan pa ng pahina. Dagdag pa rito na ikaw lang ang tanging nag-ambag kaya kakailanganing suriin muli. Hindi ko masyadong gamay ang mga bagay na tungkol sa Napoles kaya ipapaubaya ko muna ito sa iba. Pero para sa akin, okay ang artikulong ito para maging 'napiling artikulo' kung ikukumpara din ang kalagayan ng iba pang pahina. Ang sa akin lang, problema lang ang red links at mga pahinang one-liner na sana hindi mangyari. Maganda rin na makita ito sa front page para kung may ibang makakita man, maaari silang ma-engganyo at sa gayon, palawigin at ayusin ito. Yun lang at sana mapabuti pa ito. --Kurigo (kausapin) 04:47, 25 Setyembre 2021 (UTC)[sumagot]
Kumento: @Ryomaandres: Kung magagawa mong itama ang problema na sinabi ni Kurigo at magawa mo ang Suleras, pagpapasyahan ko ito. --Jojit (usapan) 02:13, 6 Disyembre 2021 (UTC)[sumagot]
Tugon: Update ay maraming red links ang nagawan na ng artikulo at sininop ang mismong artikulo. --Ryomaandres (kausapin) 16:43, 10 Hulyo 2022 (UTC)[sumagot]